Nagsimula nalang akong maglakad papunta sa elevator. Pagpasok ko isasara ko na sana ito ng may biglang kamay na humarang kaya bumukas ito ulit. Isang lalaki pa ang nakita ko ng tumagilid siya ay halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Vanessa. Naka red semi-dress siya habang naka red lipstick. Ang ganda naman niya!




Pagpasok niya ay yumuko agad ako para di niya ako makilala sumunod naman sa kanya yung lalaki na kasama niya na sa tantsa ko ay bodyguard niya ito. Pinindot ng lalaki ang 15th floor kaya nanlaki na naman ulit ang mata ko. Doon siya pupunta kay Nerd, oh nga naman pala girlfriend siya ng CEO namin.




Nang bumukas ang elevator ay lumabas na agad sila at ako naman ay nagpaiwan pa ng ilang segundo bago lumabas.





---


Prince Yonard Greffin



Nakaupo ako sa swivel chair habang hinihintay si Ms. Guillar. She's supposed to be here pero wala pa siya kahit anino niya. I told her no lates—



Napatingin agad ako sa pinto ng biglang may pumihit sa doorknob. And now she's here.



"Why are you—"



"Hi Yonard." naputol ang salita ko ng makita ko si Van. What is she doing here? Di ko man lang alam na pupunta siya. She didn't text me or give some calls.




"Why are you....here?" tanong ko. Naglakad siya palapit sakin at umupo sa harapan ng table ko.




"Are you expecting for someone?" malungkot na tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko pero agad naman akong kumalma.




"Yes— I mean no. It's just I've waited for my secretary. And I thought it's you." sagot ko sa kanya. She nodded and smiled bitterly.




"I bet she's with me a while ago. Nakasabay ko siya sa elevator. Nasa labas siya. Sorry for interrupting your work. I'll just come back next time." sabi niya at aakmang tatayo na ng pinigilan ko siya.




"You.... you can stay." sabi ko. Ngumiti siya sa 'kin.




"Thank you. Dito nalang ako sa sofa magtitingin sa mga magazines." sambit niya at tumungo sa sofa at saka siya nagsimulang bumuklat ng magazine.




Napatingin ulit ako sa pinto ng may kumatok. I bet siya na talaga ito.



"Come in." sabi ko. Nakita ko ang pagpihit ng doorknob at saka ko siyang nakita na pumasok.





"S-sir, sabi daw po ni Manager dito na ako sa floor niyo ang bagong workplace ko para—"



"Oh my god! Is this real?" naputol ang sabi ni Ms. Guillar ng biglang nagsalita ng gulat si Van.




Oh sh*t! She didn't know everything.




"Franzine Guillar?" gulat na tanong ni Van kay Franzine. Tumingin si Franzine kay Van at mahinang tumango.




Napatingin sa 'kin si Vanessa na parang di makapaniwala sa mga nakikita at nangyayari.





"Is this a conincedence? Or, Crossing paths?" tanong ni Van ulit. Napahilot ako sa sentido ko. She's talking nonsense.




"C-coincedence po." nauutal na sagot ni Franzine. Napatingin ako sa kanya pero nakayuko na siya. Coincedence? What a damn coincedence?



Crossing PathsWhere stories live. Discover now