VI. Attached

770 41 1
                                    





Franzine Guillar


Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Carlo ng makita niya akong nakaharap sa salamin.




Ano bang nangyayari sa lalaki na 'to?



"Kanina ka pa dyan sa harapan ng salamin ah? Pwedeng umalis na tayo?" sabi niya. Inikotan ko siya ng mata bago umalis sa harapan ng salamin. Di naman ako nagpapaganda, inayos ko lang ang damit ko dahil naalala ko ang sinabi ni Nerd nung pinatawag niya ako kahapon. Na kung gusto ko ng good performance, do it well. Sinunod ko lang naman ang sinabi niya.

"Masyado kang atat. Gusto mo lang makita agad si Desiree eh. Palusot ka rin eh!" sabi ko sa kanya sabay kuha ng mga gamit ko sa sofa. Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko.



"Sino naman yang Desiree na 'yan?" tanong niya. Binato ko siya ng tissue sa mukha. Nagmamaangan pa eh.


"Neknek mo, Caloy! Kinilig ka na dyan eh." asar ko sa kanya. Di ko siya hinintay na sumagot at tumungo sa kusina para magpaalam na kay Aling Pacing. Wala si Hazel dahil pinuntahan niya si Jam.


"Aling Pacing alis na po ako." paalam ko. Nakita kong ngumiti at tumango si Aling Pacing bago ako naglakad palayo sa kanya.



Paglabas namin sa bahay ay agad akong sumakay sa likod ng bisekleta ni Carlo. Habang papunta kami sa companya ay nadaanan namin ang seaside kong saan nakasikat na ang araw. Napakainit naman ngayon!



Pagkarating namin sa companya ay inayos ko muna ang suot ko at ininantay si Carlo na pinark pa ang bisekleta.



"Wag mo ng ayusin. Wala namang titingin sa 'yo." sabi ni Carlo sa 'kin. Hinampas ko siya sa braso dahil ang sakit ng sinabi niya. Ang sama ng Caloy nato! Akala naman kung may titingin sa kanya. Minsan assuming rin itong si Caloy.


"Tara na uy! Masamang pinaghihintay ang gwapo! Hahaha!" sambit niya sa 'kin at tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Na-aattached rin pala siya sa kayabangan.


"As if naman." sagot ko at inirapan siya at saka siya ininuhan sa pagpasok sa loob ng companya.

Pagkapasok ko ay unang bumungad sa 'kin si Desiree. Napatingin tuloy ako sa likod para tingnan ang reaction ni Carlo dahil nandito ang crush niya pero parang wala man lang siyang pakialam. Galing niyang magtago ah!


"Franz, inilipat ka na ni Manager sa 15th floor kung saan malapit ang mini office mo sa office ni Mr. Greffin para madali ka nalang makapunta sa office niya." sabi ni Desiree. Naramdaman ko agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko.




Doon na ako? Kung ganun, halos oras, minuto o di kaya naman ay segundo kaming magkikita?



"Pwede namang dito lang si Franz sa lobby ah. Dami namang arte ni Mr. Greffin." mahinang sabi ni Carlo sa likod ko. Agad ko siyang siniko at baka kasi may makarinig pa sa sinabi niya. Patay na naman ulit kami!


"Sige salamat." sagot ko kay Desiree at nginitian siya. Tumango lamang siya at maliit na ngumiti bago umalis.

Humarap ako kay Carlo para magpaalam na sana ng bigla siyang tumalikod sa 'kin.



"Sige na. Punta ka na dun baka mapagalitan ka pa." sabi niya habang naglalakad palayo sa 'kin.




Bastos rin ang Caloy na 'yun eh! Talikuran ba naman ako?




Crossing PathsWhere stories live. Discover now