Chapter 4: Hidden feelings

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagka-park ko pa lang sa harap ng bahay nina Jeydon, nakita ko na si Candice na pumasok sa loob. Bumaba agad ako sa kotse ko tsaka ko siya sinundan sa loob.

Sinundan ko siya hanggang sa makita niya si Jayshin. Pakiramdam ko, may alam na rin si Jayshin sa kung ano 'yong sitwasyon ngayon. Siguro pinigilan pa niya si Candice na kausapin si Jeydon pero hindi rin siya nagpaawat. Tuluy-tuloy siyang naglakad papunta sa kwarto ni Jeydon.

"Hyung?"

"Jayshin, nandito rin ba si Kim?" Hindi siya nakatingin sa 'kin nang deretso. "Magkasama ba sila ngayon sa kwarto ni Jeydon?"

"Yes, she's here. Hyung, please stop Noona from going there. Masasaktan lang siya. Please, Hyung."

"Ako nang bahala." Tinapik ko 'yong mga balikat niya pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ni Jeydon.

Nakita ko si Candice na nakatayo sa harap ni Jeydon. Kahit sa malayo, kitang-kita ko na nasasaktan siya. Hindi ko maintindihan pero parang doble 'yong sakit na nararamdaman ko. Ayoko siyang makita na nasasaktan.

"Tama na, 'wag mo nang pahirapan 'yong sarili mo. Candice, wala nang mangyayari kahit umiyak ka pa. Wala na tayo, tapos na tayo." Napaluhod si Candice sa harap ni Jeydon.

Noona, tama na, hindi mo kailangang gawin 'yan. Hindi mo kailangang magmakaawa sa kanya. Gago siya para gawin niya sa 'yo 'to.

"Jeydon, mahal na mahal kita e..."

"Ano ba?! 'Wag ka ngang tanga! Hindi na kita mahal! Siya na 'yong mahal ko, siya at hindi ikaw. Kaya kung may natitira ka pang awa riyan sa sarili mo, itigil mo na 'yan."

Paano mo ba 'to nagagawa sa kanya, Jeydon? Dati palagi mo pang sinasabi sa 'kin kung gaano mo kamahal si Candice. Mahal na mahal mo siya, hindi ba? Ngayon bigla mo na lang tatapusin lahat? Gano'n na lang ba 'yon sa 'yo? Dalawang taon din kayo ni Candice at hindi biro lahat ng mga pinagdaanan niyo.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? Jeydon naman e, sabi mo mahal mo ko! Sabi mo—"

"Babe? Did you break up with her na?"

Kahit kailan, palagi na lang si Kim ang dahilan ng problema. Binalaan ko na siya pero hindi siya natinag.

"Yes, babe." Mga hayop sila. Ang kapal ng mukha nilang gawin 'to kay Candice at harap-harapan pa.

"Candice, you better go."

"Pero Jeydon—"

"Hindi mo ba narinig si Jeydon?!" Lumapit sa kanya si Kim. "Umalis ka na! Wala ka nang lugar sa buhay ni Jeydon. Alis!"

"Hindi ako aalis dito!" Shet tama na, Candice.

"Alis na sabi e! Umalis ka na dahil wala ka nang lugar dito!" Napahiga sa sahig si Candice dahil sa pagtulak ni Kim.

Akala ko tutulungan siya ni Jeydon pero hindi. Paano mo natitiis na ginaganito si Candice? Jeydon, ano bang problema mo? Hindi ka naman ganito ah?

"Umalis ka na, Candice."

May luha na pumatak sa mga mata ko. Luha na dulot ng sakit at galit. Sakit dahil nakikita ko si Candice na nasasaktan nang sobra at inis dahil sa ginawa nina Jeydon at Kim sa kanya.

"Jeydon, gusto mo na ba talaga akong umalis? Umalis diyan sa buhay mo?"

"Oo, umalis ka na. Umalis ka na sa buhay ko."

Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan. Sobra-sobra nang sakit 'yong pinaramdam sa kanya ni Jeydon at Kim. Tama si Marky, kailangan niya ako.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon