"Where's Boss? Ano, wala man lang bang paramdam yung mga hayop na yun? Hanggang ganon na lang sila? Tayo?! For Christ's sake, his father is in the hospital because his son is gone missing while her bodyguard is stupidly unconscious!"

At naramdaman ko na lang ang pag-init ng mga mata ko. Hindi na nahintay ng mga luha ko na pigilan ko sila. Agad silang nagunahan na tumulo. Natatakot ako. Natatakot ako, sa totoo lang. Paano kung huli na ako? Paano kung wala na si Kyle?

"Maiah! Pwede ba?!..." galit na sabi ni Tony. Tiningnan ko siya ng masama at marahas na pinunasan ang mga luha.

"...Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman kasalanan. No one saw it coming. We're already working on them when it happened. No one wanted this, you know that. Kaya wala kang karapatang sisihin ang sarili mo dahil wala ka namang kasalanan."

"Ano bang alam mo sa nararamdaman mo?! Wala naman, di ba? At ano pa bang mali sa sinabi ko?! Bodyguard ako ni Kyle pero wala man lang akong nagawa?!"

"Eh p@/@%$ i*@ naman! Alam ko dahil nasasaktan ako! Nasasaktan ako na iniiyakan mo siya at hindi mo man lang magawa yan sakin! Pero kahit masakit, wala akong magawa dahil mahal mo! Oo na, talo na ako! Talong-talo na ako sa kanya! Pero utang na loob, huwag mo akong pahirapan, huwag mong sisihin ang sarili mo!" galit na sagot niya.

Nagulat ako sa sinabi ni Tony. Namumula ang mukha niya sa galit, pero parang iiyak rin ang mga mata niya sa sakit. Shit. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng sobra-sobra. As in. At hindi ko alam kung ano ng dapat sabihin. Ramdam ko ang bigat ng loob niya. Ramdam ko kung gaano siya nasasaktan.

"Ano ba naman kayo. Ganito na nga ang nangyayari pero nag-aaway pa kayo. Guys, Martins are in danger. Si Sir Kristoffer at si Sir Kyle. Walang panahon para sa sisihan at sumbatan. We need to move!" awat ni Greg.

Doon lang ako napakurap. Tumalikod si Tony mula sa amin pero napansin ko ang malalim na paghugot niya ng hininga.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko, at inayos ang sarili. Napabuntong-hininga ako. Tama si Greg. I need to focus. We need to save them.

"I need to talk to Boss. We need to find them. Si Kyle. Kung saan siya dinala. Any update from the syndicate?" at tiningnan ko si Greg.

Pero umiling siya. "Wala. Wala silang paramdam. Ni hindi man lang sumugod. Inaasikaso ni Boss ang security na nakaset up kay sir Toff. Para iassure na well-secured ang buong kwarto niya sa hospital dahil baka may binabalak na assassination ang sindikato, mahirap na. Pero so far, wala pa kaming idea kung nasaan si Kyle. Tahimik lang sila." sagot niya.

Oh my God. Hindi pwedeng maghintay na lang kami ng impormasyon galing sa sindikato. We need to have a way! Hindi ito isang kidnap for ransom case na naghihintay ng pera galing sa pamilya ng biktima. Ang sindikato na to ay pumapatay ng biktima nila, at wala silang sinasanto. Pwede nilang patayin si Kyle, ano mang oras gustuhin nila, o kung kelan nila matripan.

Hindi nila pinapatagal ng dalawang araw ang biktima at dinidispatya na nila yun.

Shit talaga. Ni wala pa nga kaming matibay na ebidensya at impormasyon kung sino ang mastermind. At hindi rin pwedeng mawala si Kyle basta-basta dahil may alam siya tungkol kay Leonel Jason Ruiz. Malaking tulong yun sa kaso.

"We really need to find him. Kung ako ang kailangang gumawa, gagawin ko. I need my laptop. Did you see it?" at hinanap ko ang computer ko na hindi ko agad nakita.

"Kailangan nating maghintay ng order kay Boss. Di ka pwedeng kumilos mag-isa." tiim bagang na sabi ni Tony.

Nagsukatan kami ng tingin. Pero hindi ko siya sinagot. Hindi ako pwedeng maghintay na lang.

My BodyguardWhere stories live. Discover now