Chapter 1

72 14 3
                                        

Chapter 1

Kinakabahan ako ng sobra. Gusto kung magback out pero masasayang lang ang pagod ko sa pagpila ko kanina. Ah basta!! Itutuloy ko to. Kinakabahan na talaga ako sobra! Halos himatayin ako. Napahinto ako sa pag enhale exhale ng biglang magring ang phone ko.

"Hello Lexi" sabi ko. Akala ko kung sinong tumawag si Alexis pala yung best friend ko.

"Xy (Xai). Nakapasa ka ba?" tanong niya.

"Hindi pa nga ako nag-a-audition eh. Lex kinakabahan ako. Gusto ko magback out." sabi ko na may halong kaba.

"Ayt! Ang OA mo beh. Ngayon ka pa ba magbaback out eh andyan ka na? Tuloy mo na yan. Isipin mo lang na matagal mo ng pangarap na mag audition dyan. Keri mo yan bes andito lang kami sa likod mo" sabi niya

"Pero Lexi parang***"

"Who's Francheska Xyle Palvin?" sabi nung girl na matangkad na galing sa loob kung saan nag a-audition yung mga pumila bago ako.

"I am Francheska Ma'am" sabi ko sabay baba ko ng telepono

"okay please follow me" sabi ni Girl Matangkad.

Sumunod ako gaya nung sabi ni Girl matangkad at pumasok kami dun sa loob. Grabeh! Kung kinabahan ako kanina mas dumoble ngayon. Eto na. Sana naman magawa ko to ng maayos. Eto na talaga! Nakaharap ako sa 3 judges 1 babae at 2 lalaki. Di ko sila kilala pero yung isang lalaki lang si Park Jin Young. OmyGod JYP nga. Eto na

"What is your name Miss?" tanong ni Park Jin Young

"I'm Francheska Xyle K. Palvin. I'm from Philippines. 17 years old" kinakabahan kung sabi.

"Okay. You may start now." sabi ni Park Jin Young

"I hope you like this song." sabi ko

I'm falling in
I'm falling down
I wanna begin
But I don't know how
To let you know,
How I'm feeling.
I'm high on hope.
I'm reeling.

[Chorus:]
And I won't let you go,
Now you know,
I've been crazy for you all this time.
I've kept it close
Always hoping
With a heart on fire,
A heart on fire.
With a heart on fire,
A Heart on Fire.

At nagbow ako sa harap nila.

"I don't know what to say. You did a great job." sabi nung girl

"Yeah. We don't know what to say. Congratulations." sabi nung lalaki. Kinakabahan ako sa mga ngiti nila.

"You really have a good voice. So for me it's a y*****" hindi natapos ang sabihin dapat ni Park Jin Young ng may sumingit

"Hoy bata ka! Gising" sabi ni teka sino ba to?

"Huh? Sino ka? Pwedi mamaya na. Kita mong nag-aaudition yung tao oh tapos may nagsasalita sa harapan mo" sabay turo ko pa.

"Huh? Anong pinagsasabi mo? At anong sino ako? Huy bata ka! Gumising ka nga nananaginip ka yata eh. Paki off yang phone mo kanina pa tumatawag si Lexi sayo ang ingay." sabi ni teka sino nga ba kasi to?? Aysh! Yung anak ni manang pala si Jena

So panaginip lang pala yun? Teka nga bat nanaginip ako nun? Hindi naman ako nangarap na maging singer. Kelan pa ako nagkainteresado ng ganun? Ang weird nung panaginip na yun at talagang doon pa ako nag-audition sa JYP Entertainment na hinahangaan ng best friend kung si Princess. Nawindang ako ng magring na naman ang phone ko. May tumatawag nga pala sakin

"Hello Lexi?" tamad kung sagot. Dis oras na ng gabi. Nambobolabog tong babaeng to.

"Bes pasundo naman oh. Hindi ko na kaya magdrive eh. Sige na please." sabi ni Lexi. Lasing na ata tong babaeng to. Iba na ang pananalita eh.

"Okay. As if I have a choice. Where are you ba?" tanong ko

"I'm here at**** " sabi niya.

"Okay!" sabi ko pero bago pa nababa ang phone may narinig ako galing sa linya ni Lexi

"She will be loved and she will be loved." Boses lalaki. Ang ganda ng boses niya. Ewan ko pero parang nabighani ako sa boses niya. Oa na kung oa pero parang ganun eh. Ang ganda talaga.

Heart on FireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin