1

14 0 0
                                        

Papunta ako ng school nang madaanan ko ang bahay ng mga Montenegro. Lahat ng kababaihan dito gustong mapabilang sa angkan nila. Tinitingala sila dito sa aming probinsya. Maswerte ka pag napansin ka ng isa man sa kanila. Hindi lang sila mayaman at wala ata sa lahi nila ang pangit. Nasa kanila na ang lahat.

Masarap mangarap pero ang pangarap na yon para sa kin hanggang doon na lang suntok sa buwan ika nga. Ni isa sa mga Montenegro ay hindi ko pa nakikita. Tanging ang mga pangalan lang nila ang alam ko.

Simula't sapol mas concern ako sa buhay namin kaysa makialam sa buhay ng iba.

May bumubusina sa likod ko, alam ko na yan si Mang Berting driver ng mga Montenegro nilingon ko pero ibang sasakyan ang nakita ko.

Tumapat siya sakin. Tapos binaba niya yong salamin ng kotse niya.

"Are you one of our stalkers?" tanong niya sakin. Wow stalker agad hindi ba pwedeng napadaan lang.

"Highest level naman ang trip mo kuya. Stalker ako sa ganda kong to?! Come on kuya never in my dreams na maging stalker lang" sagot ko sa kanya sabay iling ko sa kanya.

Nagulat ako sa kanya kasi bigla na lang siyang tumawa.

Baliw lang makaalis na nga gwapo sana kaso turn off.

"Hey, what's your name?" tanong niya sakin.

"Masyadong mahal ang pangalan ko para malaman mo" sagot ko sa kanya.

Tumawa lang siya ulit.

"I'm Ethan" sigaw niya sakin.

Shit! Si Ethan Lucas Montenegro,nilingon ko siya pero nakapasok na siya sa gate ng Montenegro kaya pala stalker ang tawag niya sakin.

So, isa pala siya sa mga kinahuhumalingan ng mga kababaihan dito sa San Agustin. It gives justice naman sa hitsura niya.

Pagdating ko sa school nagkakagulo sila.

"Narinig niyo na ba ang balita? Yong isang anak ni Madam Celeste umuwi na, at ang balita ko dito na siya mag aaral sa school natin" sabi ni Carina isa sa mga kaklase ko.

"As if naman papansinin ka noon" sabi ni Bettina.

"Kahit hindi niya ako pansinin ok lang masilayan ko lang siya ok na ako" nangangarap namang sabi ni Calla.

"Naku tigilan niyo na nga yan, magsalamin muna kayo para alam niyo saan ang lugar niyo" sabi ni Charlo ang beki kong kaklase.

Tumigil lang sila nang dumating na si Mr Katindig.

Habang nagdidiscuss siya sa subject namin. May kumakatok sa pinto namin. Napatanga lahat ng kaklase ko sa dumating. He has a brown eyes, matangos na ilong manipis na labi makinis na mukha at kashape ng mukha ni Derek Ramsey, lalaking lalaki ang dating.

"Mr Montenegro your late" sabi ni Mr Katindig.

"I'm sorry sir kadarating ko lang po kasi" sagot niya na nginitian lang si Mr Katindig. Parang familiar yong mukha niya.

"Ok magpakilala ka muna tapos umupo ka doon sa tabi ni Ms Rodrigo" sabi ni Mr Katindig.

"Ok everyone I'm Ethan Lucas Montenegro" yon lang ang sinabi niya tapos umupo na siya sa tabi ko.

Shit siya yong kanina.

"Hi Ms Mahal ang pangalan" sabi niya sakin tapos kinindatan pa niya ako.

Hindi ko siya pinansin baka mamaya kung anong sabihin ng mga kaklase ko. Snob lang.

"Hi" sabi niya ulit ang kulit naman ng lalaking to.

Hindi ko pa din siya pinapansin.

"Snob but beautiful" sabi nito naka smile pa rin.

"Wala ka bang magawa Mr Montenegro? Pinagtritripan mo ba ko? Pa FC ka." sabi ko sa kanya.

"Huh? What do you mean by FC? Fried chicken? Hmmm ganun ba tingin mo sakin pagkain?" sagot pa nila nakakairita siya.

"FC meaning feeling close. Hindi naman tayo close." sabi ko sa kanya wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga kaklse ko.

"If naging close tayo i will make sure hindi ka na makakawala sa kin" bulong niya sakin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Tiningnan ko lang siya shit ang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko ano namang binatbat ng makinis niyang mukha sakin. Lumayo ako sa kanya naiilang ako sa tingin niya. Ang gwapo talaga ng lalaking to. Feeling ko namumula yong mukha ko.

"Your blushing Ms beautiful" sabi niya sakin.

"Wala ka bang mapagtripang iba? Naiinis nako sayo" sabi ko sa kanya.

"Kung sabihin ko sa iyong ikaw ang gusto ko hindi sila? What can you do about that? nakangiting tugon niya sakin.

Peste kang lalaki ka kanina ka pa. Sa dami naman ng mga babae dito. Ako pa talaga nakita mo. Badtrip! Hindi ko na lang siya pinansin sobra naiinis na kasi ako sa kanya.

Nakita kong nakatingin pa rin siya sakin. Alam ko sa sarili ko na maganda ako. Pero sa kagaya niya malamang mas maganda yong mga babaeng nakasalamuha na niya. Naiilang ako at masama ito mahirap magkaroon ng kaugnayan sa isang kagaya niya.

Mahirap mahulog sa isang Montenegro baka hindi na ko makaahon. Tumunog ang bell hay salamat. Kinuha ko yong gamit ko. Lumabas ako agad ng classroom namin.

"Hey wait! Can you please go with me kain tayo" yaya niya sakin.

Humarap ako sa kanya.

"I don't want to be rude Mr Montenegro, pero may gagawin pa ako. Maybe, just maybe you can invite some other girls- he cut me off.

Hinila niya na lang akong bigla. I hate you Ethan Lucas Montenegro they are looking at us, wala man lang siyang pakialam sa mga nakatingin sa amin.

"Ano ba, bitiwan mo nga ako" bulong ko sa kanya. Lalong humigpit yong hawak niya.

"Bakit ba masyado ka kasing affected sa sinasabi nila? Don't be, your just wasting your time" lalo niyang hinigpitan yong hawak niya sakin.

"It's not about them, bakit ba kasi ako pinagtritripan mo?" tanong ko sa kanya.

Tumawa siya sabay tingin sa kin.

"Hindi ko din alam" sagot niya sakin.

Nice answer ka talaga. Nandito na kami sa canteen ang dami niyang inorder parang hindi kumain ng isang taon.

"Fiesta?" tanong ko sa kanya.

"No, i just want to eat. Kumain ka din, para magkalaman ka" sabi niya sakin nagsimula na siya.

Bilib talaga ako sa lalaking to, wala siyang pakialam sa paligid niya. Tumingin ulit siya sa akin.

"Eat" sabi niya nakangiti sakin nakita ko yong mga kaklase ko.

"Oh ano kayo ngayon wala na kayong pag asa, yan ang totoong maganda" sabi ni Charlo.

Grabe talaga yong kaklase kong yon. Nakatingin si Ethan sa kin. Tapos na pala siya kumain. Ako naman dahil nahawa sa kanya. Kumain na din ako once lang din magkaroon ng ganito grab the opportunity ika nga. Hindi niya na inalis tingin niya sakin.

"What?" tanong ko.

"Wala lang" sabi niya.

"Hmmm if ganyan ka ng ganyan. Iiwan kita dito." tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ako sa orasan ko malapit na yong susunod na subject ko.

"Let me tell you this Alys, once you catch my attention, you can't do anything about it, I want you to be my girl whether you like it or not"  God ano to katapusan na ba ng mundo. Ganito ba kabilis ang isang Montenegro? And he knows my name.

*****

Heto na yong bunso nila...

Hindi ko maipapangakong ma uupdate ko lagi pero try ko .

Thank you sa mga silent readers ko na sumusubaybay at sa lahat ng nagfollow..  Alys i like the name...

Isa ka napili kong maging cast ng kwento ko... Thank you sa follow...

Lovelots,

Peanutchu20

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BACK TO YOUStories to obsess over. Discover now