Friday came, pero how I wish Sabado na para makausap ko na si Clarence.

Oh Saturday, come quick!

Every Friday after class e may CAT training yung 4th year at COCC training naman sa juniors. But since, nagrereview ako, exempted muna ako for 1 whole month!

Hahaha! Buti naman at may naidudulot din palang maganda 'tong pagsali ko sa quiz bee na 'to!

Nasa classroom pa ako nun habang yung iba e nagmamadaling pumunta sa locker rooms nila para magpalit ng shirt. Ako, petiks lang. No need to hurry. Wala akong COCC training ngayon.

"Aleric, may naghahanap sa'yo sa labas." Sabi naman ng classmate ko sa akin.

May naghahanap? Sino naman kaya yun? E di lumabas na ako para malaman.

Pero sana, hindi ko na lang ginawa.

"May bagyo ba?"

"Huh?"

"Ang sama kasi ng hangin..."tumingin naman na ako sa kanya. I don't know kung nagets naman niya yung ibig kong sabihin. "Anong problema mo? Ba't andito ka?"

"Ikaw ang bagyo, nakakasira ka ng schedule."

"Ano?"

"Bingi pa, talaga naman..."

"Hoy, narinig kita ah!"

"E ba't naga-ano ano ka pa dyan?"

"Ewan ko sa'yo! Wala kang kwentang kausap!" naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Pambihira! Nawala tuloy yung good vibes ko. Pag talagang nararamdaman ko yung aura niya sumasama talaga yung paligid e.

"Hoy, pinapasundo ka ni Ms. Laresma!"aba't! Sigawan daw ba ako?

"Mr. Marasigan, mas gugustuhin ko pang tawagin mo ko in my full name kesa naman sa hoy!"Nakakainis ah? Ang ganda ng pangalan ko tapos tatawagin lang niya akong hoy? Nawawala yung poise ko sa kanya e, di naman ako usually sumisigaw, pero pag siya kaharap ko, parang automatic na yun! Ewan ko ba bakit ang init ng dugo ko dyan sa lalaking yan!

"E ang arte mo kasi! Kinakausap ka pa, bigla ka na lang aalis! Pinapasundo ka nga ni Ms. Laresma naintindihan mo ba yun?"

"Fine! Kukunin ko lang gamit ko."Bumalik naman na ako upuan ko at kinuha yung bag ko and ohhh... Yung apat na libro ko.

Di pa nga pala ako dumadaan sa locker, ang dami ko tuloy dala ngayon. Tinignan ko naman si Marasigan sa labas, hinihintay niya pa rin ako at mukhang naiinip na.

"Susunod na lang ako doon. May dadaanan lang muna ako."Bungad ko sa kanya nung paglabas ko sa room.

"Hindi nga pwede. Pinapasundo ka nga ni Ms.Laresma e. Ang kulit mo din e noh?" iritableng sagot naman niya.

"E nakikita mo ba 'to?"tinapat ko naman sa mukha niya yung mga librong dala ko. "Ang dami diba? Idadaan ko muna 'to sa locker ko at tsaka didirecho sa faculty. Gets?" nauna na akong maglakad sa kanya. Fine, bibilisan ko ng maglakad para makasunod agad sa faculty. Sa 2nd floor pa kasi yung faculty room, e nasa 5th floor pa kami, dadalhin ko 'to hanggang dun? No. Way.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga nun, siya naman kaya 'tong makulit e. Saglit lang naman ako...

"Akin na nga!!!"Nagulat naman ako sa kanya at bigla niyang kinuha yung mga librong bitbit ko.

Nauna na siya sa paglalakad nun. Hawak niya sa isang kamay yung mga libro ko. Take note, that was four books! E di siya na may malaking kamay!

Sumunod naman na ako sa kanya. Baka masigawan ulit ako nito pag di ko binilisan yung paglalakad ko.

Nung pababa na kami ng hagdanan, biglang may lumapit sa kanya at biglang nag-salute.

"Sir, good afternoon Sir!" sabi nung guy.

Napahinto naman si Marasigan nun, "Carry on!" sabi niya, then the guy stepped back tapos tumakbo na.

Officer ba siya? Di ko pa kasi nami-meet yung mga officers ng CAT, maliban sa mga company heads namin e. 2nd training day palang kasi namin ngayon e.

Pero kung nagsa-salute sa kanya yung ibang CAT members, malamang officer nga siya.

Di naman siguro masamang magtanong diba? Pero di kasi kami close e.

"Maras---"

"Sir, good afternoon Sir!" this time, two girls naman yung nag-salute kay Marasigan,

Inayos lang naman niya yung kamay nung dalawang babae at sumenyas na umalis na.

Okay, officer nga siya.. Pero anong position? Kailangan ko palang magpakabait dito e, mahirap na, baka pag-initan ako nito pag bumalik na ako sa training.

"Officer ka pala."

"Don't state the obvious."Dumiretso naman siya sa pagbaba ng hagdanan.

I was just asking, bakit ang sungit nito?

Napahiya pa ako, ang bait na nga ng approach ko sa kanya e. Nako, bahala na nga siya dyan!

Nauna na akong naglakad sa kanya. Narinig ko namang tinawag niya ako. Ms.Banzuelo nga e, pero di ko na lang pinansin. Ayoko ng mapahiya for the second time around noh!

Dumating naman ako sa tapat ng Faculty room, di pa ako pumasok kasi ankita kong may kausap pa si Ms. Laresma.

Naramdaman ko namang nasa likod ko na si Marasigan.

"Pinagbitbit mo na nga ako, iniwan mo pa!"

Humarap naman ako sa kanya at nagpamewang.

"Excuse me? Ikaw kumuha ng books ko, 'Akin na nga!' remember?"ginaya ko pa yung boses niya.

"Whatever!"Inis na sagot ni Marasigan. Pumasok naman na siya sa faculty room.

Kinausap nga ako ni Ms. Laresma. Binigyan na naman ako ng another set of reviewer.

Gaaaah! Seriously? Ganito karami ang kailangan kong malaman about Chemistry ?

Another 30-page booklet.

Akala ko pa naman may sasabihin pa si Miss, iaabot lang naman pala yung reviewer. Pinasundo pa ako dito sa lalaking 'to.

Kinuha ko naman na kay Cyrus aka Marasigan yung mga libro ko, di naman na siya umimik nun, at dumirecho na ako sa gate ng school para umuwi.

Di ko na hinintay sila Elisha and Candice sa COCC training nila. Gusto ko lang magpahinga.

Accidental EverythingWhere stories live. Discover now