Chapter 2

55 0 0
                                    

Chapter 2

Monday came, syempre pumasok ako. Sabay kaming umalis ni Kuya, 8am yung pasok ko, siya naman 10:30 pa. Dinaan niya muna ako sa school bago dumiretso ng university.

7:30 palang nakarating na ako ng ICA. And to my surprise, nandun na sila Candice and Elisha! Sinalubong naman nila ako sa lobby.

"Girl, musta?" sabay pa silang bumeso sa akin.

"Well, I had the worst weekend ever!" naka-smile pa ako nun, pero fierce yung pagkakasabi ko, "Luckily, Kuya was there." I smiled a real one.

"As always..." sabay na naman silang dalawa

Natawa na lang ako. Lagi ata silang sabay kung magsalita?

"Breakfast muna tayo? 30 minutes pa naman bago mag-bell e." hindi naman sa gutom ako, pero wala naman kasi kaming gagawin e, kaya sa canteen na lang kami tatambay.

"Manlilibre ka?"

"Huh?! May sinabi ba ako?" Niyaya ko lang naman silang kumain ah? But that doesn't mean ililibre ko na sila.

"Ikaw nagyaya e, you should treat us!" Sabi naman ni Candice habang may hinahanap sa bag niya.

"Seriously?" Grabe 'tong mga 'to! Pagtulungan daw ba ako?!

"Oo!" Sabay na naman silang dalawa!

Oh well, may magagawa pa ba ako? So we headed to the North Wing Canteen. Yun na kasi yung canteen na pinakamalapit sa gym. Magga-gather kasi lahat ng students sa gym pag nag-bell bago umakyat sa mga rooms.

I just ordered iced tea and a cupcake. Yung dalawa naman, they had baked macaroni and juice. Kwentuhan lang kaming tatlo dun. Medyo marami pang tao since 15 minutes pa bago mag-bell.

After naming kumain at palabas na sana ng canteen, nagpaalam si Candice na pupunta muna siya ng washroom. So dumiretso na lang kami ni Elisha sa gym habang nagbibiruan.

Nag-bell na pero wala pa din si Candice. E san naman kaya nagpunta yun?

Pumila na kami ni Elisha. Ayun nga, kasi lahat ng section e required pumila sa gym then by block yung pag-akyat.

Usually sa likod ang pwesto naming tatlo. At ako yung pinaka-last sa pila ng girls. Hindi naman kasi alphabetically arranged yung pila e, nor by height. Kaya we're free to choose kung saaang part kami ng line pipila, what's important e maayos yung queue dahil kung hindi, maiiwan kami sa gym at maglilinis.

Nag-start nang paakyatin yung mga students. Nauna yung mga freshmen. And finally, Candice arrived!

"San ka galing? Akala ko ba nag-washroom ka lang, e ba't ang tagal mo?" I asked her agad kahit about 3 meters pa ang layo niya sa amin.

"Yeah, galing nga ako ng washroom. Pero may narinig kasi ako e." Medyo hinihingal pa siya nun, halatang tumakbo siya. Malamang takot siyang ma-late.

"And what about it?" na-curious naman ako.

"I heard sa faculty that there will be a science quiz bee next month."

"And then?"

"It's an inter-school competition and there will be a representative for every year. And for the juniors, the faculty will choose between the two of us." Mabilis yung explanation no Candice.

Candice and I are the usual candidates pag may mga quiz bee sa school. Nagkakapalitan lang kami sa first honors, pero mas madalas siya ang top 1 namen. Nakakatsamba lang siguro ako minsan. Si Elisha naman, wala siya sa top 10, but he's an above-average student naman. Nagkataon lang siguro na maraming mas matalino sa kanya, considering that he's in the top section.

Accidental EverythingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora