Nagulat naman sya pero namaywang din naman agad pagkatapos maisarado ang pinto.

Ngumiti lang ako sa kanya "Nanjan ba si Direk? " tanong ko agad sa kanya. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay nya, kaya hindi ko mapigilang mapataas din ang kilay

"No. He's not here. May trabaho pa sya, kaya you can go" nakataas kilay na sabi nya at ngumiti ng peke

Nginisian ko sya "Oh. I forgot to text my besty. Okay, itetext ko nalang and i know naman na agad syang pupunta dito once na nalaman nyang nandito ako" ngiting ngiting pagpaparinig ko sa kanya at ilalabas na sana ang cp ko ng nagmadali namang hablutin ni Divina ang kamay ko at hilahin kung san man

"Tss! A-ano ba?! " naiinis na talaga ako sa babaeng to ah.! Pinapakisamahan na nga ng mabuti! Pasalamat sya at buntis sya. Kung hindi!

"We need to talk! " sabi nya habang hilahila nya ako

"Yah! But let me go first, will you?! Tsk! " naiinis ko paring sabi

"Fine! " sabi agad ni Divina at binitawan narin ako

Sabay kaming sumakay ng elevator pababa at tahimik lang sa loob. Hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. Matapos mag order ay sinimulan ko na syang kausapin. Buntis ba talaga to? Eh, nagkakape eh.

"Bakit ka magkakape? Buntis ka diba? " nakangiwing tanong ko sa kanya

Agad namang dumating ang inorder namin. Humigop sya ng kapeng inorder nya. "And so? Gusto ko eh! Tss! " nakataas kilay nyang sabi sa akin at humigop ulet sa iniinom nya

"Tss! " inirapan ko nga!

Nagdadalawang isip tuloy akong palayain ang bestfriend ko. Napakabait ni Direk para lang mapunta lang dito sa malditang babae na ito!

"Buy the way, i dont like you" seryoso nyang sabi sa akin. Aba! Aba!

"Don't worry the feeling is mutual! I dont like you too! " badtrip kong sabi at nginisian sya

"Yun naman pala eh! Layuan mo nalang si Direk" nakangisi din nyang sabi

Tinaasan ko sya ng kilay, at syempre magpapatalo ba ang babaeng ito?! Tinaasan nya rin ako ng kilay

"Why would i. Bestfriend ko si Direk! And i dont think so na gagawin ko ang sinabi mo" sabi ko at sinimulan narin ang paghigop ko ng kape.

Tss! Nakakapang high blood lalo

"Ayaw ko sayo at ganun ka rin sakin. And i dont think so na magkakasundo tayo, kaya ikaw nalang ang lumayo" maarte nyang sabi

Nginisian ko sya "Hindi kita pakikisamahan, ako dapat ang pakisamahan mo. Bitch! So better watch out" matigas kong sabi sa kanya ng inilapit ng konti ang mukha ko sa kanya

"But, im the fiancee at magkakaanak narin kami. So back off! Bitch! " matigas nya ring sabi

Nginisian ko sya "Really, lets see Divina" sabi ko at tumayo na

"Actually, i cocongrats ko sana kayo. Okay lang sakin na maikasal sayo si Direk. But bitch! Sa ngayon, hindi ako papayag na magpakasal kayo hanggat hindi mo nakukuha ang loob ko" mahina kong sabi sa kanya at nakangiting umalis

Yeah! Siguro ito nalang ang magagawa ko para kay Direk!

Mahal ko si Direk! Pero gusto ko munang makasigurado na mamahalin din sya ni Direk at alamin kung mahal din ba nya si Direk. Gusto kong makilala si Divina. Gusto ko lang makasigurado na nasa mabuting babae mapupunta ang bestfriend ko. Kaya be ready Divina papahirapan muna kita bago mapasayo ng tuluyan si Direk!

Smirk!

DIVINA POV

That bitch! Sino sya sa inaakala nya! Hinding hindi nya ako matatakot! Sisiguraduhin kong magpapakasal kami ni Direk sa lalong madaling panahon! At sisiguraduhin ko ding ako lang ang mamahalin ni Direk! Sa akin lang si Direk! Ayokong may kahati sa kanya! At yang Jade na iyan, hinding hindi ko hahayaang maging threat sa relasyon namin ni Direk!

Ano naman ngayon kung bestfriend nya si Direk! Ano naman ngayon kung mag bestfriend sila! Dapat ko ba syang pakisamahan?! Eh, ayaw ko nga sa babaeng iyon! Dibaling kahit kanino, wag lang don sa babaeng iyon! I don't like her!

"Tss! " inirapan ko si Direk ng makita ko sya na nakaupo habang pumapasok ako sa loob ng condo ni Direk

"Oh! Anong problema mo? " nag aalalang tanong sakin ni Direk

"Ikaw ang problema ko at yang bestfriend mo! " pagmamaktol ko sa kanya. Agad syang tumayo at nilapitan ako

"A-ano? N-nasan si J-Jade? Pumunta sya dito? " nagulat pero nandon ang saya sa boses ni Direk. Inirapan ko nga

"Direk, ayoko sa kanya! Binantaan nya ako na hindi sya papayag na magpakasal tayo! " pagmamakaawa ko sa kanya at niyakap sya "Natatakot ako sa kanya! Baka kung anong gawin nya para lang hindi matuloy ang kasal natin! " dugtong ko pa

Naramdaman kong bumuntong hininga ng malalim si Direk "Divina huwag ka ng mag alala. Tuloy na tuloy ang kasal natin. Kaya huwag ka ng maistress aah, makakasama sa baby natin eh" ramdam ko ang pag aalala sa boses ni Direk at ang paghihirap nya

Ayoko mang makita syang nahihirapan. Pero ito lang ang paraan para mapasakin talaga si Direk. Ngayon lang ito babe! Soon, matututunan mo rin akong mahalin.

Magkakapamilya na tayo Direk, at lahat gagawin ko para maging masaya ka sa piling ko. Hinding hindi ka magsisisi na ako ang pinakasalan mo.

"Mahal kita Direk" puno ng pagmamahal na sabi ko sa kanya

"M-magpahinga ka na" masakit man dahil walang 'Mahal din kita Divina'. Pero okay lang. Mamahalin mo talaga ako Direk-gagawin ko ang lahat para mangyari lang iyon.


I Have Sex Disorder (COMPLETED)Where stories live. Discover now