Little Fire

177 16 32
                                    

A/N: Kasi nakaka-miss ang pamilya ng mga cakes. 

"&$*&^&%%*&%^$!" 

I covered my twin sister's ears at the sound of Mommy's shouts.

"No!" Vel pushed my hands away and glared at me. 

"Let's go!" I urged her with a tug on her pink skirt.

"No!" Her cherry-red lips are in a pout while her cheeks are puffed up like a puffer fish. I had the urge to pinch her really hard but I know Daddy will get angry. Her cheeks are so rosy that they've been pinch magnets from everyone. Pareho lang naman kami pero mas magaling kasi akong umilag. Between the two of us, Vel is the more accommodating one.

"It's bad to eavesdrop."

"I swear plinano mo 'to!" We heard another scream from Mommy followed by a crash. Namimilog ang matang napatingin sa akin si Vel.

"What is a dick?" my sister asked.

"Dunno. But it seems Daddy is one." I shrugged. Muli kong hinila ang braso ng kapatid kong tsismosa. She pushed my hands away habang nakasilip pa rin ang isang mata sa siwang ng pinto.

Narinig kong may nag-door bell kaya iniwan ko muna si Vel dahil ayaw naman niya magpapilit. Wala ang housekeeper namin today kasi day-off niya at busy sila Daddy at Mommy kaya bilang panganay it's my duty to check the intruder outside. Agad kong dinala ang stool na nasa bar papunta sa pinto para maabot ko ang peephole. 

Muntik na akong mapabalikwas sa stool nang makita ko ang nakaarkong kilay at singkit na mata ni Ama na masama ang tingin sa kabilang side ng pinto. Yikes, intruder alert nga! 

Agad akong nag-isip ng paraan para ma-stall si Ama habang wala pa ang mga magulang ko. "Password?"

"Scarlette, cupcake open the door," she said in a fake sweet voice. Alam ko na fake kasi kitang-kita ko sa peephole 'yong lalong pagsingkit ng mga mata niya. Yipes! 

"Wrong password." Nakagat ko ang labi ko nang halos pumadyak si Ama sa inis. Siguro umuusok na ilong niya. Mommy would be proud.

"Scarlette, sweetheart open the door. This is your Grandma." The knocking became louder and faster.

"Ting! Still wrong password, sorry."

"I'm not playing games young lady. Call your Daddy to open the door," sabi niya sa masungit na tono. Hala ka lumalabas na 'yong witchy side niya! Sabi ni Tita Rin bruha daw si Ama pero noong tinanong ko si Tito Adam kung totoo nga, ni-pinch niya ko nang matagal sa pisngi tapos umalis sila ni Tita Rin para pumunta sa kuwarto. 

I resisted the urge to roll my eyes. Sabi ni Daddy bad daw 'yon. 'Wag daw akong bad girl. 

Pero sabi naman ni Mommy di daw ako bad, smart lang... Sabi ni Tito Adam smart ass daw tapos binatukan siya ni Tita Rin. Noong tinanong ko si Tita Trixie kung ano 'yong ass, sabi donkey daw. 

Mukha akong donkey? Ang pretty-pretty ko tapos donkey?

Anyways, mas lalong lumakas 'yong katok sa pinto na parang may World War 3 na sa labas kaya tumakbo na ako sa kuwarto. Baka mamaya bumuga na ng fire si Ama tapos masunog yung door, tapos malitson ako tapos di na 'ko baby cupcake ni Daddy.  

"Daddy! Mommy! May intruder!"

"Owww!" sigaw ni Vel kasi naitulak ko siya papasok sa loob ng bedroom ng parents namin. Hay, di naman siya lampa pero ang bagal mag-react. Kainis! 

"Ano pong ginagawa niyo?" Nakasakay si Mommy sa likod ni Daddy tapos hawak niya yung buhok ni Daddy. "Sali!"   

"Aidan! Hindi pa tayo tapos! Sabi mo safe, walanghiya ka!" Tumatawa lang si Daddy kahit sinasabunutan siya ni Mommy.

"Babycake di 'ko naman sinasadya, ayaw mo n'on may pag-asa pang matuloy 'yong pangarap kong one dozen babycakes?"

"Peche na nileche! May training ako sa New Zealand! May mga kontrata na akong pinirmahan sa agency! Lalamunin ako ni Jaguar!" Pulang-pula si Mommy habang sumisigaw.

"Babycake kalma," sabi ni Daddy. Sumampa ako sa gilid nila tapos sa kabila naman si Vel. Kiniliti namin si Daddy kaya para siyang makulit na bulate. Maingay pa din sa pinto pero 'la pakels na ako. Tiyak pipilitin na naman akong pakainin ni Ama ng dala niyang healthy foods daw. Ewww... mas masarap pa rin 'yong protein shakes ni Mommy na may dark chocolate saka 'yong ampalaya brownies ni Daddy.

"Aidan..." Nilagay ni  Mommy 'yong ulo niya sa batok ni Daddy. "Aidan naman e."

"Daddy bakit po nagagalit si Mommy?" sabi ni Vel habang nakanguso. 

"Kasi may bago na akong babycake," tuwang-tuwang anunsiyo ni Daddy. 

"Homaygath! Pinalitan mo na si Mommy? Bad ka! Bad ka!" Sinapak-sapak ni Vel 'yong braso ni Daddy. 

"Bad ka Daddy di ka na namin love, di ba Mommy?" Bumibigat 'yong talukap ng mata ko at niyakap ko si Mommy. Di 'ko alam pero naiiyak ako. "Wala ka nang cuppycakes!" Sinipa ko siya sa tagiliran at napahiyaw si Daddy.

"Buti nga sa'yo," natatawang sabi ni Mommy. 

"Mommy ililitson na ba natin si Daddy? Sabi ni Tita Rin pag pinalitan siya ni Tito Adam ililitson niya daw," tanong ni Vel. Mangiyak-ngiyak din ang aking kapatid. "Wala na tayong Daddy!" atungal pa niya na 'kala mo di siya ang nag-suggest na litsunin si Daddy.

"Anak ng di ko papalitan si babycake!" protesta ni Daddy kahit tatlo kaming nakadagan sa kaniya. "Dadagdagan lang naman, hindi papalitan."

"Dadagdagan? Paano po?" pati ako curious na din. "Papakainin mo si Mommy ng mas maraming cake?"

"A, hindi cake kundi h--"

"Aidan!" Hinampas ni Mommy si Daddy ng unan sa ulo. "You big ass!"

"E kaya po ba ako smart ass kasi big ass si Daddy?"

"Takteng Adam, kung ano-anong tinuturo..." bulong ni Daddy.

"E di ass din ako? Akala ko ba cupcake ako!" Umatungal na naman si Vel at tumatawang niyakap siya ni Mommy. Di naman ako papatalo kaya niyakap ko din si Daddy.

"Hindi cuppycakes ko kayo," alu ni Daddy. Mukhang okay na ulit si Mommy at Daddy kasi tumatawa na sila. "Pero magkakaroon na tayo ng little fire." Hinawakan ni Daddy sa tummy ni Mommy.

"Little fire? Posporo?" tanong ni Vel. "Mommy kumain ka po ng posporo? Kaya ka po galit kay Daddy?"

"How are you sure na lalaki 'to?" Simangot na simangot si Mommy.

"Nararamdaman ko. Mag-aapoy 'yan at lalagablab kagaya ng ating pag-- ouch!" Hinampas na naman ni Mommy si Daddy sa mukha ng unan. Biglang narinig na lang namin na bumukas ang pintuan ng condo kaya mabilis na nag-dive si Mommy sa ilalim ng kama at bumunot ng baril kasabay ng pagbukas ng pinto ng kuwarto.

"Santisima!" bulalas ni Ama na pulang-pula at parang nag-marathon, "jusmiyo Red!" Agad na binaba ni Mommy ang baril at binuhat ako mula sa kama. Si Vel naman kinarga ni Dad.

"Mama, ano pong ginagawa niyo dito?"

"Hindi niyo ba ako naririnig? I've been calling your phone and that brat did not let me come in." Tinuro niya ako pero umiling lang ako at nagtago sa leeg ni Mommy. I heard her growl. Go Mommy! 

"Ma!" protesta ni Daddy. "She's not a brat."

"Good girl Scar," Mommy whispered and kissed the top of my head. "You're going to be a great ate."

Pero may tanong pa rin na bumabagabag sa akin: Paano ba maging ate sa posporo?



ISITL BitesWhere stories live. Discover now