Sheya's POV
Naglalakad na naman ako ng walang destinasyon kung saan talaga pupunta. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito. Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko lahat ng dahilan nya, kasi mahal ko siya. Ganun yata talaga pag nagmamahal ka. Kahit gaano ka pa masaktan, kahit wala ng matira para sa sarili mo mabigyan mo lang siya ay okay lang. Lahat titiisin mo. Lahat kakayanin mo. Lahat gagawin mo, kahit na yung pagtanggap na kahit anong gawin mo kapag sinabi nyang hindi ka na nya mahal ay hindi ka na talaga nya mahal.
Tandang tanda ko pa kung paano nyang winasak ang puso ko. Tandang tanda ko pa kung paano nyang ipinamukha sakin na kahit nung una pa lang hindi nya naman ako minahal. Tandang tanda ko pa kung paano nya ipinaramdam na napakadali para sa kanyang saktan at iwan ako.
Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya na panoorin na lang ang mundo kong mawasak dahil sa paghinto nito sa pag ikot. Hindi ko kayang panoorin na lang kung paanong mawalan ng liwanag ang buwan na dating gabay namin sa dilim sa tuwing gagabihin kami ng uwi.
Ayoko. Ayoko pa. Gusto ko pang umasa at ayoko pang sumuko. Gusto ko pang umasang babalik ka pa. Babalikan mo pa ako.
Dito mismo sa tapat ng parke kung saan tayo unang nagkita. Tama, nandito na naman ako at paulit ulit na binabalikan yung mga ala-ala nating magkasama. Oo gusto ko ng makalimot pero hindi ko alam kung paano. Gusto kong makalimutan yung parte kung saan mo sinaktan at winasak ang puso ko. Pero iba yata yung nakalimutan ko, nakalimutan kong ngumiti, nakalimutan kong tumawa at mas lalong nakalimutan ko kung paano sumaya.
Tatlong taon na pala? Pero bakit pakiramdam ko parang kahapon lang? I want to forget everything, every feelings I've felt when I'm with you, happiness at the same time sadness. I didn't knew I am capable of feeling it at the same time. Two different feelings. I'm happy that I met you. But, I am also sad because you suddenly leave and it seems like you don't care about me at all. It's just easy for you to hurt me.
And now I want to mend the wounds of my heart and I want to pick up the shattered pieces of my heart.
Kahit na ang ibig sabihin non ay pagbalik mo, wala ka ng babalikan.
YOU ARE READING
Shattered Pieces of My Heart
Short StoryGusto kong makalimutan yung parte kung saan mo sinaktan at winasak ang puso ko. Pero iba yata yung nakalimutan ko, nakalimutan kong ngumiti, nakalimutan kong tumawa at mas lalong nakalimutan ko kung paano sumaya. -Hershey Dayne De Vera.
