"And this? Anong drama to?" Tukoy ni Lionel sa kasalukuyang lagay ni Ezia

"I lured Quei for me to gain time to find another abortionist. I found one so here I am. Now, we can continue having fun."

Nagdidilim ang paningin ko sa naririnig. Anong klaseng katangahan ang meron ako?

Umalis ako noon at iniwan si Ezia. Hindi ko siya binalikan. Dumiretso ako sa bahay namin ni Tea. Doon na ako tumira at pinabayaan ko na si Ezia. Mukha namang mas ikinatuwa niya iyon. Walang komplikasyon.

Uuwi lang ako doon pag nakikiusap siya dahil dadalaw ang ama. Hindi ko alam kung bakit ako pumapayag pa rin. Siguro ayoko na lang ng mas malaking gulo.

Nagkamali lang ako bakit ko pa sila pinasok noong gabing iyon sa kwarto ng condo namin. Kung hindi lang ako nangialam. Kung umalis na lang ako at hinayaan sila, hindi sana ganito.

~~~~~~~~~

"Bakit hindi mo binalikan si Xy?" Tanong ni Tea sa akin matapos kong magsalaysay.

"After I left her? Matapos kong piliin si Ezia over her?" Umiling-iling ako. "I don't deserve her. Wala na akong karapatan sa kanya. I broke her heart. Basura na lang ako."

"Promise, Bro, you're the moronest of all morons- if there be such term. Nonetheless, isa lang ang point ko talaga, tanga lang!"

"Ipukpok ko kaya itong bote ng brandy sa'yo at nang--" naputol ang sasabihin ko dahil tumatawag ang aking abogado.

Ring, ring, ring...

"Hello, Atty."

"Good evening, Quei. I just want to remind you about sa briefing bukas? Me, Judge Montesa and her students will be present. Sa bahay niyo na daw sabi ni Judge?"

"Yes, yes." Sagot ko.

"Okay, then. 5 pm."

"Okay. Thanks."

Iyon lang at naputol na ang tawag.

Si Tea? Hindi nagsawang laitin ang katangahan ko.

~~~~~~~~~

Kinabukasan, alas singko. Handa na ang opisina ko para sa briefing na sabi nila.

Pero ako, hindi pa. Hinahanda ko pa rin ang sarili ko para sa muli naming paghaharap ni Xy. Kailangan ko na namang ihanda ang sarili ko para pigilin ang sarili ko na ikulong siya sa mga bisig ko.

I was fixing my stuffs in the office when Xy knocked on my white and already wide opened door.

"Hi!" She cheerfully greeted me.

"Hey! You are early. How are you?" It was reflex maybe but I kissed her cheeks just how I usually do before.

I normally kissed her cheeks before I aim for her luscious lips.

Buti na lang nakapagpigil ako ng sagad. What had gotten into me? I actually forgot we were no longer an item. Dahil siguro sa dalas ng pababalik-tanaw ko sa mga pinagsamahan namin noon hindi ko na nagawang paghiwalayin ang nakaraan sa kasalukuyan.

A DIFFERENT CUP OF 'T'Où les histoires vivent. Découvrez maintenant