Chapter 15

2.5K 149 65
                                    

"Isa lang ang masasabi ko, Bro. Ang tanga mo!" Muli na naman akong sinampal ni Tea ng katotohanan.

"Kakadeklara sa'yo na anak mo ang dala nung babae, tapos magpapakamatay sa harap mo nakatutok na sa ulo ang baril, anong gagawin mo? Hahayaan siya?" Mangha kong balik sa kanya.

Nagkibit-balikat ito at napaisip ng malalim. "May point nga din naman. But still, Ezia over Xy? Wrong move, Bro!"

"Wala nga kasi akong choice. Uupakan kita."

"Dapat sarili mo upakan mo."

"Hindi mo maiintindihan. At pagdating ng araw na naintindihan mo na ako, sana hindi naman ikaw ang nasa ganito kagulong mundo. Pero pag nag ka ganon man, ako naman ang magsasabi sa'yo ng tanga!"

Muli itong Nagkibit-balikat matapos ay ipinahinga ang ulo gamit ang dalawang daliring nakadaiti sa sentido. "Pero sa ngayon ako muna, so, sorry, bro. Well - After that? Anong nangyari?"

"A month or so after the marriage, Ezia had a miscarriage. And guess what?"

"What?"

"I discovered something that made me feel even more stupid than I am already was."

~~~~~~~~~~

Kakagaling ko lang sa labas ng hospital para bumili ng makakain. Nasa pintuan ako ng hospital room ni Ezia. She just had a miscarriage.
Nagtaka ako nang makita kong nakabukas ito ng bahagya. Hindi ko agad binuksan ito at nakiramdam ako - may kausap si Ezia.

Mas pinagbuti ko pa ang pakikinig.

"What are you doing here, Lionel? Baka maabutan ka ni Quei."

"Saglit lang ako. I had to see you. Kumusta ka na?" Sagot ni Lionel.

"Had to see me?! Itinakwil mo ko! Pinabayaan mo ako nang mabuntis mo ako uli! Gago ka!"

"Hindi pa ako handang maging tatay. You know me, Babe. I'm just up for the fun."

"Ganon pala edi wag mo akong kalikutin!" Mataas na ang tono ni Ezia

"Eh bakit ka ba nagpapakalikot kasi?!"

"Walang hiya ka! Umalis ka na! Darating na ang asawa ko."

Narinig ko ang isang mapangutyang tipid-tipiran ng tawa mula kay Lionel.

"Paano mo napapayag na pakasalan ka no'n? Kahit hindi niya anak inako niya." Tinatawanan niya ako.

"I told him it's his."

"You mean may nangyari sa inyo?"

"Wala."

"Paano mo napalabas na sa kanya ang bata?"

"I saw him - it was his birthday. That was the same day you dumped me, Asshole! Pagkakita ko sa kanya, nabuo agad ang plano ko. Pipikutin ko siya. Madali namang paikutin si Quei e. Bait-baitan lang ako sa kanya. Umepekto naman. Napatagal ang kwentuhan. May natira pang epektos sa akin mula kay Kubaka. Nilagay ko sa inumin niya. Na-high. Inantok. Pasok sa banga! Nagising siya magkatabi kami, naked. And there. Everything went as planned."

"You drugged him? Magaling ka talaga. Bakit hindi mo na lang pinalaglag uli gaya noong una?"

"Sabi doon sa gumawa dati hindi daw siya nag-lalaglag pag buwan na sa tiyan. Wala akong mahanap na iba noon. Desperada akong may maiharap na ama sa tatay kong heneral dahil lumalaki na ang tiyan ko. I saw Quei and there, he was perfect, he took the bait, I was saved from humiliation."

A DIFFERENT CUP OF 'T'Where stories live. Discover now