Chapter One

40 2 0
                                    

          A month has passed since my mother died, but it feels like I'm not moving on. Maybe it's because hindi ako dumaan sa grieving process – I took a shortcut. The day after she died, I decided na ipa-cremate na lang siya instead of having a funeral service for her. Bukod sa ayaw kong pag-piyestahan ng media ang death nya and its gory details, ako mismo, I don't know how to face it. Kaya when I saw a way out, I took it without having second thoughts.

          Personally, I hate routines, pero here I am, nakatayo sa balcony hawak ang isang baso ng vodka habang naninigarilyo. Eto ang madalas kong gawin pagdating ko ng bahay galing work. I stopped studying fashion design nung namatay si mommy, need to take over the company, at eto ang isa sa mga bihirang pagkakataon na walang masyadong trabaho. Kaya to keep myself from thinking about my complicated and full of misery life, I drown myself with alcohol and nicotine, may magawa lang.

          Just like the other days, nag-idle na naman ang isip ko. Bumalik lang ako sa ulirat ng nakaramdam ako ng yakap galing sa likuran ko. Nakauwi na din pala sya – ang magaling kong asawa.

          "What are you doing, Xav?" sabi ko nang hindi lumilingon. My body reacts to his touch the same way it does two years ago.

          Hindi naman nya sinagot ang tanong ko. "Drowning your miseries again, love?" saad nya sa pinaka-malambing na tono.

          I loosen his grip at my waist at humarap sa kanya sabay irap. "Whatever!" sabi ko tsaka marahan syang tinulak para makadaan ako papasok sa kwarto ko -- well namin. Nasa tapat na ako ng sliding door ng lumingon ako sa kanya sabay sabing "Don't call me love!".

          Nakakainis! Dapat sya ang naiinis pero imbes na mainis natawa pa ang gago. He really gets into my nerve. Padabog akong pumasok sa banyo at inihanda ang bathtub. Gusto kong magbabad dito kung pwede nga habambuhay na lang eh maiwasan ko lang ang mokong na yun. Why do you have to do this to me mom?

          Nakababad ako sa milk bath ko at ninanamnam ang mabangong amoy ng mga kandila sa paligid ko. Nakakarelax sobra. Hindi ko tuloy namalayan na naglalakbay na naman ang isip ko. Memories from

two years ago. . . 

          Nakakainis! Bakit kung kailan mafla-flat ang tire ko kailangang umuulan pa at sa kalyeng bihira lang may dumaan. At dahil wala akong choice, kailangan kong palitan ang gulong ko bago pa ako abutan ng siyam siyam dito. May spare tire nga ako, di naman ako marunong magpalit ng gulong. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kotse. I can do this!

          Hindi ko alam kung ilang minuto na akong sumusubok na matanggal ang gulong ng kotse ko. Alam kong hindi ko kaya, pero ano naman ang magagawa ko diba? Wala naman. Kaya I have to try. Napatayo ako sa gulat ng biglang may humintong sasakyan sa tapat ko. Off ang headlights nito kaya hindi ko sya namalayang dumating.

          "Hi Miss. May problema ba?" sabi ng lalaking driver nung kotse. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil madilim ang loob ng sasakyan nya. Weird nga eh, dapat kabahan na ako dahil hindi ko naman siya kilala yet he is starting a small talk, pero imbes na kaba, parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Pero syempre hindi ko pinahalata baka mag-take advantage pa.

          Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang ko sabay sabing "Ano sa tingin mo? Malamang, ano? Ano ako tanga para tumambay dito?

          Mas nakakaloko lang noong tumawa sya nang malakas. Joke ba yung sinabi ko at kung makahagikgik to wagas. Tumikhim ako at thankfully, huminto siya sa pagtawa. Bumaba siya sa sasakyan niya, hindi man lang natakot na mabasa at lumapit sa akin.

          "Sorry. Sorry. Nakakatawa kasi. Ikaw na tong malaki ang problema, ikaw pa tong masungit. Let me help you change your flat tire". 

          Hindi na ako naka-angal pa kasi naman umupo na siya at nagsimulang palitan ang gulong ng kotse ko. Nakakatuwa kasi ang dali lang niyang napalitan ang tire ko.

        Tumila ang ulan at pumunta ako sa likod ng kotse at kumuha ng towel sa bag na nasa compartment ko at iniabot yun sa kanya. Pinapatuyo ko na din ang sarili ko

          "Here. Dry yourself. You know, you don't have to act like a hero but still, thanks".

          "A simple 'thank you' is enough. Hindi mo na kailangan pang magpaligoy ligoy." natatawang sabi nya. "Nga pala hindi libre yun".

          Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko yun. Seriously? Anong kapalit naman kaya ang hihingin nito. Baka hingiin ang virginity ko. Oh my god! I have to think. FAST!

          I'm thinking of a way out. Maybe I can kick him where it hurts the most then drive as fast as I can o kaya ipukpok ko tong kung anong tool na to sa paanan ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla na naman siyang tumawa.

          "Hey! Wag kang mamutla. Hindi ako masamang tao para hingiin ang kung ano mang yang iniisip mo. Sabihin mo lang ang name mo, bayad ka na".

          "Oh my god! Are you serious? Hindi ka goon or rapist or what?"

          "Ang gwapo ko namang rapist". Sabay kaming natawa. I don't know but I got this weird feeling that I'm safe with him. "By the way, I'm Xavier".

         "I'm Cassandra Angelie" alanganing kong sagot.

          Bumalik ako sa realidad nang makarinig ako ng mga malalakas na katok sa pintuan. Ang kulit nya talaga! I need some time alone. Can he at least let me?

          Maya maya pa'y nakarinig na ako ng kalansing ng mga susi. Ayan na naman siya. Kinuha na naman ang susi sa katulong para lang makapasok dito. Para ano? Bwisitin lang ako?

          Napabuntong hininga ako at naisipan kong lumubog sa tubig. Nasa ilalim na ako pero naririnig ko pa din ang mga yabag ng paa nya. Papalapit na sya sa akin. Alam kong nasa gilid na siya ng tub nung magsalita siya. 

          "Callie".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon