"Wa'g ka ngang tumabi sakin." Sabi ko.

"Bakit? Anong problema sa pag tabi ko? Hindi naman ito ang first time na magkatabi tayo!" Aniya.

"Tsss." Bahagya akong lumayo sa kanya.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsimangot niya. Hinayaan ko na lang siya at agaran akong nag isip ng maaring ipagawa sa kanya.

"Hector, inuuhaw ako." Sabi ko.

"Oh? Anong gusto mong inumin?" Tanong niya.

"Mountain Dew." Sagot ko.

Tumayo agad siya, "Tara sa canteen!" Aniya at naglahad pa ng kamay.

Tumingala lang ako sa kanya nang nakanganga, "Ayoko."

Kumunot ulit ang noo niya. "Ikaw na lang ang pumunta. Bilhan mo na lang ako." Sabi ko sabay kuha ng pera sa bulsa ko at lagay doon sa nakalahad niyang kamay.

"I'm not poor, Chesca." Utas niya at nilagay pabalik sa kamay ko ang pera ko.

Ilang segundo akong na offend sa ginawa niyang pag irap at pagbalik ng kanyang pera. Inilapag niya sa tabi ko ang bag niyang sumisigaw ng isang mamahaling brand ng panlalaking sapatos.

"Fine!" Sabi ko. "Pati pagkain, pakidalhan ako."

"Anong gusto mo?" Tanong niya.

"Kahit anong nakahain." Sabi ko habang ginagaya ang narinig ko sa kanya noong una naming pagkikita.

Umangat ang kanyang labi at yumuko. Tinukod niya ang kanyang kamay sa bench na inuupuan ko. Bahagya akong napaatras dahil sobrang lapit niya sakin. Napakurap kurap pa ako. Seeing Hector's face this close gives me too much emotion. Hindi ko alam kung naghuhuramentado ba ang puso ko o nag rereklamo dahil malapit na itong ma heart attack. Wagas kung makapag rigodon ang traydor kong puso. Hindi ko na alam kung bakit ngayon... hindi naman ako kinakabahan o ano. At wala naman siyang ginagawang makakapagpaalburoto sa akin. Ang alam ko lang ay tuwing nandyan siya at malapit sa akin, hindi ko na makontrol ang sistema ko.

"Alam ko ang style na ito, Chesca." Aniya sabay tingin niya sa may bandang kaliwang gate.

Nakita ko rin ang pag igting ng bagang niya. He smells so good. His jawline is perfect. Pari ang hati ng labi niya at ang tangos ng ilong niya ay perpekto. Hindi siya tao, I'm pretty sure. Diyos siyang nakikihalubilo sa mga taong lupa na tulad ko. That's probably why my heart is beating this fast and this loud!

"Aalis ka pagka alis ko." Bumaling siya sa akin at kinagat niya ang kanyang labi.

Nanghina ako. I've seen Alegria, its hills, the pine trees, the vast fields, and the pleasant views, but certainly, Hector Dela Merced was the best view in Alegria.

"Wa'g mo akong susubukan, Chesca." Bumaba ang tingin niya at agaran naman itong bumalik sa mga mata ko.

"B-Bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong ko.

Yes, that was my plan. But right now... I want to stay in this moment. Tumayo siya ng maayos. Nakahinga rin ako ng maayos. Hindi pala ako humihinga habang ginagawa niya iyon kaya sobrang na relibo ako sa paglayo niya sa akin. Gayunpaman ay hindi parin nagawang huminahon ng puso ko.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Where stories live. Discover now