Inibig Ko na Ang Dapat Ibigin

126 1 1
                                    

Graduation Day.

Bumaha na ata ng luha sa gym. Siyempre, marami ang nalulungkot kasi ga-graduate na sila. Andyan na yung mamimiss daw nila ang isa't isa. Hindi gaanong malungkot si Aiden at Ava. Siguro dahil kahit grumaduate na sila, sigurado pa rin sila na sila ay magkakasama.

"Aiden, saan nga ba tayo mag-aaral for college? Tutuloy ka ba sa UP? or sa UST?" tanong ni Ava. "Hmm. Depende sayo." sagot ni Aiden. "Ah, eh. Hindi naman ako UPCAT Passer eh." sagot ni Ava na may unting hiya. "USTET Passer ka naman. Oh ano? UST ba?" pagyaya ni Aiden. "Hala. Eh. Sure ka ba na gusto mo talaga dun? Sayang naman yung opportunity mo sa UP. Maganda ang quality ng education dun. Tapos mura pa. Doon ka na lang. Ok lang naman kahit hindi tayo magkasama ng school eh. Basta lagi tayo magkikita every week." sabi ni Ava. "Ano ka ba! Mas gusto ko yung magkasama tayong dalawa noh. Para na rin mabantayan kita. Baka kasi may lumandi sayo eh. Alam mo na.. Kailangan kong ingatan ka."

Kinagabihan, tumawag si Aiden kay Ava.

Aiden: Ava. Gising ka pa?

Ava: Malamang! Kung tulog ba 'ko sasagutin ko yung tawag mo?

Aiden: Namilosopo ka pa. Nga pala. Susunduin kita bukas ah.

Ava: Saan tayo pupunta? Hindi ako nagpaalam!

Aiden: Naipagpaalam na kita. Basta be ready by 9am

Ava: Ang aga naman!

Aiden: Basta. Bye na. I love you.

Ava: I love you more.

Dumating na ang bukas! Excited si Ava. Baka isa nanaman to sa bonggang date na inihanda ni Aiden. "Beep! Beep!".. "Nako. Anjan na si Aiden. Ma! Pa! Alis po muna ako. Uuwi ako agad" paalam ni Ava.

"Good morning beb. Oh ano? Gala na tayo?" sabi ni Aiden. "Haha. Oo naman. Basta gala, I won't say no" sagot ni Ava

Una silang pumunta sa Mall of Asia. Skating dito... "Masaya ka ba?" tanong ni Aiden. "Oo naman" ngiti ni Ava. Nag'Bowling pa... "Are you having fun?" tanong ni Aiden. "Of course" sabi ni Ava. Habang naglalaro ang dalawa, tumawag ang mama ni Aiden. Hindi narinig ni Ava ang konbersasyon pero nahalata niya sa mukha ni Aiden na medyo nakasimangot ito.

"Beb, ok ka lang? Gusto mo uwi na tayo?" lambing ni Ava. "Let's just wait na gumabi beb. Ayoko pa umuwi eh. Ayoko sa bahay."

Naghintay ang dalawa sa may baywalk. Holding hands while walking. With matching lambingan at pag-uusap tungkol sa future. "Ava. Close your eyes." sabi ni Aiden. "Eeh! Ano ba! Ayan ka nanaman eh. Ayoko na ng ganyan! Iiyak ulit ako sige ka" nairitang sabi ni Ava. "Ok lang. Basta close your eyes tapos bilang ka ng 10. Then open your eyes na"

Matapos mag-countdown, binuksan na ni Ava ang kanyang mata. "OhMay!! OhMay! Whaaaa!!" biglang umiyak si Ava. "Floating lanterns?" maluha-luhang sinabi ni Ava. "Edi sana sumakay na rin tayo ng bangka! Tapos kumanta na rin tayo! Para magmukhang TANGLED talaga!" matawa-tawang sabi ni Ava. Napansin niya na hindi umiimik si Aiden. "Beb. Ui. Joke lang. Sobrang naa-appreciate ko to. Salamat Beb. Pinapasaya mo 'ko masyado." :) "Beb. I have to tell you something. Hindi ako mag-aaral sa UST." malungkot na sinabi ni Aiden. "Ano ka ba. Ok lang yun. Mapagkakatiwalaan mo naman ako eh, di ba? Ok lang kahit sa UP ka pa. kahit nga UPLB pa eh." sagot ni Ava. "Beb. I won't be going there either. Beb. I have to go back sa Korea. Gusto ng magulang ko na dun ako magtapos."

Matagal na katahimikan ang naganap. Hindi nagsalita si Ava. Ni hindi rin siya umiyak. "Let's go home na." yaya ni Aiden. Hanggang sa maihatid niya sa bahay si Ava, hindi pa rin ito umiimik. Hindi na rin sila nakapag-goodbye kiss.

Nang makauwi na si Aiden, agad niyang tinawagan si Ava ngunit busy ang number nito. Sinubukan niya ng sinubukan hanggang sa wakas, nag-ring din ito.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Jan 20, 2012 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Inibig Ko na Ang Dapat IbiginKde žijí příběhy. Začni objevovat