Extra Chapter

5.4K 132 17
                                    

A/N: Sorry at MIA ako. I'm quite busy nowadays. Yey! I've been gone for a long time and may mga nagco-comment na rin sa iba kong stories to update so yeah. This is the last update of this story. I hope nagustuhan niyo ang takbo ng story and sana suportahan niyo rin ang iba ko pang stories.. and my upcoming stories.

Ps: Thiago Jacques and Venus Moira's baby girl at the media.

Enjoy!

KABADONG KABADO si Thiago habang nagda-drive papuntang Delivery Room ng Fidel International Medical Center kung saan manganganak ang kanyang asawang si Venus. Tinawagan kasi siya ng ina nito na pumutok na raw ang panubigan ng asawa niya. Agad siyang umalis sa kalagitnaan ng meeting dahil alam niyang kailangan siya ng asawa niya. Kahit pa billion dollar contract iyon ay handa niyang talikuran para lang sa asawa't anak niya.

Noong ikinasal nga sila ay hindi siya tumanggap ng trabaho ng halos isang taon para lang makasama ito. Ngayon pa kayang magkakaanak na silang dalawa. Tuwang tuwa pa ang mga magulang niya nang ibalita niya rito ang magandang balita na magkakaanak na silang dalawa kaya naman hinayaan siya ng mga itong umalis muli sa trabaho at ipapahawak na muna ang mga kumpanya nila sa mga pinsan niya. Dahil gusto ng mga ito na maging hands on siya sa pangangalaga sa kanilang unang anak at sa kanyang asawa.

Isang impit na iri ang narinig niya pagkapasok sa delivery room. Mabuti na lang at pinayagan siyang pumasok sa loob dahil matalik na kaibigan niya ang may-ari ng ospital.

"Push, misis. Nakikita ko na ang ulo ng bata." wika ng isa sa mga nurse.

Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay nito na hawak ng isang lalaking nurse. Sinamaan niya ito ng tingin. Kaagad naman itong nagpunta sa may paanan ng misis niya.

"Wag kang tumingin diyan at baka malintikan ka sa akin. Dito ka sa likod ko. Baka kailanganin ng asawa ko ng ulong masasabunutan." mariing wika niya na ikinalaki ng mga mata nito. Tumabi ito sa kanya.

"I'm glad you're here now, Thiago." bakas sa mukha ng asawa ang paghihirap.

Hinalikan niya ang noo nito. "You can do this, sugar. Come on. Ire pa para makalabas na si baby girl." daig pa niya ang nagle-labor sa kaba para sa mag-ina niya. Halata kasi ang hirap at pagod ni Venus sa bawat ire nito. "I love you, sugar. You can do this."

Pinunasan ng isang nurse ang pawis nito. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya at impit na umire. Umabot ng halos limang minuto pa itong umire bago sila nakarinig ng isang malakas na pag-iyak ng sanggol.

Napaluha siya nang makita ang anak nila. Napansin niyang lupaypay na napahiga ang asawa niya. Hinaplos niya ang pisngi nito. "You did well, sugar." nakangiting bulong niya rito.

Ipinatong ang sanggol sa dibdib ng asawa niya. Pinahid niya ang luha nang magmulat ng mata ang kanyang asawa. "Hala! Kamukhang kamukha mo siya, sugar!" mahinang sambit niya habang nakangiting nakatunghay sa mag-ina niya. May ilang luhang naglandas sa mga pisngi nito na agad niyang hinalikan.

Napangiti ang asawa niya. "She got your eyes, mahal." hinalikan nito sa noo ang anak nila bago iyon kinuha ng nurse para linisin.

"I'm so proud of you, sugar. Thank you for giving me such a precious jewel. And thank you for loving me. I love you so much." maluha-luhang sambit niya.

Malawak na ngumiti naman ito at hinaplos ang mukha niya. "I love you too. But you should sign some papers outside. Ililipat na ako sa private room sa itaas. Sumunod ka na lang."

"Are you sure? I mean is it okay for me to leave you here?" nag-aalalang wika niya habang pasimpleng hinalikan ito sa mga labi. He just can't get enough of his wife. His beautiful wife.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon