Chapter IV

1.4K 33 2
                                    




Its been weeks. Since nung nagkita kami ni Jhoana sa BRAD's. And pagkatapos nun, hindi na muna ako nagpakita sa resto. Medyo nagtampo din ako sa mga kaibigan ko kasi alam naman pala nilang si Jhoana yung manager dun, tapos di man lang nila sinasabi sakin. Kaya pala nung sinabi ni Rex na She's back, Iba na tingin ng AlyDen sakin. Si Jhoana pala yun. Sya pala yung bumalik. Ibig sabihin, Sya pala yung nagleave sa trabaho para hanapin yung mahal nya sa States. Wow. Ang tapang naman nya. Ang tapang nyang hanapin yung taong mahal nya sa ibang bansa. Ganun pala sya magmahal. Sana naranasan ko yun. Sana ako nalang yung hinanap nya sa states. Sana ako na lang yung mahal nya. Sana...





-

Alvin: Kamusta ka naman?



Bea: Okay naman. Busy lang sa paperworks. Kasi naman yung boss ko, Wala pa kong isang buwan sa trabaho tinadtad na ko ng tasks. Psh.



Nagkatrabaho na din ako agad after kong umalis sa BRAD's. Binigyan na ko ng posisyon ni Kuya sa Family Company namin. Kaya eto, subsob agad ako. Sandadamak kasi yung pinababasa sakin tas pipirmahan. Tas may reports pa syang binigay na ako daw magppresent sa board meeting sa Monday. Hanep diba? Ang bait bait ng Boss ko no? Psh





Alvin: Hay nako. Puro ka naman reklamo. Puro ka rin trabaho. Ayaw mo bang magrelax muna? Punta tayo ng BRAD's, Inaya ako ni Alyssa na magdinner dun since tinatanggihan mo na daw sila.





Napatingin ako kay kuya. Oo, tinatanggihan ko sila tuwing nag aaya dun magdinner. Kesyo overtime ako or pagod na or stuck sa traffic basta as much as possible ayaw ko syang maka-encounter man lang muna. Bumabalik kasi lahat. Ayaw ko man o hindi, wala na akong magawa. She still have same effect on me and i hate that.




Bea: Pass muna ako kuya. Pigang-piga na ko dito oh. May ni-rarush pa kong report.




Alvin: No Rae Beatriz. Mag di-dinner tayo. Now get your ass up na and we need to go. Naghihintay na sila.





Wala na kong nagawa. Ginamitan ako ni kuya ng Bossy Accent nya. Aish. Napilitan akong mag-ayos ng table ko. Dinala ko na lahat ng pending works ko since wala namang pasok bukas kasi weekends. Walang office pag weekends.









-
Nakakatamad maglakad pag gantong tuyot na tuyot ka. Sobrang pagod ko lang pero di ko alam kung bakit. Nakatulog na nga ako sa kotse ni kuya habang nasa byahe papuntang resto eh. Pero kulang pa din. Bangag pa din ako.






Pagpasok namin ni kuya sa resto ay kaagad naming nakita sina ate alyssa and ate den. Pero nasa long table sila, madami ba kaming kasama?




Bea: Hey lovebirds, bat nasa long table kayo? *habang bumebeso sa kanila*





Den: Miss you bei! Dito kasi magdidinner yung mga teammates natin ngayon.





Aly: Kumbaga may reunion tayo ngayon.






Shit. Reunion. Ibig sabihin, magkikita kami. Ugh Alyden, what are you guys doing?!





Damn i need rex tonight. Sya lang makakapagsalba sakin tonight. Aayain ko na lang mag Antipolo yun since Favorite place nanamin yun pareho since nagpunta kami dun. I need to get out agad here. Basta after dinner, aalis na agad ako. Ayokong makita sya. Ayokong makasalamuha sya. Basta ayoko. Arrgh.






Napabalik ako sa wisyo ng narinig ko yung mga boses ng teammates namin. Infairness lalo ko silang namiss ah.




Ella: Ahhhh BRAD's we've meet again!





This Time Where stories live. Discover now