Chapter II

1.6K 33 0
                                    






"Goodmorning, Rae Beatriz!" Salubong sakin ni kuya DenMar.






"Kuya naman, pwede bang Bea na lang? Ang hilig nyo sa Full name ko eh no?"






"Bakit maganda naman ah? Rae Beatriz! Rae Beatriz! Rae Beatriz!"





"Urggggh!"






Ang aga mang-asar ni kuya DenMar kainis. Nandito na kasi ako ngayon sa BRAD's place. Oo BRAD's daw stands for Bea, Rex, Aly & Den sabi ni Rex. Ang baduy nga lang pero wala naman daw nakakaalam bukod saming apat kaya okay lang. Lol!







"Goodmorning ma'am! What can i do for you po?" Tanong sakin ng isang babaeng bumungad sakin pagbukas ko ng office ni rex na soon to be office ko din.






"Hi, I'm Rae Beatriz de Leon. I'm looking for a girl named Jia. Sya daw kasi yung hanapin ko sabi ni ate Ly." Pagpapakilala ko. Napansin ko namang medyo nagulat sya pero agad ding ngumiti sakin.








"Hi, I'm Julia Morado. Jia for short. Ako yung hinahanap mo Ms. de Leon. Pasensya ka na ha, hindi kasi ako nainform ni Ms. Aly na may ipapadala syang tao dito. What can i do for you?" Nakangiti nyang sagot sakin. Wow. Ang ganda naman neto. Nakakahawa yung ngiti nya.







"Uhm! Are you okay, Ms. de Leon?" Langya! Natulala na pala ako. Shit. Medyo nakakahiya yun!







"Ah Yes! Uhmm---"







"Uy! Goodmorning Rae Beatriz! Aga mo dito ah!" Ayan. Kaya di ko natapos yung sasabihin ko sana kay Jia dahil sa mokong na'to. At ang aga? Lol 10:30 am na kaya! Late nanaman siguro tong bakulaw na 'to. Ang alam ko, 8:30 am ang office hours sa resto eh.








"Hoy Rex Alexander Intal, alas dyes trenta na ho ng umaga baka di mo alam. Ayos ah. Ang galing mo namang manager, halos dalawang oras na late.." Panenermon ko dito.







Dumiretso naman sya ng pasok sa office at sumalampak sa couch dun. Uy di ko napansin na may couch pala dun. Ayos!







"Rae Beatriz, as far as i know, hindi na ko ang temporary manager dito. Di ba ikaw na? Eh ba't nanjan ka pa sa pintuan hanggang ngayon?" Ganting tanong naman nito sakin. Sasagot na sana ako ng ma-interupt kami sa sigaw ni Jia. Aysh. Nandito nga pala sya.








"What?! Ikaw ang bagong tempo manager?!"







"Ugh yes?"









"Yes Jia! Meet Rae Beatriz! Ang aking tagapagmana sa pagiging tempo manager habang wala pa si J-Lo." Yumuko pa ang loko. Yung pagpapakilala nya sakin kay Jia, parang nasa royal family kami eh. Ganun. Sarap batukan talaga nito.







"Naku! I'm sorry Ms. de Leon! Di ko kasi alam eh. Di lang talaga ako nasabihan ni Ms. Aly or kahit etong bakulaw na to." Sabay turo kay rex. Natawa naman ako. Lol rex mukha ka talaga bakulaw always!








"Aba't wala ka nang galang ngayon ah!" Amok ni Rex Intal







"Oh bakit? Boss pa ba kita? Di na di ba? Sya na nga oh. *sabay turo sakin* kaya pls chupe na Rex! Ang dami pa naming gagawin oh. Kastress yung mukha mo! Ugh!" Singhal ni Jia. HAHA! May kakampi na ko sa pambubully kay Rex Alexander! 😂😂








"Hoy grabe ka Jia-ng Maliit ha! Etong mukhang to? Nakakastress?! Di mo ba alam na etong mukhang to? Madaming naghahabol dito huy! Kasama ka nga dun diba? Kaya lang na-friendzone kita! Aww! Sorry Jia ha.. Hanggang friends lang talaga tayo eh----aww!!" HAHAHA! Ang yabang kasi, sapul tuloy sya sa noo ng ballpen ni Jia!










This Time Where stories live. Discover now