Chapter Fifteen:"Exception"

Beginne am Anfang
                                    

Naglakad ako palayo sa kanya pero sinundan niya ako. Payak akong ngumiti sa madla habang nasa likod ko si Lance.

"Ilang parusa na ang tinanggap ko mula sa aking kompesor na nagsabing kalimutan na kita, ngunit hindi ko pa rin magawa." Patuloy na pagsambit ni Lance sa linya ni Crisostomo. Ugh! Ang galing talaga umarte ng demonyo! Nadadala ata ako sa bawat salitang sinasambit niya.

Humarap ako sa kanya bago ngumiti ng matamis.

Nagsalita muli ang tagapagsalaysay kaya naman sumarado ulit ang malaki at mahabang kurtina para sa susunod na kabanata.

Huminga ako nang maluwag habang natatawa siya. Inakbayan niya ako.

"Nakakainis ka!" Pinagpag ko ang pagkakaakbay niya at magwa-walk out na sana nang hilahin niya ako at niyakap. Tumigil na rin ang nakakasar niyang tawa.

Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. "You did it great, Kiara." He said softly near my ear.












"Ugh! I hate this! I hate my life! I hate Filipino! Wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao!" OA na umiiyak si Camile. Kasama nito si Brenda na umiiyak rin at ang parehong tahimik na sina Vanna at Brielle.

Tinaasan ko sila ng isang kilay. Hmp! Sarap ng karma noh!

Pinagtaasan lang ako ng kilay ni Brielle nang makita niya akong nakatingin sa kanila.

Maayos na natapos ang dula-dulaan. Siyempre maayos ko ring nasabi at naarte ang iba pang kabanata. Pakiramdam ko, gusto ko ng mag artista. Pero siyempre, joke lang.

"Keiron!" Kasama nito si Rhap. Nakasuot pa rin sila ng kani-kanilang mga costume. Napalingon sila sa akin. "Salamat pala noong nakaraang araw." Patukoy ko sa pagsasabi niya ng dorm room ni Lance.

He answered me with a simple smile kaya napangiti lang din ako. Magsasalita pa sana ako nang marinig ko na naman ang pagsabat ng boses demonyo.

"Thor, my friend!" My eyes widened nang akbayan niya ako. "Papasa ka ng magsasaka sa suot mong 'yan." Aniya then tumawa pa ng papilit. Siniko ko ang demonyo. Kainis! Nag-aasar na naman. 'Yong tataa, magkaibigan ba talaga sila ni Keiron!?

Piningot ko ang tainga ng demonyo at kinaladkad ito. "WHAT THE FVCK, KIARA!"

"Sige, Keiron and Rhap. Congrats sa performance." Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Kinaladkad ko na ang demonyo.

Nakangiwi na ang demonyo kaya pinakawalan ko na. Natatawa ako. LOL! Ang LZ Chan na sinasamba ng Fair Haven ay hindi man lang makaapila ng pingutin ko.

Hinaplos niya ang tainga niya bago nakasimangot na bumaling sa akin. "It hurts."

Natawa lang ako sa reaksyon niya. Seriously? Siya ba talaga ang kinatatakutan dito sa school?

"Dude, LZ!" Pareho kaming napalingon sa tumawag kay Lance. Sina Alvis, Jake, Kaezar at Alex. "Hindi ko alam na may passion ka rin pala sa music!" Ngumisi ako sa sinabi ni Alvis.

"Shut the fvck up, asshole!" The devil said bago ako naman ang kinaladkad. Humalakhak ako. Why are you so cute, Lance?! Damn!












"Professor talked to me yesterday for the upcoming Student Council Election. She told me if I can run as the  SC President." Saad sa akin ni Lance habang kumakain kami ng snacks rito sa Cafeteria. Tinignan ko siya ng nagtatanong na mukha.

Kumagat ako ng hamburger. Nginuya muna 'yon bago siya sagutin. "O ano ngayon? Bat mo sinasabi 'yan sa akin? Kahit di ka naman tumakbong SC President, ikaw na ang hari rito sa school." Kumagat ulit ako ng burger. Sarap! Ang sarap pag libre. Hihi!

Unluckily Inlove With A BadboyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt