1v5 : Bleeding, The second real chaerul?

1.5K 54 27
                                        


Chul DaeJeon [POV]


Sinundan ko ng tingin ang naging pag-alis ni Jisoo sa may clinic ni Sunbae-nim hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin sa pag-alis niya o pati sila, pero mukhang ako lang ang nakapansin dahil lahat sila nakatutok sa dalawa.


Binalik ko ang tingin ko kina Hyo at Chaerul. Nagulat ako ng Makita ko na matalim ang titig ni Chaerul sa'ken nagsimula naman ako ng kabahan, napa-atras ako ng iilang hakbang.


"Mianhe.. . sorry na Hellcat, bati na tayo ah?"


"Sige, basta ba.. . malagutan ka muna ng hiningang g*go ka!"


"Tss."


"Aba! Loko ka ah."


Tumalon sa isa pang higaan si Hellcat kasabay ng binigyan niya ako ng isang Flying kick! Halos maupo ako sa lakas ng sipa niya, hindi pa siya nakontento inapakan niya pa ang dibdib ko.


"Isang-isa ka nalang sa'ken!"


Inalis niya ang pagkakaapak niya saken saka siya naglakad papalabas, agad naman siyang sinundan ni Hyo.. . habang kami namang tatlo na naiwan sa may clinic nagkakatinginan.


"HAHAHAHAHA!"


Lahat kami napatingin samay Kapatid ni Chaerul na ngayon ay nakaupo sa swivel chair niya habang nasa magkabilaang bulsa ng doctors coat niya ang mga kamay niya.


"Sabi na nga ba eh, ano nanaman ba ang ginawa mo this time?"


"Torrid kiss."


Simpleng sagot ko habang tumatayo ako, tumingin naman ako sa mga kasama ko na at nakatingin sila saken na para bang sinasabi nila na 'THE F DAEJEON? ARE YOU insane? Hindi ko na pinansin ang mga mapanukso nilang tingin na kahit alam kong sa isip nila they want to kill me, alam niyo naman sigurong alam ko na may gusto ang tatlo ko pang kaibigan kay Chaerul, right? Mabuti nalang at walang gusto si Hyo kay Chae, Kundi malilintikan na dahil masyado na kaming madaming nagkakagusto sa knya.


Dinala akong mga paa ko papunta sa may canteen, and there I saw Jisoo and the Friend of Chaerul na eh—Geonwoo ata ang pangalan.


"Well.. .kung ako sa inyo kumilos na kayong lima bago ko pa kayo maunahan."


Yun ang narinig ko, na-curious ako kaya naman lumapit pa ako ng kaunti at nagkunwaring bumibili sa mga paninda sa may canteen.


"Lima? Apat lang kaming may gusto sa'kanya."


"Hindi kasama pa yung isa niyo pang kaibigan, ang alam ko.. . LAFS ata ang kanya eh."


Nabitawan ko ang can coke na kakabili ko palang at mabuti nalang at walang nakapansin sa'ken dahil lahat sila busy sa pagbili nila ng kakainin nila, hindi ako makapaniwala na, Na-LAFS pala si Hyo, ang buong akala namin na wala siyang gusto kay Chaerul dahil nahahalata namin yon at nararamdaman!

1v5 : HellCat Vs. BadboysUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum