(8) Girlfriends

2.2K 183 11
                                    



Althea's Pov:




"Coz i got a new girlfriend.. This is Jade Tanchingco, my girlfriend." Napalingun naman si Jade sa sinabi ko kaya agad kong hinapit ang bewang nya at hinalikan.


Alam kong binigla ko sya pero kelangan ko sya ngayon..lalo na ng biglang pagbabalik na naman ni Sanya sa buhay ko.




"Althea!!!" Sigaw ni Sanya at tinulak nya ako kaya napatigil ang paghalik ko kay Jade. Akma sana nyang sasampalin si Jade ng mahawakan ko ang wrist nya.



"Don't you dare Sanya..sinaktan mo na ako before kaya hindi kita papayagan na saktan mo rin ang girlfriend ko." Matigas kong sabi sa kanya at tinabig ko ang kamay nya bago ko kinuha ang mga gamit ko at inakbayan si Jade papalabas ng office ko.




Si Sanya ang first love ko at sya rin ang first heart break ko. Ilang beses na naming inayos ang relationship namin at ilang beses narin nya akong binigo. Paulit-ulit nalang kasi, okay kami sandali tapos bigla namang hindi. Ginagawa nalang nya akong tanga dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, ilang beses ko na syang hinayaang saktan ako. Patatawarin ko sya tapos iiwan na naman nya akong luhaan. Kaya the last time ng iniwan nya ako sinabi ko na last na yun, ayoko ng umasa pa, nang dahil sa kanya naging player ako dahil ayoko ng magpatalo pa sa pag ibig, lagi nalang kasi akong binibigo. Araw-araw nya akong tinatawagan lately para makipag balikan pero di ko na sya sinasagot, para sa kanya kami parin kasi wala pa kaming formal break up pero para sakin matagal ng wala kami. Hindi ko sya kayang pag tabuyan dahil gusto sya ng pamilya ko, magkasosyo kasi sa negosyo ang mga parents namin, maybe this is the only way i could push her away and lessen my pain. Masyado ko ng kinakawawa ang sarili ko sa pagkapit sa nakaraan ko na di naman dapat.




__



"Sasabay ka pa bah sakin o ano?" Tanong ko kay Jade ng nasa tapat na kami ng Car ko di ko parin sya magawang tingnan dahil nangingilagid na ang mga luha ko na pinipigilan ko. Luha sa sobrang galit na nararamdaman ko sa puso ko.




"Althea we need to---"



"Jade..please..not now.." pagputol ko sa sasabihin nya at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.



Alam kong gusto nya pag usapan ang tungkol.samin.. pero hindi ko pa kayang harapin ang hinaharap kasama si Jade kung binabalikan na naman ako ng nakaraan ko na si Sanya.



"Althea.." tawag ni Jade sa kin at agad nya ako niyakap. Niyakap ko na rin sya pabalik at humagulhol na ako ng iyak sa balikat nya.



Parang dinudurog ang puso ko sa galit..akala ko kasi okay na ako kaso ng makita ko si Sanya biglang bumalik sakin lahat ng sakit at galit ng iniwan nya ako at pinagpalit sa iba.




"Sssshhhh...tana..it's okay.." pagpatahan nya ng grabe na yung iyak ko.




"Let's get you home.." bulong nya at hinila na nya ako. Nasa tabi lang pala ng car ko ang car nya. Sinakay na muna nya ako sa passenger seat bago sya umikot sa driver's seat.



Siguro si Jade ang sagot ko sa problema ko ngayon..alam ko namang mali ang gumamit ng tao para pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko pero kelangan ko toh..besides nasimulan lang din naman namin ni Bianca ang plano na ipapa Fall ko sya..sinubukan ko naman na tigilan na ang kahibangan namin ni Bianca sa bestfriend nya, pero sadyang mapaglaro ang tadhana, si Jade na ang kusang lumalapit sakin. Ayoko sana na paasahin sya sa wala kaya iniwasan ko sya dahil wala naman talaga akong balak na seryusuhin sya pero mukhang kelanganin ko sya ngayon.





Ms.Paasa vs. Ms. PafallWhere stories live. Discover now