CHAPTER THIRTY-NINE

Start from the beginning
                                    

Keith: Sinong Ms. Lee?

Me: Future Boss ko. Hahahaha.

Keith: Ah ganun ba.

Me: Yup.

Keith: Alam mo na ba?

Me: Ang alin?

Keith: Wag ka ngang magpatay malisya!

Me: Eh hindi ko naman talaga alam ih. Ano nga yon?

Keith: Yung tungkol sa engagement nina Chloe at Oliver? Next day na sila gaganapin. Hindi mo ba pipigilan?

Bigla naman akong nalungkot. Haysss, Keith naman, bakit pinaalala mo pa? >__<

Me: Kahit gusto kong pigilan hindi na pwede Keith.

Keith: Ha? Bakit naman?

Magrereply pa sana ako kay Keith kaso nag-empty bat na yung phone ko. Waaaa. Shocks! Kailangan kong magcharge.

--

Umuwi na agad ako sa bahay. Daretso agad ako sa kwarto ko para magcharge.

Hay salamat, okay na sya.

Pumunta na ako sa salas para kumain. Nagutom ako dun ah.

" Hello Mama. "

" Oh Anak, Musta ang trabaho sa coffee shop? "-tanong ni Papa.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot kay Papa. " Hindi pa ho ako tanggap. "

" Ha? Bakit naman? "-duet si Mama at Papa.

" May pinapagawa pa po kasi si Ms. Lee sakin bago nya daw ako tanggapin. "

" Pasensya ka na anak ha. Hindi ko pala nasabi sayo na yung anak nya na si Cassey ang nagpapatakbo nung Coffee shop. "

" Okay lang Pa. Sige ho, akyat na ako sa taas. "

Hinalikan ko si Mama sa pinsge tapos umakyat na ako sa kwarto ko.

--

Nalala ko yung si Rieve. Paano ko yon mahahanap ng isang linggo lang. Waaaaaaaa. Tignan ko nga sa facebook.

Binukasan ko yung laptop ko at naglog in sa facebook.

Nagtry ako na isearch yung buong pangalan nya.

* Rieve Rai Montenegro *

Loading...

Hay sa wakas, tapos na ding magload.

Tinignan ko yung ilang accounts. Siguro may lima akong nakitang account na nakapangalan sa kanya. Pero yung iba para posers lang. Psh! Ganon na ba yon kasikat? -___-

Syempre ki-nlick ko yung pinakauna.

Ano kayang gagawin ko?

Friend request or Message na lang?
.
.
.
.
.
.
.

Iki-click ko na sana yung message ng biglang magring ang phone ko.

* Unknown Number *

Yaaaaaa. Eto na naman sya.

Bakit sya tumatawag sakin?

Ano bang kailangan nito?

Waaaaa. Sasagutin ko ba o hindi?

Ayss bahala na nga! >__<

" Oh? "

[Ash? Salamat at sinagot mo]

" Anong kailangan mo? "

[ Namiss lang kita. ]

Pinipilit kong hindi umiyak. Kailangan kong maging matatag. Waaaa. Miss ko na ang yakap nya. Miss ko na ang halik nya. T^T

" Yun lang ba? "

[ Mahal pa rin kita. Mahal na mahal kita. Sana bumalik ka na. ]

Ramdam ko sa boses nya na umiiyak na sya. Waaaa. Oliver naman e. Nahihirapan akong saktan ka. Pero paano ang Mama mo? Paano kayo? T^T

" Oliver hindi na pwede. "

[ Pwede pa kung susubukan natin. ]

" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ikakasal ka na? Malabong magkabalikan pa tayo Oliver. "

[ Wala namang malabo pag dating sa love Ash. --Tatanungin kita sa huling pagkakataon--]

Kahit pala pigilan kong hindi umiyak,tutulo pa rin ang mga luha ko. Pssshh. Bwisit!

Hindi ako nagsalita hanggang sa magsalita ulit sya.

[ Minahal mo ba ako? --Mahal mo ba ako? ]

Oo Oliver! Minahal kita. --Mahal na mahal kita.

" Bakit mo tinatanong ya--"

[ Oo o hindi Ash. ]

Lalo na tuloy akong nahabag. Waaa. Ang babaw talaga ng luha ko. Hindi ako makasagot sa kanya kasi iyak na ako ng iyak. Inilalayo ko na lang yung phone para hindi nya marinig yung pagsinghot at pag iyak ko. Huhuhu.

[ I think, alam ko na ang sagot. --Goodbye. ]

" Oliver! "

" Oliveeer! "

Humagulhol na ako sa iyak nung nagtu-toot na yung call.

" Mahal na mahal kita Oliver! Kahit kelan hindi ka nawala sa isip ko! Miss na miss na kita! Miss ko na yung Bipolar ko! MAHAL NA MAHAL KITA BIP! "

[Anong sabi mo? ] 

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now