17.2 Eyes on me

126K 4.2K 398
                                    

Natasha

Shock is an understatement to describe their reaction. Nanlalaki ang mata nila na parang nakakita ng multo. Aww I miss them! Note the sarcasm please. Tinanggal ko ang tingin ko sa kanila saka taas noong naglakad habang nakalagay ang kamay ni Ivo sa bewang ko. Oh right, the one and only CEO of one of the most wealthiest company is with me, his wife. Who wouldn't be shock? Siguro akala nila sabi sabi lang na nagpakasal si Ivo o di kaya gawa gawa lang ito pero ngayong andito ako lahat sila nakatitig lalo na sa singsing na nakalagay sa daliri ko na para bang di sila makapaniwala.

Pero hindi ko nalang pinansin at hinigpitan ko ang hawak ko kay Ivo.

"Mr. Reagan, please to meet you here."

"Mr. Smith." May sumalubong sa'min na isang matandang lalaki pero sa tingin palang mukhang hindi siya yung tipong mapagkakatiwalaan. Nakangiti siya kaya naman kitang kita ko ang kumikintab niyang ngipin na kulay ginto. Marami ding nakakabit sa leeg niya na gintong kwintas habang nakabukas naman ang tatlong butones ng kanyang polo kaya medyo nakalabas ang mabuhok niyang dibdib. Palihim akong napangiwi.

"Nice to see you finally. Ivo the youngest and not to mention richest  businessman of all time." Tahimik akong nakamasid at nakikita ko sa mata niya kung paano kumintab ang mata niya pagkabanggit niya sa salitang richest. Napailing ako, how pathetic.

Tumango lang si Ivo na para bang nababagot. Sa wakas tumingin sa'kin si Mr. Smith at nakita ko kung paano niya tinitigan ang buong katawan ko.

"Alas, you must be the wife." Kahit gusto ko siyang sapakin pinigilan ko ang sarili ko at ngumiti ng pilit saka tumango.

"The one and only. Nice meeting you sir." Nakatitig siya ngayon sa dibdib ko at nakita ko kung paano nandilim ang mata niya. Muntikan na akong mapairap.

"You're beautiful. Nice to meet you too--"

Kukunin niya sana ang kamay ko kaso bigla akong hinila ni Ivo kaya naman mas lalo akong napadikit sa katawan niya. Halos maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko pero nung tignan ko siya halos makalimutan kong huminga nang makita ko kung paano nandilim ang mata niya.

"Keep your fucking filthy hands to yourself Smith. Touch my wife and I will fucking kill you." Mukhang nabihag naman ang buntot niya at dali dali siyang umalis. Ibinaling ko ang tingin ko kay Ivo na nakapikit at humihinga ng malalim.

"Ivo." Hinawakan ko ang mukha niya at napamulat agad siya. Note to myself, do not mess with Ivo even in the slightest thing possible, no one knows what'll happen.

Maraming lumapit sa'min na mga bisita at halos nasa amin na ang atensyon nila. Nakipagpalitan lang ako ng ngiti at simpleng bati habang pinipigilan ko ang sarili ko na huwag ngumisi.

Did we just stole the attention for the bride and groom to be? Definitely yes.

Halos wala ng lumingon sa table nila Steff na dapat kung saan sila yung halos binabati ng lahat at hindi kami but oh boy, luck is in my side, not hers, not never.

"They're coming." Bulong ni Ivo sa tenga ko na ikinatayo ng balahibo ko. Hindi dahil sa papalapit sa'kin kundi dahil sa ang lapit ng mukha niya sa'kin at sa leeg ko.

Bago pa ako makapagsalita nasa harapan na namin si Caiden at nasa likod naman nito si Seb at Steff.

Nice to see these bitches again.

Fatal RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon