Napatunghay naman ako at napasilip sa bintana. " WOW! "

" Ang ganda naman dito sa Korea Ma! "

Grabe, sobrang ganda. Ang ganda ganda talaga! Puta ang gandaaaaaaaaaaaaa.

" Okay, please stay at your position. We are now here in Korea. Some minutes, we will take down. Thankyou and welcome to Korea. "-sabi ng flight attendant.

--

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa Korea na kame. Oh my god, ang puputi ng mga tao dito, parang harina!

Akala ko masaya na ko dahil nakakita ako ng ganitong lugar, pero bigla na lang bumuhos ang luha ko.

" Miss ko na sya. "

Napaluhod naman ako .

Naramdaman ko ang yakap ni Mama sakin. " Kaya mo yan anak. "

" Ma. "

Bakit ganon? Bakit ang daming balakid? Ang daming purwisyo? Ang daming kontrabida? Pwede bang mawalan na ng mga kontrabida sa pagmamahalan? Nakakainis na kasi e. Kung kelan mahal mo na, tsaka may kokontra. Kung kelan ayaw mo ng mawala, tsaka bibitaw. Waaaaa. Bakit ganon?

--

Nasa condo na kami ni Papa.

Niyakap nya ako nung makapasok na kami ni Mama.

" Ash ikaw na ba yan? "-hindi ho! Hindi ho ako si Ash! -_-

Umiiyak pa sya, tangama, ang galing nyang umarte!

Kumawala ako sa pagkakayakap. " San ang kwarto ko? "

Nataranta naman si Papa. " Ahmm, du-dun sa kabilang kwarto. Daretsohin mo lang yang hagdanan tapos kumaliwa ka. Na-naayos ko na yung kwarto mo anak. "-hahalikan sana ako ni Papa sa noo pero umalis na ko at sinunod ko na yung sinabi nya.

Maganda naman dito. Komportable agad ako kasi malinis yung bahay. Sya lang ba ang nakatira dito?

Maayos pala sa bahay si Papa e.

Pagkapunta ko dun sa sinabi ni Papang kwarto, may narinig akong kumalabog dun sa kabilang kwarto, at dahil na-curious ako, pinuntahan ko yon.

Binuksan ko yung knob.

" May tao ba dito? "

Hindi ako nakontento at pumasok ako sa loob.

Tapos nung saktong isang hakbang ko papuntang kama, may nakalabit akong tali. Pagkatingin ko sa likod ko, may unti unting bumabagsak na domino, pagkatapos ng domino, baraha naman, ang galing. Tapos ng baraha, holen naman. Hala, mas magaling yung sa holen.

Sinundan ko lang yung sunod sunod na pagpatak.

Hanggang sa...

" Waaaaaaaaa. "

Aray!

" Sino ka! --Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? "

Sa sobrang sakit ng pwet ko na nagbaksak sa sahig, napa-inat tuloy ako. May pulbo pang tumapon sa mukha ko. Waaaa, wag nyong sabihin na mukha na akong espasol.

Idinilat ko ang mata ko at pinahid ang ilang polbo sa mukha ko.

Pagkakita ko, isang batang lalaki ang nakatayo sa harap ko at nakatutok saakin ang kanyang espadang laruan.

" Sino ka? "-tanong ko.

" Hindi ako sinuka! Inire ako! "

Napakunot ang noo ko. Putrageez na bata to. Namimilosopo pa ah! Sa tantya ng mata ko, 7 years old pa lang tong bata. Ang gwapo naman nito.

Tatayo na sana ako ng bigla nga akong daganan.

" Waaaaaa! "

Ano bang ginagawa nitong batang to? Nasasaktan na ko ha.

" Aray! Umalis ka nga sakin!"

" Magnanakaw ka no? Ya! Ya! Yaaaaa! "-hinahampas nya ako pero nakikiliti lang ako. Hahaha. Ang hina naman ng pwersa nya, pero naiinis na ko ha. Ang likot nya, nadadali yung ano ko-- yung ano





-- yung ilong kong maganda nadadali.

Buti na lang at may nagbukas ng pinto.

" Ash anak! "-dinig kong boses ni Mama.

Pumasok naman sina Mama at Papa tapos inalis yung bata na nakadag-an sakin .

" Olliver what are you doing? You hurt our visitor-- you hurt ate Ash. "

Ano? Sinong Olliver?

" I thought she was a kidnapper or a killer, mianhae Appa. " [sorry dad]

Appa? Anak sya ni Papa? Tapos OLIVER pa ang pangalan nya? -.-

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now