Chapter9

51.3K 723 9
                                    

Cassy,

    
      Gulat na gulat kami ni Kakai sa inasta ni Enzo. Bigla na lang pumasok na walang pasabi at pinagalitan kami ano bang ginawa namin. Sa isip ko, masama bang tumulong kay Kakai".

"Huh!! anyari dun? May ginawa ba tayong mali? Para pinagsilbihan lang sila, galit na. At isa pa bakit kaya hindi ka nya pinapapunta dun sa may pool area. Anong mayroon?..."sunod sunod na tanong ni Kakai sa akin na nakasimangot.

"Aba malay ko sa amo mong may tupakin. Halika ka na nga, dun tayo sa likod, bahala sya dyan.."yaya ko kay Kakai at sabay akong aalis.

"Oh! pati ikaw beastmood na din? Ikaw na lang maiwan na ako dito, paano kung bumalik yun at may inutos. Tapos wala tayo dito baka lalong tupakin yun.."sagot ni Kakai sa akin na papailing.

"Oo nga baka lalo pang magalit sa atin. Alam mo hindi ko magets yun, kanina ang bait bait sa akin tapos ngayon nagsusungit. Ay kaluka!!.."sabi ko kay Kakai at bumalik sa kinauupuan ko kanina at naupo ulit.

"Kanina, ibig sabihin magkasama kayo. Anong mayroon ha girl? Isa pa, kanina ko pa napansin yan oh.."sabi ni Kakai at sabay nguso sa akin.

"Ha! Ano yang nginunguso mo?..nagtatakang tanong ko kay Kakai.

"Bakit ka may sugat sa kamay?..tanong ni Kakai ng diretso sa akin.

"Eto ba, nasugat habang niligpit ko yung picture frame nahulog at nabasag kaya ganun.."sabi ko na lang kay Kakai.

    Tumango lang sya pero maya maya din ikinukwento ko sa kanya kung ano talaga ang totoong nangyari sa kamay ko.

    "Ay!!...kinikilig ako. Shit! girl, hindi kaya may gusto si sir Enzo sayo?...biglang sabi ni Kakai.

"Kai hinaan mo nga yang boses mo baka marinig tayo, ano ka ba. Walang gusto yun sa akin no, caring lang siguro.."saway ko kay Kakai dahil nag uumpisa na syang manunukso.

"Sa bagay pero let see.."sabi ulit nya na may panunuksong ngiti.

"Anong let see, let see naman yan. Alam mo kalimutan mo na yung kwento ko sayo baka mamaya yan pa ikakapahamak ko.."sabi ko sa kanya.

"Paano nga kung mayroon. Anong gagawin mo?..tanong ulit ni Kakai.

   Hindi na ako sumagot, bigla akong napaisip sa tinanong ni Kakai. Paano nga ba kung mayroon anong gagawin ko? Hay....naku Cassy tadaan mo hindi pwede, anak sya ng amo at katulong ka lang. Oo isang kebot mo na lang FA kana pero sa tingin nila katulong ka pa rin" sabi ko na lang sarili ko at bumuntong hininga.

"Wow! ang lalim hindi ko maarok yang buntong hininga mo at hala napapaisip sya oh. Lagot ka, he like you..? tukso ulit ni Kakai sa akin.

"Kai please wag kang ganyan baka mag assume si akits at mag expect ako. Mamaya mahurt lang ako.."saway ko sa kanya.

"Ramdam ko yun girl. Kasi the way ka nya titigan parang may something eh.."dagdag pa ulit ni Kakai.

"Ang bad mo talaga, sabing tumigil please.."sabi ko at sabay hampas kay Kakai.

"Okay....tahimik na ako pero tutuklasin ko kung he like you or not para atleast alam natin.."sabi nya pa ulit.

"Dyan ka na nga makulit ka eh.."iniwan ko na sya at sa likod ng kusina nagtambay.

Habang nasa likod kusina ako, ang dami ko ng naiisip tungkol sa napag usapan namin ni Kakai. After a few hours sa wakas umalis na ang mga bisita ni Enzo at pati sya kasama nila lumabas kaya laking pasalamat ko at kahit papaano hindi ko lagi makikita ang pagmumukha nya.

My First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon