Chapter 3: Breaking up

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay, bigyan mo lang ako ng konting oras. Konti na lang..."

Binaba ko na 'yong phone.

Kaya ko na ba talaga? Maisip ko pa lang na maghihiwalay kami, nadudurog na 'yong puso ko. Doble pa 'yong sakit kasi kaya niya ako iiwan ay para sa ibang babae, para kay Kim.

Binaba ko agad 'yong phone. Sorry, Jeydon, hindi ko pa talaga kaya. Hindi pa ako handa. Konting oras pa.

Kahit anong gawin ko, ang sakit pa rin. Kahit paulit-ulit ko nang nilalagay sa utak ko na iiwan na niya ako, ayoko pa rin maniwala. Ayokong paniwalaan kasi ayokong tanggapin. Ayokong tanggapin na iiwan na niya ako.

Kahit kailan hindi ko naisip na maghihiwalay kami ni Jeydon. Akala ko siya na talaga 'yong para sa 'kin. Lahat naman ng prinsesa ay nakakatuluyan si Prince Charming. E bakit ako hindi?

Napayuko ako, nakaupo, at umiiyak sa gitna ng ulan.

Ganito pala kapag nasaktan ka nang sobra? Parang may kamay na nakahawak sa puso mo tapos unti-unti niya 'yong pipigain.

Akala ko ang OA ng mga bida sa mga teledrama o mga Koreanovela kapag nasasaktan sila dahil sa pag-ibig. Hindi pala, ang sakit pala talaga.

Jeydon, bakit mo ba sa 'kin 'to ginagawa?

Tumayo ako, kailangan ko siyang puntahan. Hindi niya kayang gawin sa 'kin 'to. Mahal na mahal niya ako e. Sabi niya hindi niya ako iiwan. Nangako siya sa 'kin. Pwedeng naguguluhan lang siya o baka may kinalaman si Kim dito. Hindi niya ako pwedeng iwan.

No'ng nakarating na ako sa tapat ng bahay nina Jedyon, inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko tsaka ako pumasok sa loob ng bahay.

"Noona?" Lumapit agad siya sa 'kin tsaka niya ako niyakap.

"Ah, Jayshin, kumusta?" Ang laki na rin ni Jayshin. Lumaki at gumanda lalo 'yong katawan niya.

"I miss you, Noona."

"I miss you too, Jayshin. Ang laki mo na ah." For sure, mas lalo siyang pagkakaguluhan ng mga babae.

"Malaki na ba talaga ako sa paningin mo, Noona? E di pwede na kitang ligawan?" Hindi pa rin pala nagbabago 'yong ugali niya.

"Ayoko. Baka magalit lalo sa 'kin si Tammy e." Biglang sumama 'yong itsura niya.

"Don't say bad words, Noona, okay? Bakit ka nga pala nandito?"

"Ah, kasi gusto ko sanang makausap si Jeydon..." Bigla na lang niyang nilayo 'yong tingin niya sa 'kin. "May problema ba?"

"Noona, I think it's not the right time." Pati ba siya alam na 'yong balak gawin ni Jeydon? Alam na ba nila? Ako na lang ba 'yong hindi nakakaalam?"

"Hindi, Jayshin," ngumiti ako sa kanya. "Wala nang tamang panahon kundi ngayon."

"But Noona—"

Nilagpasan ko agad siya. Sorry, Jayshin, alam kong nag-aalala ka lang sa 'kin. Alam kong ayaw mo lang naman masaktan ako, pero kapag hindi ko pa 'to ginawa ngayon, mas lalo lang akong masasaktan.Naglakad ako papunta sa kwarto ni Jeydon. Makikita ko na naman ba sila ni Kim na magkasama?Oo, nakita ko na naman sila... Ang saya-saya nila. Ang saya-saya ni Jeydon. Sa bawat ngiti na 'yon ni Jeydon, parang may kutsilyong sumasaksak sa puso ko. Jeydon, bakit ganyan ka? Dati ako lang ang nakakapagpangiti sa 'yo nang ganyan 'di ba? Ako lang.

Masyado akong nasasaktan na para bang hindi na ako makahinga nang maayos. Ganito ba talaga kasakit?

"Candice?"

Napansin ako ni Jeydon. Hindi ko alam 'yong gagawin ko kaya naglakad na lang ako palayo.

"Sandali."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon