"Zero or infinite, ma'am." sabi ko ng nakangiti. "Okay, very good... going back to our lesson." At nagsimula na ulit syang magturo ng hindi ko na naman maintindihan. Napatitig ulit ako kay Gio. Poker face, as usual. Di man lamang sya ngumiti sakin. Napatingin na lang ulit ako sa board. "Thank you." sabi ko ng mahina sa kanya. "Thank you kasi sinalo mo ako kanina." Napatingin ako sa kanya para makita ko ang reaction nya. Walang kaemo-emosyon ng mukha nya. Ni ngiti wala. Tumango lang sya as a sign of 'you're welcome'. Kung hindi lang talaga kita mahal nabalibag na kita.

"Hindi ka ba talaga nagsasalita kapag kinakausap ka?" tanong ko. Wala na namang sumagot. Pero hindi ko na kinausap ang sarili ko. Gusto ko sa kanya ko mismo marinig ang sagot. "Bakit ang taray mo?" Nakatingin pa rin ako sa kanya. "Bakit ang sungit-sungit mo?" Pinipindot-pindot ko na yung braso nya kasi baka akala nya hindi sya yung kinakausap ko. Napatinging na lang ulit ako sa unahan at bumulong ng: "Bakit ba minahal kita?" Nababaliw na ako. Pagtingin ko sa kanya, nakangiti sya habang nagsusulat ng notes sa notebook. Ano yun? Alter ego? "Uyy, bakit ka nakangiti?" tinanong ko ulit sya na nakaharap na sa kanya. Hindi lang mukha kung hindi buong katawan nakarotate ng 90 degrees para lang tanungin sya.

"Miss Catherine Ramirez and Mister Gio Gonzales, may problema ba?" Wow, nakalimutan ko na nasa unahan nga pala kami at kitang-kita nya ang pagtatanong ko kay Gio. Lumapit samin yung teacher at kinuha ang notebook ni Gio. At kamalas-malasan, pagbuklat nya, kitang-kita ang nakasulat na 'zero or inifinite' sa notebook ni Gio. "Detention!" nabigla ako sa sinigaw nya. Napatingin ako kay Gio. Nag-aalala ko para sa kanya. Pero yun, poker face. "Sorry..." napabulong na lang ulit ako. Lagi namang hanggang bulong lang ako.

Nang matapos ang math, dismissal na. Paalis na sana ako nang biglang may sumisit sakin. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid, pero isang ato lang ang nakita ko sa classroom, si Gio na nakatingin sakin. Ahh, oo nga pala, detention.

Umupo ako sa upuang pinakamalapit na upuan sa pintuan. Hindi pa magsisimula ang oras ng detention hangga't walang teacher na maga-act as proctor ng detention kaya mukhang matatagalan pa ako dito. Pag lingon ko, si Gio, nakatingin sakin. Ayy, hindi pala, okay na pala ako dito.

"Ganun ka ba talaga kabobo?" nagitla ako sa sinabi ng kaisa-isahang kasama ko sa classroom.

"Wala na bang isosoft yang tanong mo? To be honest, ang hard nun," mataray ko sabi. Naoffend ako dun. Oo, bobo ako sa math. Pero sa Math lang. Nagbebest in Science and English din naman ako. Hindi porket magaling sya sa lahat, ang hindi katulad nya ay hindi na nya kalevel. Tapos dahil lang loksbu ako sa math, bobo na? Napatingin na lang sya sa ibang direction at napangiwi.

Tumahimik ang buong paligid. Awkward. Napapatingin ako kay Gio. Dun pa rin sya nakatingin sa direksyon na kanina pa nyang tinitingnan. Kinakagat ang mga kuko at parang nag-aalala. Ako may kasalanan nito eh. Kung sana hindi ko sya kinulit, wala sya dito. Wala ako dito.

"Sorry," sabay naming sabi. Muli na naman kaming napatitig sa mga mata namin. Mata nya sa mata ko, mata ko sa mata nya. Parang tumigil na naman ang mundo ko.

"Hindi. Ako dapat ang nagso-sorry. Nabigla lang ako. Nakakaoffend nga yung sinabi ko," sya yung unang nagsalita dahil hanggang ngayon, ramdam lo na paralisado ang katawan ko. "Hindi kasi yun yung dapat kong sasabihin eh. Mali yung pagkakabitaw. Pasensya na talaga."

"Ako dapat ang magsosorry, kung hindi kita kinulit kanina, sana hindi ka napahamak," sabi ko. Lumapit sya sa may upuan ko. "I'm Gio nga pala." Parang first time namin maguusap. Kasi hindi naman talaga kami naguusap non. "I know," medyo ilang segundo rin bago ko narealize na mali yung sinabi ko. "I mean, kasi di ba magkaklase naman tayo, so naririnig ko din," sabi ko sa inyo, bulok ako magpalusot. "Ako naman si--," napatigil ang sinasabi ko ng bigla syang sumabat: "Catherine." Ngumiti sya. "Kasi di ba? Magkaklase naman tayo, so naririnig ko din," sabi nya at pareho kaming napatawa.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Dec 12, 2013 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Ad InfinitumDove le storie prendono vita. Scoprilo ora