Chapter 8: Permission

85 3 0
                                    

Ella's pov

"Best, are you serious?" I asked Yna. Nalaman ko kasi na si Frank ang isasama niya sa Legazpi to visit her grandparents.

"Yes. Why?" She said.

*kkkkrrriiinngg*

"Hala! Uwian na pala" sabi ko.

"Ay hindi. Magflaflag ceremony palang" sarcastic na may pagkapilosong sagot sakin ni Frank. Inirapan ko lang siya.

"Uwi na tayo?" Tanong naman ni Joshua.

"Hindi. Pasok na tayo" sarcastic na may pagkapilosopo ring sagot ni Yna kay Joshua.

"HAHAHAHA!" Tawa nilang dalawa at nag-apir pa.

"SAMA NIYO!" Sigaw naming dalawa ni Joshua sa kanila sabay walk out.

Yesha's pov

"Halika na? Hatid na kita sa inyo" sabi niya. Nag-nod lang ako at kinuha na yung gamit ko.

Naglakad na kami papuntang parking lot. Pinahintay niya ako sa Main Gate. Hahanapin niya lang daw muna yung kotse niya.

10 minutes have passed. Pero wala pa rin siya. Napagdesisyonan kong hanapin nalang siya.

May nakita akong mga lalaki dun nakabilog sila. Nagtaka naman ako kung ano ang ginawagawa nila kaya lumapit ako ng kaunti. Nagulat ako sa nakita ko, yung mga babaeng umaway samin kanina. Sila  yung nasa gitna nila........ At binubugbog?

Lumapit ako sa kanila at tinulungan yung mga babae. "ANO BA?!" Sigaw ko sa kanila.

"Miss wag kang mangialam dito kung ayaw mong madamay" sabi nung isang lalaki sakin.

Hinila ko yung mga babae at nilabas sa bilog. Nung nasa labas na kami ng bilog, hinila nila ulit kami papasok.

Sasaktan na sana kami nung isa ng may tatlong sumigaw.

"YESHA/BES!" Sigaw nila Ella, Joshua at Frank.

Napatigil naman yung mga lalaki at tumingin kila Frank na nakayuko.

"THE HELL?! ANONG GINAGAWA NIYO SA KANYA?!" Sigaw ni Frank sabay hila sakin.

"Sorry Master" sabay sabay nilang sabi.

Hinila ko naman yung tatlong babae at tinanong. "Okay lang kayo?"

Hindi nila ako sinagot at tumakbo na papalayo. Anong nangyari dun?

"Halika na. Uwi na tayo" sabi ni Frank at hinila na ako papasok ng kotse niya.

***
After 30 minutes....

"Yaya Stella, is Mom and Dad home?" I asked.

"Yes ma'am, they're waiting for you in the dinning area" Yaya Stella said. I just smile and nod at her. Hinila ko si Frank papuntang dinning.

Nadatnan namin sila dun na nagkwekwentuhan. May mga pagkain na rin sa table. Ng makita nila kami, tumingin sila sakin, sunod kay Frank tapos sa mga kamay namin. Bibitawan ko na sana yung kamay niya pero hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.

"Hi Yna" Bati nila sakin. Hala! Bakit Yna tawag nila sakin?

"Hi Mommy" *sabay kiss kay Mommy* "Hi Daddy" *sabay kiss kay Daddy*  "Hi Kuya" bati ko sa kanila.

"Yna, who is he?" Dad asked.

Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Frank. "Hi, I'm Frank B. Evans. 17 years old. Yesha's boyfriend" ano raw? Boyfriend?

"WHAT?!" Sabay sabay nilang sabi. Ningitian naman sila ni Frank. Ako naman kinurot siya sa tagiliran. Tumawa lang siya pero hindi yung sobrang tawa. Yung mahina lang.

"Yna, let's talk outside" seryosong sabi ni Mommy. Tumango lang ako. Naglakad na si Mommy para lumabas.

Susunod na sana ako kay Mommy pero hinila ako ni Frank sabay bulong. "Sumakay ka na lang. Makakatulong to para nakalimutan ka sa Legazpi" pagkabulong niya nun, kiniss niya ako sa pisngi tapos tinulak na ako palayo.

Nang makalabas na ako nakita ko si Mommy na nakaupo sa may stairs. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Yna, totoo ba yung sinabi nung Frank?" Tanong ni Mommy sakin habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Tumango nalang ako. Sasakay nalang ako sa trip ni Frank. Kasi nga diba sabi niya makakatulong raw yun para makapunta ako sa Legazpi? Just go with the flow nalang.

"Mahal mo siya?" Tanong niya ulit.

"O-opo" nauutal kong sagot. Ngumiti lang siya sakin.

"I'm happy for you" sabi niya sabay yakap sakin.

Pumasok na kami ng bahay. Nakita namin sila Frank na nasa sala. Ang seryoso nung mukha nila Daddy at Kuya Yuan samantalang si Frank nakangiti lang.

Umupo si Mommy sa tabi ni Daddy. Ako naman sa tabi ni Frank. Pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi ni Frank hinawakan niya agad yung kamay ko. Si kuya nasa single chair kaya wala siyang katabi.

"Saan mo nga ulit siya dadalhin?" Tanong ni Daddy.

"S-sa Legazpi po, Sir"

"Call me Dad" sabi ni Daddy. Tumango lang si Frank.

"Yes, Dad" ngumiti lang si Dad.

"Kailan alis niyo?" Mom asked.

"Bukas po" sagot ni Frank.

"Anong oras?"

"9 po ng umaga" sagot niya. Napatango naman si Mommy at Daddy.

"Uhmm.... So, payag po kayo?" Tanong niya.

"Fine by us" sabi nila Daddy at Mommy. Napatingin naman kami kay Kuya Yuan.

"Not fine by me. Unless....."

"Unless?" I asked.

"Unless you let me and Yumi go with the both of you" Kuya Yuan said. Napanganga naman ako dun.

Nagkatinginan kami ni Frank. Binigyan ko siya ng Ano?-payag-ka-look. Tumango naman siya ng konti.

"Deal?" Tanong niya.

"Deal"

"So it's settle then. Okay Guys, let's eat. Lalamig na yung pagkain dun" sabi ni Mommy.

Kumain lang kami ng kumain. Habang kumakain, iniinterview nila si Frank. Kapag medyo mahirap pinipisil niya yung kamay ko. Para tulungan siya. Maya-maya lang nagpaalam na siya samin.

"Mommy, Daddy, hatid ko lang po siya sa labas" paalam ko. Tumango lang sila.

Naglakad na kami ni Frank palabas. Nang nasa gate na kami huminto siya. Bibitawan ko na sana yung kamay niya pero hinila niya ako at niyakap.

Kiniss niya ako sa noo. "I Love You. Bye" sabi niya at binitawan na yung kamay ko. Kumaway muna siya sakin bago siya pumasok sa kotse niya. Kumaway rin ako sa kanya.

Pumunta na ako sa kwarto ko. Waaaah! Ano yun? Bakit siya nag
I Love You sakin? Part ba yun ng pag-arte namin? Ang gulo!

***
Next update: Oct 23, 2016 (SUNDAY)

Ang Playboy kong BoyfriendWhere stories live. Discover now