Nanliit ang mga mata ko. Hanggang saan ka, Dela Merced? Lahat ng ayaw mo ay gagawin ko. Papahirapan kita. Kung pwede ay papagapangin kita sa putikan nang malaman ko kung ano ba talaga ang sadya mo sakin at ang bilis mong pumorma.

Umawang ang bibig ko. Gusto kong umapila sa sinabi niyang ayaw niya. Gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi lahat ng bagay na gusto niya ay makukuha niya o masusunod. Pero imbes na magsalita ako ay tinalikuran ko na lang ulit siya para makapag lakad ng diretso.

Hindi niya ako tinigilan. Patuloy siya sa pagsunod. Papalapit na ako sa gate nang bigla na namang sumulpot ang Jeep Commander nila sa harapan.

"Ihahatid na kita." Aniya sabay bukas sa pinto.

Really?

"Kaya kong magtricycle mag isa."

"Ihahatid kita, Chesca." Dinig ko ang utos sa boses niya.

Ngumuso ako. Okay lang sa akin na ihatid niya ako. Hindi naman ito ang unang beses niyang nagawa iyon. Kaya lang, dahil narinig ko sa boses niya ang utos at ang kasiguraduhang hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako sasama sa kanya. Mas lalo kong nagustuhan ang pagrerebelde.

"Walang tricycle." Aniya sabay pasada ng tingin sa paligid.

"Edi mag lalakad ako." Sabi ko.

"Sasakay ka sa sasakyan ko." Matama niyang sinabi.

"Maglalakad ako." Mas mariin kong banggit.

"Chesca." Bumuntong hininga siya.

Nagsimula na akong maglakad. Sinundan niya na naman ako at nakasunod na rin ang kanilang sasakyan.

"Hector, maglalakad ako. Hindi ako sasama-"

"Naka ilang beses ka na sa pagsakay sa sasakyan ko, ah? Ba't ngayon ka pa aayaw?"

"Gusto kong maglakad ngayon." Nagkibit balikat ako.

Narinig kong suminghap siya, "Sasakay ka Chesca."

Bumaling ako sa kanya at tumigil sa paglalakad. Natigilan din siya at tiningnan ako.

"Kung gusto mong sumakay, edi sumakay ka dun! Ako? Maglalakad ako. Kung ayaw mong naglalakad ako, edi wala kang pakealam. May sarili akong utak. Hindi ako iyo. At kung sasabihin kong maglalakad ako, maglalakad ako! Wa'g mo ng subukang baguhin ang pag iisip ko dahit eto ang gusto ko sa ngayon!"

"Ba't mo gustong maglakad? Mapapagod ka lang! Mauuhaw ka! At isa pa, malayo pa ang sentro! Naalala mo nung naglakad ka nung una? Hindi ba na hold up ka?"

"GUSTO KONG MAGLAKAD! END OF THE STORY! Wala akong pakealam kung mag alay lakad ako dito hanggang bahay basta maglalakad ako!" Tinalikuran ko siya.

Buong akala ko ay wala na siya. Lalo na nang nakita kong humarurot sa harapan ko ang Jeep Commander. Inirapan ko iyon.

"Buti nga sayong hari ka! Kala mo lahat luluhod sayo?"

"Anong sabi mo?" Narinig kong sinabi niya sa likuran ko.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon