CHAPTER TWENTY-THREE

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang naglalakad kami, tinitignan ko pa rin ang itsura ni Ash. Magkasalubong na magkasalubong ang kilay nya at nakacrossed arm pa. Hahahaha.

" Galit ka ba? "-hinarangan ko ang dinaanan nya. Napapatawa talaga ako sa itsura nya.

" Ts, para yun lang? Hindi no! "

" Owsss talaga? "

" Hay nako Oliver, yung hipon na yon pagseselosan ko? Tsk tsk, maputi lang sya dahil sa kojic tsaka mapula ang labi dahil ng floorwax! Tsss, wala pa yun sa kalingkingan ng paa ko. "

" Hahahahaha. Floorwax? "

" Oo! Floorwax! Hay nako! Tara na nga. "

**

Mabilis natapos ang paggagala namin. Gabi na din kaya inaya ko na syang umuwi.

Nakarating na kami ni Ash sa bahay nila.

" Dito na lang ako. "-sabi ni Ash.

" Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa bahay nyo? "

" Ah--eh-- baka kasi tulog na si Mama. "

" Psh, ayaw mo pa akong papasukin, magpapaalam na din ako sa Ma ma mo na manligaw. "

Nakita ko naman na nag-iba lalo ang reaksyon ni Ash. Hindi ko alam kung kinikilig sya o ano?

" Seryoso? Wa-wag muna ngayon. Bu-bukas ka na lang magpaalam. Inaantok na din ako e. "-pinagpapawisan sya habang nagsasalita. Ano bang nangyayari dito? Hahahaha. Ang cute nya.

" Ano bang nangyayari sayo? Mas kinakabahan ka pa ata kesa sakin e. Hahahaha. "-hinawakan ko ang kamay nya.

" Oliver, papasok na ko ha. "

" Hahahaha. Mamaya na. "

" Ih! Inaantok na ko e. Pasok na ko--*prttttt.*"

Bigla naman kaming natahimik ni Ash.

What the.

" Umutot ka? "-napahawak ako sa ilong ko.

" Hindi ah! Baka ikaw! "

" Ash! Grabi ka! Hahaha. Ang baho. "

" Ikaw kasi ih! Ayaw mo pa akong palabasin! Yan tuloy naglabas na ko ng sama ng loob! "-napapakamot si Ash sa ulo nya.

" Hahahahahaha. Grabe ang baho. "-tinatawanan ko lang si Ash. Pero ang totoo wala naman akong naaamoy, niloloko ko lang sya. Mas malakas kasi yung amoy ng refresher sa kotse ko.

" Psh, nakakainis ka. Akala mo naman hindi ka nautot. Mas masama pa ata ang amoy ng iyo e. "-pinalo nya ko sa braso.

" Hahahaha. Hindi! Alam mo, ibang iba ang utot ko, pwedeng pamango! "

" Yuck! Tsk, sige na! Papasok na ko. Tinatawag na ko ng kalikasan. "

" Ha? Sino naman yon? "-tanong ko.

" Hay nako, tinatawag na ko ng banyo! Pasok na ko ha! Bye. Ingat sa byahe! "

" Wala man lang bang ' I LOVE YOU' ?"

" Wala! Jejebs muna ako bago landi! Ingat! "-tumakbo na sya papasok sa loob. Hahahahaha. Mas natawa ako sa kilos nya kasi hawak pa nya ang pwet nya habang natakbo.

Hahahahaha. Napaisip tuloy ako kung bakit ko nagustuhan ang isang babaeng katulad nya. Ewan ko din. Masaya ako kapag kasama ko sya. Masaya ako kapag inaasar ko sya. Masaya ako kapag naaasar sya. Masay ako kapag napipikon sya. Masaya ako kapag masaya sya.

**

Ayoko sanang umuwi ng bahay pero pinapauwi na ko ni Mama. Gusto na nya daw akong makita.

Uuwi ako para kay Mama. Uuwi ako para sa kanya.

Tangina naman kasi, umuwi pa si Papa galing sa Singapore! Dapat kasi hindi na lang sya bumalik! Hindi ko naman na sya kailangan.

Pagbukas ko ng gate, may dalawang ugok na body guards ang sumunod sakin pagpasok.

" Did I ask you to follow me? "-matalim kong tanong.

" Sorry sir but it's your father's command. "-sagot ng isa sa kanila.

" Leave me alone. Bahay namin to kaya alam ko ang pasikot sikot dito. "

" Sorry again sir, sabi po ng Papa nyo na sundan namin kayo. "

" Gusto nyo bang balian ko kayo ng buto? Sabi ko iwanan nyo na ko! "-susuntukin ko na sana sila pero . . .

" Oliver! "

Tsss. What the fuck, dad!

" For now on, sila na ang magbabantay sayo. "-lumapit sya sa kinatatayuan namin.

" Hindi ko kailangan ng bantay! "-halos sumigaw na ako. Lumapit ako kay Papa. " And you! Mas lalong hindi na kita kailangan! You ruined my life! "

Humakbang na ako papalayo sa kanila.

" After 1 month, Chloe is here in the Philippines. So get ready for your ----asdfghjkl. "

Hindi ko na narinig yung iba nyang sinabi, isinarado ko na ng malakas ang pinto.

How could him?

Sana mamatay na lang sya.

Puro business na lang ang inaatupag nya. Tapos ngayon uuwi sya para guluhin na naman ang buhay ko? Anong klase syang ama. Kingina.

Humiga muna ako sa kama ko. Nakakapagod. Isa lang naman ang makakapag-alis ng pagod ko e.

Kinuha ko ang cellphone mula sa table ko at idinial ang number ni Ash.

" Hi Ash. Success ba? "

[ Tse! Wag ka nga! Oh bat ka napatawag?]

" Wala lang. Hmmm, may pupuntahan ka ba bukas? "

[ Hmmm, sandali lang. -- Oo e, may experiment kami ni Keith na gagawin sa bahay nila. ]

" Ano? Pupunta ka sa bahay nina Keith at teka? Kayo lang dalawa? "

[ Tsk. Oo nga. Wag ka ngang sumigaw. Bakit ba? ]

" Sasama ako. "

[ At bakit ka naman sasama. Diba kagroup mo sina Six? Dapat dun ka. ]

" Psh. Bahala na sila. Kaya na nila yon. Basta, 10 o' clock kita susunduin. "

[ Ha? Eh alas otso ako aalis ng bahay e. ]

" Basta susunduin kita. Hintayin mo ko. "

[ Pero--]

" NO BUTS NO IFS. Ako ang magsusundo at maghahatid sayo. Gets? "

[ Psh! Oo na. ]

" Okay clear. Matulog ka na, baka mamaya umutot ka na naman dyan. "-napahalakhak ako. Naalala ko kasi sya kanina. Hahahaha.

[Tangina mo. Sige na bye. ]-tumatawa din sya pero alam kong pikon.

" Hahahahaha. Tangina mo din. Goodnight. Hahaha. "

[ Aba't minumura mo pa ako ha. Pft. Turn off. ]

" Tanga hindi! Tangina mo means I love you. Hahahaha. "

[ Ahhh ganon ba yon. Edi Tangina mo too. Hahahaha. Walangya ka talaga. Sige na. Magpahinga ka na din. Bye Bipolar. Good night. ]

Pagkatapos ng kulitan namin ni Ash, hihiga na sana ako ng may biglang kumatok.

Psh, hindi ko na lang pinansin kasi baka si Papa na naman yon. Masisira na naman ang mood ko kapag nakita ko ang mukha ng walang kwentang amang yon!

igW2

Hi Chat Love On - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon