Chapter 3

92 17 4
                                    

Stranger With Memories

Alexander's POV

Nakaupo ako sa pintuan at niyayakap ang aking legs.

Nagulat ako sa nakita ko.

Siya ba talaga yun!?

Gumanda siya lalo.

Nagbago na siya, kaso parang mas lalong lumiit. O sadyang hindi na talaga lumaki?

Dati, mukha siyang palakang inihian sa daan. Pero ngayon parang dyosa na ng mga palaka!

Sht!

"Alex.."

Sht sht!

"Alex buksan mo naman yung pinto oh." Seryoso niyang utos.

Bakit ba palaging Alex!? AJ naman ang tawag niya sakin! Dati..

"Bakit ko bubuksan!? S-sino ka ba!" Padabog kong sabi.

Ayoko na siyang makita. Kinakabahan ako tuwing nakikita siya. Hindi rin ako makagalaw. In short, tameme.

"Sir buksan niyo naman po yung pinto oh kawawa naman po siya nakatayo lang sa labas." Sabi ni Alice.

Luh maka-utos sakin parang bahay niya 'to ah!?

"O sige buksan mo pucha!" Sigaw ko at bububuksan niya sana ang pinto. "Diba bahay mo naman 'to diba dali buksan mo na!" Ng muntik na siyang lumapit sakin para buksan ang pinto ay sinigawan ko pa siya.

"Pukinaenae alis!" Reklamo ko at umalis naman siya.

Saan ba kumukuha ng mga katulong sina mama!?

Sa dump site ba!?

Biglang may kumatok sa likod ko.

"Anak? Nandito si Michaell-"

"Mama!" Sigaw ko.

Ayoko nga siyang makita eh. Pinagpipilitan pa niya.

Biglang bumukas ang pinto at nasubsob ako sa hagdan. "Aray!"

"Anak aba bakit ba hindi mo pinapapasok si Michaell-" Aniya ng bigla ko siyang nakita sa tabi ni mama.

"Nakapasok na diba!" Sabi ko at tumayo ng maayos. Pinagpag ko ang damit ko at umiwas ng tingin sakanila. "Aakyat na po 'ko, ma."

"Wait!" Singit ni mama. Napalingon naman ako sakanya nung mapapaakyat na ako ng hagdan.

"Bakit ba parang hindi mo na kinakausap si Michaella? May problema ba kayo sa isa't isa? Anak, ngayon ka nalang makakatsansing."

Sumama ang tingin ko sakanya. "Mama, pagod lang po ako. Also, hindi ako tsumatsansing! Nyemets!" Padabog kong sabi at umakyat na 'ko papuntang kwarto.

"Kausapin mo siya bukas, anakis! Kapag di mo kinausap mabibigyan kita ng malupet na batok!" Warning niya at napabuntong hininga nalang ako.


Asa.

Nakahiga ako ngayon sa kama ng kwarto ko at iniisip ang tungkol kay Michaella.

"Bakit pa kasi bumalik yun? Mukhang tanga ampodang." Sabi ko at binato ang bola sa pader.

11 years old kaming dalawa 'nong iniwan ako. Tapos ngayon babalik balik siya rito? Wag nalang! Umiba na nga rin ang tawagan namin eh. AJ and tawag niya sakin at MJ naman sakanya. Michaella Jana. Pero ngayon, Alex nalang. Pwes, tatawagin ko na siyang Michaella.

"AAAAAAAAAAAAAAGH!" Sigaw ko at hinila ko ang aking buhok.

Ayoko na siyang makita ulit! Alam kong ma-drama pero pucha, hindi ko kaya! Umalis siya ng hindi ko manlang alam. At eto pa ang malupet bumalik ng hindi ko rin alam! 5 years pa! Anak ng totong!

When She Returned (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن