Chapter 1

174 19 9
                                    

Summer!

Katatapos lang ng school year namin. Kaya magce-celebrate ang mga lolo niyo.

"Alexander anak mag-ingat kayo sa resort ah." Ani mama. "Opoooooo."

Pupunta kami sa resort ngayon dahil kakatapos pa lang ng recognition. Kating-kati na kaming magbakasyon nun. At ngayon, nandito na ang araw na hinihintay namin.

Hinalikan ko ang mama ko sa pisngi at lumabas na ko ng pinto. Nakita ko sina Jay at Zach na hinihintay ako sa kotse. Bago pa man ako pumasok sa kotse ay tinignan ko ang tabi ng bahay namin. Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa kotse.

Si Jay ang nagd-drive at si Zach sa tabi niya. Ako naman ang nasa likod.

"So pupuntahan pa natin si Daniel. Sana naman hindi umabot ng 10 years tulad ng kay Alex!" Asar na sabi ni Jay at nagsitawanan silang dalawa. "Oo nga! 10 years, bro! Tagal kong nakatayo!" Oa na sabi ni Zach at nagtatawanan parin sila.

Inirapan ko nalang sila at sinuot ang earphones sa aking tenga ng biglang tinanggal ni Zach ang earphones ko. "Bakit ba ang hilig mong mang irap? Bakla ka ba?" Umirap ako ulit at pumikit ng dahan dahan.

*

May pumipitik sa noo ko. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at kinusot iyon. Nakita ko silang tatlo nakatingin sakin ng bigla akong hinampas ni Jay sa noo. "Aray ko! Anong trip niyo!?" Sigaw ko.

"Tanga nasa resort na tayo!" Sabi ni Zach.

"Ang tagal mo punyeta dali na ang daming chix oh!" Reklamo ni Daniel.

"Hoy mga animal! Gusto niyo ata makarinig ng malaimpaktong lyrics!? Mauna na kayo tignan niyo ang mga chicks niyo!" Sabi ko at humagalpak sila ng tawa.

Pagtripan na nila ang lasing wag lang ang bagong gising!

"Osiya mauuna nalang kami." Sabi ni Daniel. Hinayaan nalang ako dito sa loob ng kotse at lumabas nila. Kumuha ako ng brownies sa bag ko at kumain muna. Tinignan ko ang orasan ko.

3:45 palang naman pala.

Napabuntong hininga nalang ako at lumabas ng kotse habang kumakain ng brownies. Nakita ko silang nakikipagusap sa mga babae na hindi nila kakilala, in short, chicks. Mga mahaharot. "Oooooye Alex sali ka dito ang gaganda nila oh sakto apat sila!" Yaya ni Daniel ngunit inirapan ko lang at hindi parin ako sumama.

I hate girls. Never akong lumapit sa mga babae maliban sa nanay ko at kay the-one-who-must-not-be-named.

Tumakbo si Jay patungo sakin. "Ano ba yan anak ng totong naman sumali ka na kasi!" Kinaltukan niya ko ng malakas. Pinagpag ko muna ang kamay ko dahil tapos na kong kumain ng brownies. Binatukan ko siya pabalik.

"Aray!" Reklamo niya.

"Ayoko nga! Ang papangit ng mga chicks na kinuha niyo! Saka na! Mag-enjoy muna tayo sa pagswimming!" Reklamo ko ng tumango naman siya kaagad at lumapit sakanila Daniel at Zach. Umalis na ang mga babae.

Ang totoo ay hindi naman talaga pangit ang mga babae. Nagpapakatotoo lang, tama lang ang mga mukha nila. Ayaw ko lang talagang lapitan, hawakan, kumausap sakanila.

Sumandal ako sa likod ng kotse ng tumakbo sila patungo sakin at kinaltukan ako isa isa. "Sayang mga chickababes! Napangisi ako at binigyan sila ng ultimate batok.

"Sorry boss Alex ayaw na po namin makatikim ng ultimate batok!" Takot nilang sabi ng napangisi ako lalo. "I don't care about your bullshts. Just go and enjoy swimming."

Tumango naman sila agad at tumakbo papuntang pool. Maya maya ay tinatawag nila ako na sumama sakanila magswimming. "Mamaya na mga poknat!" Sigaw ko at nagsitingininan sila ng may-poknat-ba-ko look.

Naglakad lakad lang ako at bigla akong may nabangga.

Babae!

Mahaba ang buhok, makinis ang balat, singkit ang mga mata.

Nagulat ako at tumakbo ng mabilis patungo sa kotse.

Germs!

Hingal na hingal akong pumasok sa kotse. Uminom ako ng tubig at pinagpag ang braso ko kung saan ay tinamaan ng babae.

Kinuha ko ang phone ko at may nakita akong text.

Jay Epal:

[Bro nasaan ka na ba? Hindi kami nageenjoy ng wala ka!]

Ngumisi ako at nagreply.

Me:

[Umuwi na nga tayo, ang pangit ng resort na 'to, puro hipon. Idlip muna ako mga tol, wag niyo kong gisingin hangga't di pa ko nakakauwi.]



Sabay send.

Sinara ko ang lagayan ng tubig ko ng biglang may nagtext uli.

Jay Epal:

[Ulol umpidlip ka nalang naghahanap pa kami ng chickababes.]

Napa-irap nalang ako sa text niya. Pinunta ko sa home ang aking cellphone at pumunta sa music. Sinuot ko ulit ang aking earphones at natulog ng mahimbing.

*

"Bro gising na! Inabot tayo ng malaimpaktong madaling araw dahil sa 'idlip' mong walang kwenta!" Nabigla ako nung nakita ko na madaling araw na pala.

Hindi pa umuuwi yung isa sakanila. Hinintay ba ko ng mga mokong na 'to?

"Bobo niyo pala e! Bakit ba hindi niyo ko ginising!?" Tanong ko ng may halong sigaw habang kinakaltukan nila ako. "Kami pa nabobo sa iyo eh ikaw nga 'tong hindi magising!" Ani Jay.

"Isa pang kaltok makakatikim talaga kayo saken!"

"Ay sorry po." Sabi ni Jay.

"Sorry boss di na po papalag." Sabi ni Daniel

"Umuwi ka na nga pukinaenae!" Sigaw ni Zach at agad naman akong lumabas ng kotse para pumasok na ng bahay namin. Kumaway ako sakanila at umalis na sila.

Napabuntong hininga ako at pumasok na sa bahay.

Nakita ko si mama na nanonood ng tv ng bigla siyang napatingin sakin. "Alex anak, bakit ngayon ka lang nakauwi?" Alala niyang tanong.

"Hala mama hindi niyo po ba nakita yung kotse sa labas?" Tanong ko at pumunta na 'ko sa kwarto ko para matulog.


Hindi ako makatulog.


Binuksan ko ang aking twitter para magpost tungkol sa nangyayari sakin ngayon. What's happening daw eh.


@AlexanderPogi:

Can't sleep.

Sabay Tweet.

Tumingin ako sa bintana at tama nga sila. Madaling araw na.

Nagbasa basa lang ako ng creepypasta stories ng biglang may nag pop sa taas.


Michaella liked your tweet.





Michaella?

When She Returned (ON-GOING)Where stories live. Discover now