Jhazz' POV
Hindi niya malaman ang gagawin ng biglang nawala sa paningin n'ya si Lemie at si Ken. Kanina pa niya binabantayan ang galaw ng dalawa, nakakainis naman kasi ang sabi niya dito si Addie ang asikasuhin para pagselosin si Khayzer pero ayun at si Lemie ang kinakalantari ng magaling nyang pinsan, mukhang type pa yata ng loko si Lemie. Hay nalingat lang siya saglit ay nawala na agad ang dalawa sa paningin nya. Ito namang Lemie na to, kakakilala palang kay Ken nagpapalandi na agad. Nakakasura, asan na kaya sila? Hindi tuloy siya mapakali.
" sweet si Ken nga pala nasaan? Kala ko nandito siya?" malambing na tanong sa kanya ni Gelai at siya naring pumutol sa kanyang pag iisip.
" teka sandali hanapin ko para sayo." mabilisang paalam nya dito.
Asar! Bakit ba siya nagkakaganito? Ano naman ngayon kung magkasama si Lemie at Ken? Wala na siyang pakialam dun. Naman oh! Hindi nya tuloy ma enjoy ang presensya ni Gelai, sa hindi kasi malamang dahilan ay hinahanap hanap niya ang presensya at kakulitan ni Lemie. Sa wakas ay natagpuan nya ang dalawa sa garden. Nakaupong magkatalikuran ang dalawa sa may fountain, mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga ito. Sa kanya nakaharap si Ken kaya nakita agad siya nito.
" Bro! Naligaw ka dito, hinahanap mo si Khayzer?" agad na bungad ni Ken sa kanya.
" ah Oo, nakita mo ba?" kaila nya dito.
" umuwe na yata, mukhang hindi naging maganda pag uusap nila ni Addie." sagot nito.
" ah ganun ba? Hinahanap ka nga pala ni Gelai."
" Oo nga pala hindi pa ako nakakapag hi sa kanya. Iwan muna kita Lemie ah, puntahan ko muna si Gelai." agad na paalam nito kay Lemie.
Naiwan silang dalawa sa garden, nanatiling nakaupong nakatalikod si Lemie sa kanya.
" hi!" ilang na bati niya dito.
" hello!" ganting bati nito.
" nakita mo na Girlfriend ko? Ganda noh?" makulit na sabi niya dito baka sakaling mapawi ang tensyong tila bumabalot sa kanila.
" Oo nga eh! Akalain mo yun Cua pinatulan ka nun?" sa kung anong tono.
" syempre gwapo ako kaya dapat maganda din Girlfriend ko." sa mahinang tinig. Hindi niya maintindihan ang namamayaning kirot sa kanyang dibdib ng tila wala lang kay Lemie ang lahat.
" kahit birthday mo makapal parin ang mukha mo." asar nito sa kanya.
" sira! Kumain kana ba?"
" ako pa! Yun nga ang ipinunta ko dito eh!"
" kaya pala nagkulang na yung pagkain kanina..tsk, tsk, tsk."
" ang sama mo talaga Jhazz."
" biro lang, tara pakilala kita kay Gelai."
" ayoko, uwe na ako tutal umuwe narin naman si Addie."
" oo nga pala kamusta siya."
" i guess she's not fine pero saka na natin pag usapan yung susunod na gagawin. For the mean time dadamayan ko nalang muna siya sa bahay."
" ganun ba? Tara hatid na kita."
" wag na, baka hanapin ka ni Gelai."
" ehdi magpapaalam tayo sa kanya."
" hindi siya magagalit?"
" wala naman siyang rason para magalit diba? Wala ka naman sigurong balak i take home ako?" biro niya dito.
" kapal mo!"
" siya sige, mauna kana dun punta lang muna ako sa C.r."
" alam mo ba kung saan?"
" Oo tinuro ni Ken kanina."
" ok, hintayin kita dun kay Gelai."
"geh!"
Lemie's POV
Pagkaalis ni Jhazz ay saka palang siya natinag sa pagkakaupo. Agad siyang nagtungo sa Cr upang maghilamos, ayaw nyang kakitaan siya ng kahit ano mang bakas ng luha ni Jhazz Cua. Hay napaka awkward ng mga nangyari ngayong gabing toh. Ganun na ba talaga kahalata ang nararamdaman nya para kay Jhazz at pati si Ken ay nahalata na ang nararamdaman nya para sa pinsan nito?
Maya maya lang ay tinungo na niya ang kinaroroonan ni Jhazz. Sh*t na malagkit kung kanina sa malayo ay napaka ganda na ni Gelai lalo na ngayon sa malapitan. Napaka sopistikada nito tingnan ngunit napaka amo ng mukha nito. Hay ano naman ang laban nya dito? Siya na galawgaw at tiger look? Walastik down na down ang beauty niya. Ngayon lang siya na insecure sa tanang buhay niya..bakit ngayon pa kung kelan mas kailangan nya ngayon ng sampung sako ng self confident? Teka san ba pwedeng umorder non? Hay..tama na nga..
" Gelai si Lemie, Lemie si Gelai." pakilala ni Jhazz sa kanilang dalawa ng tuluyan na siyang makalapit kila Jhazz.
" hi Lemie!" walang halong kaplastikan na bati nito sa kanya. Buong giliw din itong nakipagkamay sa kanya.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Haist paano niya kaiinisan ang ganito kabait at kagiliw na tao? Nakakakonsyensa tuloy, kung malalaman lang nitong may lihim siyang gusto kay Jhazz maging nice parin kaya ito sa kanya?
" sweet hatid ko muna si Lemie ah, ok lang ba?" paalam nito kay Gelai.
" ako na maghahatid sa kanya." presinta ni Ken
Loko toh ah, ngayon na nga lang nya masosolo si Jhazz haharang pa tong mokong na toh. Reklamo nya sa kanyang isipan.
" hinahanap ka ni Grandma, anong sasabihin ko?" bagkus ay sagot ni Jhazz.
" ganun ba? Siya sige kaw nalang ang maghatid puntahan ko nalang muna si Grandma. Bibigyan ba daw ako ng pera?" excited na tanong nito.
" hindi ko alam, puntahan mo nalang." iiling iling na turan ni Jhazz. " punta na mukha kang peso sign."
" aba pang date pa yun." at pagkatapos ay tuluyan na itong umalis.
" sweet alis muna ako ah."
" geh ingat sa pagda drive!"
Tumango lamang ito.
" tara Lemie."
Ipinagbukas pa siya nito ng pinto ng kotse, sige nga sino ang hindi mahuhulog sa taong ganito? Sige nga aber?
Mahabang katahimikan ang namayani, walang may gustong magsalita isa man sa kanila.
" happy birthday!" basag niya sa katahimikan.
" thanks! Akala ko hindi mo na ako babatiin eh!" may halong tampo ang boses na turan nito.
" ang hirap kasing tyempuhan ng birthday boy kanina."
" mahirap tyempuhan o busy ka lang kay Ken" sa kung anong tono.
Ngiti lamang ang itinugon niya dito. Kung malalaman lamang nito kung ano ang napag usapan nila ni Ken. Sana lang tuparin nito ang pangakong hindi sasabihin kay Jhazz ang nalaman nitong sekreto nya.
" ingat ka dun, sira ulo yun pagdating sa babae."
" lupit ng porma natin ngayon ah, kagalang galang" bagkus ay sagot niya, wala siyang balak pag usapan ang tungkol kay Ken.
" kaw nga rin eh, akalain mo yun? Mukha kang babae ngayong gabi." biro nito.
" kapal mo!"
" seksi ka din naman pala eh!" kinindatan siya nito.
Doon siya tuluyang nag blush, buti nalang malamlam ang liwanag ng ilaw kaya hindi halata.
" so pathetic, ngayon mo lang nalaman." sagot niya dito.
" naniwala ka naman agad?" biro nito.
" ang sama mo talaga."
Tumawa lamang ito bilang tugon. Muling namayani ang katahimikan, maya maya lang ay naihatid na siya nito sa kanila.
" bye! Salamat."
Tumango lamang ito at pagkatapos ay tuluyan na siya nitong iniwan.
Nanghihinang pumasok si Lemie, inabutan niyang nanood ng tv si Addie pero hindi doon nakatuon ang atensyon nito.
" may nangyari ba?" agad na tanong nya kay Addie.
" meron, nagkalinawan na kami, simula ngayon wala na akong kilalang Khayzer Mercado." malungkot na sagot nito.
" siguro nga kailangan na nating mag move on, parehas tayong talo sa laban na to."
" bakit kasi si Khayzer Mercado pa?"
" bakit kasi si Jhazz Cua pa?"
"mukhang hindi talaga sila para satin."
" kaya nga eh."
" totoo na talaga to couz, I am officially raising my white flag."
" me too!"
Addie's POV
Second sem, panibagong simula para sa kanilang magpinsan. Tuluyan na siyang bumitaw sa pag asang magkaka ayos pa sila ni Khayzer at si Lemie naman bilang pagtatapos ng kahibangan nito kay Jhazz ay tuluyan ng gumawa ng paraan para magkabalikan sila ni Christian.
" sige couz! Magkita nalang tayo mayang lunchtime." paalam ni Lemie sa kanya.
" ok, bye!"
Agad naman siyang dumiretso sa kanyang first period. Hindi pa man nagtatagal sa kanyang kinauupuan ay may isang pamilyar na tao ang tumabi sa kanya.
" whaah! Do I call it fate?" cool na tanong nito sa kanya.
" Do I know you?" supladang balik tanong ni Addie dito.
" Ill introduce myself again. I am Ken, the ever dashing and handsome cousin of Jhazz." sabay kindat.
" naalala ko na." agad na siyang ngumiti dito. " musta si Jhazz?"
" buti pa si Jhazz kinakamuzta mo." kunwa ay nagtatampong turan nito.
" ahsus!" tumatawang turan nito.
" bagay sayo."
" ang alin?" takang tanong niya.
" yung ganyang nakatawa kaysa sa umiiyak."
Isang malungkot na ngiti ang pinawalan nya.
" nakuh, nalungkot ka tuloy, hindi pa ako nagbabanggit ng pangalan sa lagay na yan ah" biro nito sa kanya.
" grabe sya oh!"
" small world talaga, akalain mo yun same University and same course tayo." pag iiba nito ng usapan.
" bakit ka nga pala lumipat ng University?"
" wala, mapaiba naman tsaka para makadagdag sa mga gwapo dito. Mukhang nagsasawa na yung mga tao dito sa pagmumukha nila Jhazz at Khayzer eh." mayabang na turan nito.
" hangin!"
" joke lang, pinapatawa lang kita."
" ganun ba?"
" Oo naman!"
Pagkatapos ng klase ay hindi parin siya tinatantanan ni Ken, aaminin nya naaliw siya sa kayabangan at kakulitan nito. Kitang kita rin nya na maraming babae nanamang titig na titig at inggit na inggit sa atensyong ibinibigay si Ken sa kanya. Aba hindi na niya kasalanan kung puro Adonis ang mga lumalapit sa kanya, hindi niya rin kasalanan kung ipinanganak siya ng nanay nya ng maganda.
YOU ARE READING
Broken Strings
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa apat na taong binago ng pag ibig. Paano babaguhin ng isat isa ang takbo ng kani kanilang buhay?
Chapter 6
Start from the beginning
