Jhazz' POV
Nang masigurong nakapasok na si Lemie sa loob ay tinahak na niya ang daan pauwe sa kanila. Nangingiti siya habang inaalala ang mga nangyari kanina. Hindi nya maintindihan ang sarili kung ano ba ang dapat maging reaksyon at maaramdaman ng makita kung sino ang nagtext at tumatawag sa kanya kanina, lalong lalo na ng mabungaran nya ito sa pintuan ng computershop. Ilang linggo din kasi silang hindi nagkita, honestly he exerted so much effort to stop his urge of seeing Lemie. Lahat ng oras at panahon nya ay ibinuhos nalang nya sa pag do dota, wala rin siyang panahon sa pangba babae. Ewan pero parang nawalan siya bigla ng gana, sa hindi maintindihang dahilan kasi ay hina hanap hanap niya ang presensya ni Lemie. Kaya nga kaninang nakita nya ito ay parang nakumpleto ang araw nya, parang kinabahan siya na hindi niya maintindihan, parang natatae siya na naiihi. Hay bakit ba siya nakakaramdam ng ganito? Hindi pwede ang ganito. Pag uwi sa kanila ay inabutan nya ang pinsan na tinutukoy nya kanina kay Lemie.
" musta bro?" bungad nya dito.
" eto mas pogi parin sayo." mayabang na sagot nito.
" hindi ka sure dun." nakakalokong sagot niya dito.
" Matakot ka na pare, tapos na ang maliligayang araw mo sa University, ngayong magta transfer na ako dun, ako na ang papalit sa trono mo." mayabang na turan nito.
" naka signal no. 3 nanaman yung hangin mo eh!" birong totoo nya dito.
" haha..pakilala mo ako sa mga chika babes dito ah!"
" sakto may ipapakilala ako sayo." panimula niya dito.
" sino?"
" si Addie, chicks ni Khayzer."
" bro mayabang lang ako pero hindi ako nanunulot ng chickz ng iba!"
" yeah! That' s why i need your help."
" you need my help?"
" actually!"
" may problema ba?"
Ikinuwento nya ang sitwasyon ni Addie at Khayzer."
" still the same cold hearted Khayzer that i know!" napabuga ito sa hangin.
" exactly!"
" baka naman kasi pangit yang Addie na yan kaya ganyan." usisa nito.
" pag nakita mo si Addie baka sabihin mo tsamba."
" ok, sige tingnan ko kung ano ang maitutulong ko."
" salamat bro!"
" teka nga bakit ba parang apektadong apektado ka sa nangyayari sa kanila na kung tutuusin labas kana dun."
" sapat na bang rason na parehas ko silang kaibigan?"
" siguro!"
" tsaka nakikita ko kasi si Addie ang makakapagpabago sa kanya."
" bakit marami parin bang pinapaiyak na babae si Khayzer dahil sa kasupladuhan?"
" no comment!"
" kinukinsinte mo kasi, dapat tinuturuan mong kumarinyo sa babae para hindi ganyan."
" basta mahirap magsalita."
" ok!"
Pumasok na siya sa kanyang kwarto, tama nga naman si Ken bakit nga ba apektadong apektado siya sa nangyayari kay Khayzer at Addie? Posibleng rason nga lang ba talaga na kaibigan siya ng mga ito kaya niya ginagawa ito? O.......
O....o.....o dahil kay Lemie? Dahil mukhang ito lang ang magandang rason para magkasama sila lagi...whaaah...nong klaseng mga idea ang pumapasok sa isip nya ngayon? Kala ba niya fix na sa isip nya na si Gelai na ang forever nya? Bakit parang may kakaiba siyang nararamdaman para kay Lemie? Naloko na...d bale na, parating naman si Gelai sa b- day nya, magkakasama sila ulet kaya panigurado mawawala na tong kakaibang damdamin na paulit paulit kumukulit sa kanya. Tamah! Hay makatulog na nga.
Lemie's POV
" couz! Parang ayaw ko na yata pumunta." alinlangan ni Addie sa kanya.
" saksakin kita diyan, tingnan mo ready na tayo, si Jhazz nalang ang kulang para sumundo."
" kinakabahan kasi ako, pag ganito alam kong may hindi magandang mangyayari."
" mas may hindi magandang mangyayari pag hindi tayo natuloy, mag aamok ako." birong totoo nya dito.
Ang lukaret nyang pinsan may balak pa yatang mag back out, ito nga excited pa naman siyang umattend sa bday ni Jhazz. Grabe ilang araw siyang hindi nakatulog sa sobrang excited tas biglang hindi sila matutuloy, aba hindi siya papayag, hindi na yun makatarungan. Maya maya ay biglang may nag doorbell, lalo siyang kinabahan, excited nyang binuksan ang pinto.
" hi!" cool na bati sa kanya ng lalaking nag doorbell.
" mali yata ang napuntahan mong pinto." disappointed na sabi nya dito. Tangkang pagsasarahan ito ng pinto.
Aaminin nya gwapo ang lalaking nasa harap nya pero hindi ito ang taong hinihintay nya kaya wala siyang pakialam dito ngayon.
" wait!" pigil nito. " pinapasundo kayo ni Jhazz, Im ken nga pala, his ever dashing and handsome cousin." mayabang na pakilala nito.
" magpinsan nga kayo, masyadong malakas ang hangin. Asan ba siya? Kala ko ba siya ang susundo samin?" pinapasok nya na ito.
" nasa Airport, sinundo yung Girlfriend niya, kaya ako ang nautusang sumundo sainyo."
" ganun ba?" disappointed na tanong nya.
Aray! Matsakeett! Bakit kailangan pang dumating ng Girlfriend ni Jhazz? Panira naman ng diskarte, paano pa siya nito mapapansin mamaya ni Jhazz? Nakakainis naman..hay hindi na talaga nya maintindihan ang nararamdaman ukol kay Jhazz. Shockz! Ngayon pa ba talaga siya mapapaamin ng tuluyan sa nararamdaman? Sya sige na..Oo na..YES! SHE'S INLOVE WITH JHAZZ CUA!!!! Ok na? Pwede na?
" ikaw ba si Addie?" pukaw nito sa naglalakbay niyang isipan.
" nope..Im Lemie."
" ahw ok!"
" bakit? May problema ka?"
" wala naman, wala kasi sa hitsura ni Khayzer ang magkakagusto sayo."
" grabe, thank you ah! Pinsan ka nga talaga ni Jhazz, nag iinit ang ulo ko sayo."
" biro lang, ikaw naman. Pero ako mga ganyang sayo ang type ko." sabay kindat.
" ahh ok, wala akong pakialam."
" haha! Tara na?"
" teka lang, tara na Addie, bilis na at aalis na tayo." tawag niya sa pinsan.
Mahinhing bumungad sa pintuan si Addie, kitang kita nya kung paanong napatitig dito si Ken.
" laway mo tulo na, tayo na." biro nya dito.
" kala ko si Jhazz ang susundo satin?" takang tanong nito.
" sinundo yung Girlfriend. Si ken nga pala, pinsan daw siya ni Jhazz."
" hi! Im ken." sa kung anong tono. Naglahad ito ng kamay
" Im Addie!" pakikipagkamay nito.
" oh tayo na, nagugutom na ako." putol nya sa tila slowmo na pagkikilala ng dalawa.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Broken Strings
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa apat na taong binago ng pag ibig. Paano babaguhin ng isat isa ang takbo ng kani kanilang buhay?
