Ken's POV

Hindi nya alam kung anong dapat gawin ngayong nakikita niyang umiiyak si Addie. Gusto nya itong lapitan pero hindi naman nya alam kung tama bang makialam siya. Ano kayang sinabi at ginawa dito ni Khayzer? Ganun ba ito kawalang puso sa babae? Naiinis na siya ngayon sa pinag gagawa ni Khayzer. Buo na ang loob nya gagawa siya ng paraan para makalimutan ni Addie si Khayzer, lalabas na siya sa usapan nila ni Jhazz na pagseselosin lang ito. Gusto nyang turuan ng leksyon si Khayzer, aminado siya babaero siya pero hindi aabot sa ganung punto ang ginagawa nyang pagpapaiyak sa babae. Lalapitan na sana nya ito kaso huli na dahil tuluyan na itong nakasakay ng taxi.
" yung pinsan mo iniwan kana, umuwi na yata." sa wakas ay pansin nya sa kasamang si Lemie.
Ngunit walang Lemie na sumagot. Sinundan nya kung saan ito nakatingin, nakadako ang tingin nito sa kadarating lang na sina Jhazz at Gelai, sweet na sweet ang dalawa. Naloko na, bakit parang may kumakalat na virus sa lugar na ito, may kumakalat na "lovebug" virus. Parang yun ang mga problema ng tao sa lugar na ito.
" yan si Gelai!" turan nya dito.
" kaya naman pala mahal na mahal siya ni Jhazz." mahinang turan nito.
" syempre! One in a million kaya si Gelai." tinatantya nya ang magiging reaksyon nito.
" ang swerte naman nya!" sa hindi malamang tinig
" sino? Si Jhazz o si Gelai? Teka are you allright?" natataranta na siya, tila ba nagbabadya itong umiyak
" yes, Im ok!" agad na kaila nito
" may gusto ka ba kay Jhazz?" kumpirma nito sa hinala.
" bakit naman ako mai inlove sa isang babaero at dota addict na tulad niya?" balik tanong nito sa kanya habang pinipigilan nito ang pagtulo ng luha.
" bakit nga ba?" tanong parin nito.
" because deep down his playboy image is a man full of care and love. Kahit kailan hindi nya ako pinabayaan tuwing kailangan ko siya, kahit pa nasa kasarapan pa siya ng paglalandi o sa kasarapan ng pag do dota. Kahit pa nakakapikon na ako minsan napakahaba parin ng pasensya nya sa akin. A Gentleman in disguise." tuluyan ng naglandas ang pinipigilan nitong luha kanina pa.
" ngayon mo sabihin na hindi ka nga inlove sa kanya."
" hindi ko naman sinasadya eh!"
" its allright!" Inabutan nya ito ng panyo.
" ayoko!" tanggi nya sa panyong inaabot nito.
" bakit?"
" yung huling taong nagbigay sakin ng panyo, ginulo ang buong sistema ko."
"Justine Cua!" sambit nya sa pangalan nito.
napatango lamang ito bilang sagot.
" tara dun natin pag usapan yan sa garden, dameng taong nakakakita satin dito, baka sabihin inaano kita, iyak ka pa naman ng iyak."
" tara!"
Tuluyan na silang pumunta sa garden. Mukhang kailangan nila ng masinsinang usap. Ang pagkakaalam nya kasi mahal na mahal ni Jhazz si Gelai kaya mukhang masasaktan lang talaga si Lemie pag nagkataon. Tsaka kahit pa may gusto narin dito si Jhazz malabo nito ipagpalit ang relasyong meron ito kay Gelai, sa pagkakaalam nya kasi ay matagal na ang relasyon ng dalawa at sa pagkakakilala nya kay Jhazz hindi nito basta basta itatapon ang relasyon nitong matagal na para sa isang bagong relasyon.

" do you know how long Jhazz and Gelai's relationship?" seryosong tanong niya dito.
" more or less 5 yrs I guess." mahinang sagot nito.
" ngayon tatanungin kita. Palagay mo ba may pupuntahan yang nararamdaman mo?"
" I am not expecting anything in return. Anyway, is it a sin to commit a one sided love?" malungkot na sagot nito.
" tanga ka ba o tanga? Masasaktan ka lang." medyo naiinis sa isinagot nito.
" tulad nga sa tanong mo na walang pagpipilian..siguro nga!" malungkot parin na sagot nito.
" you know what' s common between you and Addie?"
" what?"
" you are both fool when it comes to love!" diretsang turan niya dito baka sakaling matauhan ito sakaling marinig ang mga salitang yun.
" oi ah, sobra kana, namimihasa kana na na hinahayaan kitang pagsalitaan ako ng ganyan." birong totoo nito sa kanya.
" I am sorry. Nakakainis lang kasi, bakit mo hinayaan ang sarili mo na mahulog kay Jhazz. From the start naman siguro alam mong may Girlfriend siya diba? So why? Alam mo din namang pang tamang landian lang si Jhazz diba? So bakit?"
" i dont know, i just fell.."
" lame excuse! Nag pa willing victim ka lang kamo."
" sobra kana ah!"
" tama lang yan para matauhan ka."
" bakit ka ba nakikialam? Para ngayon palang tayo nagkakilala ah!"
" hay bahala ka nga!"
Hindi nya alam bakit nga ba siya nakikialam, oo nga naman kakakilala palang nila kanina. Siguro lang kasi ayaw nyang nakakakita ng babaeng umiiyak. Hindi naman siya santo, may mga pagkakataong nakakapanakit siya ng babae pero hindi nya yun sinasadya. At sa mga pagkakataong ganito alam nyang pwede itong maiwasan kung nagpakatino lang sana si Jhazz. Magkabarkada nga talaga ito at si Khayzer, walang pinagkaiba.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon