CHAPTER TWENTY-ONE

Start from the beginning
                                    

*sobs*

" Ang hilig mong magbigay ng motibo, may pakindat kindat ka pa! Inihahatid mo pa ko! Tinuturuan mo pa akong magswimming. Tapos hinalikan mo pa ako kanina! Sige nga! Sabihin mo sakin kung paanong hindi ako mahuhulog sayong gago ka! "

Lumalakad pa rin ako habang naiyak. Ibinubuhos ko na lang sa hangin ang galit at inis ko. Yan lang naman ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero Paano ko sasabihin kung ayaw nya akong harapin!

Hanggang sa makarating na ko samin, umiiyak pa rin ako. Waaa, pupugto ang mata ko bukas, sure na ko dyan. T^T

**

" Ash, anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba? "

Pagpasok ko pa lang sa room, napansin agad ni Keith yung pugto kong mata.

" Wala-- hindi. Hindi ako umiyak. "

Nilampasan ko lang si Keith pero hinawakan nya ako sa braso tapos pinaharap sa kanya.

" Ash, maganda ka pero hindi ka magaling magpalusot. --Wag ka ngang magsinungaling sakin. Umiyak ka ba? "

Tahimik kong tinignan si Keith. Malalaman mo talagang nag-aalala sya dahil sa mukha nya.

Tapos bigla namang bumagsak yung luha ko. Traydor talaga tong luhang to e.

Nakatungo ako habang umiiyak. Bakit kasi ganon si Oliver. Ang dali para sa kanya na kalimutan yung mga nangyare. Oo halik lang yon, pero hindi e, iba talaga ang dating non!

Bigla naman akong niyakap ni Keith.

" Kakausapin kita mamaya. Mas mabuti pa sigurong excuse ka muna sa class. Mainit ka din, baka magkalagnat ka pa. "

Umiiyak lang ako sa dibdib ni Keith habang yakap nya ko.

Pagkabell na pagkabell, inexcuse na ako ni Keith kay sir. Sinamahan nya din ako sa Clinic. Sasamahan pa sana nya ko pero pinigilan ko, hindi naman pwedeng magditch sya ng class para lang sa kadramahan kong to. Pinapasok ko na si Keith sa room.

" Balik na lang ako mamaya paglunch na. "

" Okay. Salamat Keith. "

Pagkalabas ni Keith. Humiga na ko dun sa kama.

Ang sakit. .

Ang sakit ata ng ulo ko ngayon.

Naambunan kasi ako kagabi, tapos malamig pa.

Lalagnatin pa ata ako. Ayokong magkasipon, nahihirapan akong huminga pag may sipon, delikado din para sakin kaya kailangan ko ng inhaler pag ganon. Hays.

Sa sobrang sakit ng ulo ko, itinulog ko na lang.

" Sorry. "

" I'm sorry. "

" Sorry! Dyan ka naman magaling e! "

" Ayokong saktan ka! Sorry pero sana kalimutan mo na ko.--Kalimutan mo na na nagkakilala tayo. Kalimutan mo na na dumating pa ko sa buhay mo. I'm sorry pero hanggang dito na lang tayo. "

" Oliver ano bang sinasabi mo? "

Bumitaw sya sa pagkakahawak ko.

" Oliver! "

Nakita ko na lang na lumabas sya sa pintuan. Iniwan na naman nya ako. In the second time, umalis na naman sya.

Oliver, bakit ganyan ka?

**

Habang umiiyak ako, nakaramdam ako na parang nahulog ako sa napakalalim na balon.

" Oliver! "

" Ash! Calm down! "

Nagising ako na pawis pawisan at ang daming luha sa mukha ko.

Niyayakap ako ni Keith dahil nagwawala ako. Iyak ako ng iyak.

" Ash huminahon ka, nananaginip ka lang. "-hinahagod nya ang buhok ko at kinakalmado ng boses nya.

Inilibot ko ang paningin ko. Nasa isang clinic ako. Edi ang ibig sabihin, panaginip lang yung kanina--pero yung nangyari samin ni Oliver dun sa pool--totoo yon. Totoong totoo.

Umiyak na naman ako ng umiyak.

Sana kasi yun na lang yung panaginip! Sana yun na lang para hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana ganon na lang kadaling kalimutan ang lahat.

" Ash, tumahan ka na. Makakasama sayo yan, lalo na't ang taas ng lagnat mo. "

Tinignan ko lang si Keith. Makikita mong naaawa sya sakin.

Sorry Keith kung dinamay pa kita.

**

Ilang oras din bago ako kumalma. Ang sakit na din kasi ng ulo ko. Nasosobrahan na ko sa pag-iyak.

" Hatid na kita sa inyo. Tara na. "-hinawakan ni Keith ang kamay ko at inalalayan akong lumakad.

Pakiramdam ko, pasan pasan ko ang mundo sa bigat ng loob ko. Hindi ko alam kung magagalit ako kay Oliver o hindi.

Nasa sasakyan na kami ni Keith pero hindi pa rin ako nakakausap.

Inilagay nya ang seat belt saakin bago magpaandar.

" Ash, hindi mo kailangang parusahan ang sarili mo dahil lang sa ginawa nya. "

Teka? Papaanong. . .

Tinignan ko si Keith sa mga mata nya.

Bago ulit sya magsalita, itinigil nya muna ang sasakyan sa gilid.

" Hayaan mo na si Oliver. Kung iniwan ka nya--so let him go. Wala namang kayo, hindi mo kailangang saktan ang sarili--"

" Hindi madali yon! "

Sa pagkakataong yon, tumulo na naman ang luha ko.

" Madali kung susubukan mo. "

" Anong madali sa pagkalimot ng mga nangyayare? Keith hindi naman ako manhid e! Oo tanga ako pero hindi ako manhid! Alam kong may nararamdaman din sakin si Oliver! Hinalikan nya ako! Sa halik na yon, alam ko ng gusto nya rin ako! Sa araw araw na nakikita ko sya, sa araw araw na nakakasama ko sya, sa araw araw na kakulitan ko sya, Keith alam ko! Alam kong merong ibig sabihin ang lahat ng yon! Keith--bakit ganon si Oliver? Bakit ganon sya! "

Humahagulgol na ko sa iyak. Hindi ko na kinaya ang mga nangyayari dahil sa sama ng loob ko. Niyakap lang ako ni Keith at patuloy na pinakakalma sa kanyang bisig.

" Tutulungan kitang makalimutan sya. "

Pinawi ni Keith ang mga luha sa pisnge ko.

" Hindi mo sya kailangan. Let him go. Mag move on ka kung kinakailangan. --Ash, hindi mo pwedeng isentro lang ang pagmamahal mo kay Oliver, try to find some person who can loved you back. "

Damang dama ko ang bawat salita na binibitawan ni Keith.

Siguro kung wala si Keith hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Mahal ko na kasi si Oliver. Mahal na mahal ko na sya, pero bakit ganon? Bakit kailangan nya akong saktan? Tanga ba ako masyado? O sobrang tanga kasi nagmahal ako ng isang katulad nya.

" Tigilan mo na ang kakaisip sa kanya Ash. Ayokong nasasaktan ka. --Tutulungan kitang kalimutan ang gagong yon, --And I wanna make sure na hindi ka na ulit masasaktan. "

W1

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now