Kaibigan (one shot)

294 6 2
                                    

*KRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIINNNNNG*

Nag ring na ang bell ng school, simbolo iyon na kailangan na naming pumasok sa kanya kanya naming classroom. Tumayo ako sa pagkaka upo sa bleacher. Nakatulog pala ako? Wala man lang gumising sa akin. Ang babait, grabe. Kung hindi pa nag bell edi kanina pa ako dito nagmumukhang tanga.

June 04, 2013 first day of class naming ngayon.

 Kinakabahan ako, kasi iba na ang section ko ngayon. Hindi na kasi ‘to tulad ng environment ko dati.

3rd year na ako ngayon at nasa Pilot section na ako. Ang section kung saan nando’n ang mga estudyante ng  JSMJC (Juan Sumulong Memorial Junior College) na matatalino, matitino, mga mahilig mag aral, mga lagging kaharap libro, mga sporty at mga talentado. Pero  kasi noong 2nd year ako, nasa lower section ako. Section kung saan nandoon yung mga magugulo, mga hindi pala aral mga lagging laman ng Guidance.

Parang natatakot ako, natatakot ako na ma out of place sa kanila. Ayoko ng ganoon kasi nasanay ako na lagi akong kinagigiliwan ng mga tao, pero parang iba talaga ngayon.

Habang hinahanap ko ‘yung room may naapakan akong panyo, kinuha ko nalang. Ibibigay ko dun sa ‘lost and found’ ng school. Eto na at nasa tapat na ako ng silid aralan naming, nangangatog na ako, hindi talaga ako sanay ng ganito.

Sanay ako na habang naglalakad ako maingay ang nasa paligid ko, maraming tao na nasa labas, nagkaka gulo at maraming bumabati sa akin. Eh ngayon, kabaligtaran, tahimik, walang tao sa labas, lahat nasa loob ng silid aralan at parang walang nakaka kilala sa’kin.

Magka hiwalay kasi ang building ng ibang section sa Pilot sections. Oo. Pilot sections kasi nahati ang Pilot section sa dalawa. Ang unang section ay tinatawag na ‘Mango’ section, samantalang ang pangalawa naman ay ‘strawberry’ section. Nako, pambata. Sa pangalawang section ako kabilang.

Binuksan ko ang pinto, nagulat ako kasi saktong pag bukas ko ng pinto may papel na eroplano ang lumipad sa may tapat ko, grabe. Ang kalat ng silid aralan! Lumabas ako at tinignan ang naka sulat sa pinto at binasa ito.

“III-Strawberry”

 Parang may mali? Bakit ganito? I’m not expecting a pilot section to be this naughty. Akalain mo? May nagbabatuhan ng papel. Yung mga upuan, hindi naka arrange ng maayos. Yung mga babae naman, ginawang parlor ang room.

Nakakatuwa, kahit papano pala, may ganitong side sila. Sana hindi ako ma out of place dito. Dapat matuto akong  mag cope up. Halata ko na agad ang magtropa dito,  may mga magkaka ibigan na nag tatawanan, yung iba naman gaya ng sinabi ko nag aayos ng mga buhok nila, may grupo na may hawak ng mga libro, at yung iba naman tahimik na nagdadaldalan.

May napansin akong  apat na tao na nasa sulok, tahimik sila at wala, nagtititigan? Sa room may mga weird may mga maaarte, may mga kalog, may mga nerd, may mga joker, may mga serious type.

Astig din pala dito eh. Umupo ako dun sa upuan, katabi nung mga madadal dal na mahina ang boses. Habang pinag mamasdan ko sila, natutuwa ako. Kasi may mga kapareho akong ugali.

Dahil sa inaantok ako inubob ko ang ulo ko sa desk. Wala pang ilang Segundo ang nakakalipas, makakatulog n asana ako pero…

May kumalabit sa akin, inangat ko ang ulo ko tsaka ko iminulat ang mata ko, at tumingin sa kanan ko, nakita ko ang isang babaeng wagas kung ngumiti aabot na ata sa mata niya. Ang cute niya, sobra.

KaibiganWo Geschichten leben. Entdecke jetzt