Nilagpasan niya ako at minura ang mga 'kawayang' nasa likod.

"Hindi ba kayo marunong kumendeng!? Para kayong mga kahoy na walang ginawa kundi tumayo!"

Nakita kong lumalapit siya kay Sarah at ni head to foot niya ang mukhang takot kong kagrupo.

"Susko! Para kang gulat na pusa kada routine!"

Nakita kong bumungisngis ang ilan sa likod. Umiling na lang ako sa harap at naghintay na matapos na itong verbal abuse na natatanggap namin sa kanya.

Kaya nang natapos iyon ay nakahinga ako ng malalim. Kahit na habang nagbibihis ako ay panay ang ngisi ng trainor sakin at panay din ang tanong niya.

"Taga dito ka ba talaga? Ano ngang pangalan mo?"

"Hindi po. Taga Maynila ako. Chesca." Sagot ko.

Inusisa pa niya ako at ngiting ngiti siya sakin. Nang nakawala ako at sa wakas ay pauwi na, saka palang talaga ako tuluyang nakahinga ng maluwang.

Naglalakad ako palabas ng Alegria Community College. Itinali ko ang buhok ko sa unang pagkakataon ngayon dahil sa init na naramdaman ko galing sa pagpapractice ng cheering nang narinig ko ang hiyawan ng mga tao sa covered court.

"Dela Merced for three points!" Sigaw ng kung sino galing doon.

"May practice game sina Hector!" Sigaw nung babaeng nagmamadaling pumunta sa covered court.

Tiningnan kong mabuti ang over crowded na covered court. Hmmm. Sumilip kaya ako? Baka magtutulakan lang kami ng mga babae niya dun? Hmmm.

Kahit na nag aalinlangan ako ay pumunta parin ako. Tama. Nakipagsiksikan nga ako sa dami ng mga nanonood. Hindi lang babae, bakla, tomboy yung nanonood, may mga lalaki rin.

Practice game pala ito ng ilang seniors ng Agri Business at sa mga bago tulad nina Hector. Hindi naman gaanong malayo ang lamang nina Hector sa kalaban. Magagaling din itong seniors. Kaya lang, mas maraming fans ang mga bago. Lalo na't puro mga shooter ito lalo na si Hector. Hindi pa maipagkakaila na mas magagandang lalaki sina Hector, Oliver, Mathew at kung sino pang mga bago.

May nakita pa nga akong kayumangging chinito at may earring pa sa kaliwang ears. Hindi siya kasing tangkad nina Hector at Oliver pero mabilis siyang kumilos at laging nakakaagaw ng bola. Pati ako ay naeexcite sa game. Tumalon talon ako nang nakaagaw ulit siya ng bola.

"WOOOOH!" Hindi ko namalayang medyo natatagalan na ako dahil sa pagkahumaling sa laro.

Pinanood kong sinubukan nung chinito ang pagshoot nung bola pero hindi siya nagtagumpay dahil ni block agad iyon ng isang senior.

"AYYY!" Sabi ko sabay hawi sa mga kulay green na hotdog balloons na ginagamit ng iba upang magcheer sa dalawang team ng Agri Business.

"HECTORRR! KYAAAA! WAAA!"

"HECTOR MAHAL KO!"

Halos maipit ako habang nagsisiksikan na naman ang mga babae pagkatapos ng pangyayaring hindi na ishoot nung chinito yung bola. Nang pasadahan ko ng tingin ang buong court ay nagulat ako nang nakitang nakahalukipkip at mukhang badtrip si Hector na nakatitig sakin.

Sakin ba ito nakatitig?

Tumingin ako sa likod ko bago bumaling ulit sa kanya. Tinaas niya ang kilay niya sa akin.

Ako? Ngumuso ako at halos mabingi na sa sobrang lakas ng tili ng mga babaeng nasa tabi ko.

"AKO ANG TINITINGNAN NI HECTOR!" Sigaw ng isang katabi ko.

Bumuntong hininga si Hector at tumalikod. Lumapit siya sa coach niya at may binulong. Nung una ay umiling ang coach. Pero may binulong ulit siya doon kaya tinapik niya ang balikat ni Hector. Tumayo si Hector ng maayos at nilingon ulit ako.

Anong problema niya?

Itinuro niya ang labasan bago kinuha ang bag niya.

"AALIS SI HECTOR? TAPOS NA BA ANG GAME? HINDI PA AH?"

"HECTOR? HINDI PA TAPOS!"

Kinagat ko ulit ang labi ko lalo na nang nakita kong sinadya niyang banggain ang chinitong nicheer ko kanina. Oh my God? Wa'g mong sabihin saking nagseselos siya?

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Where stories live. Discover now