"Shit ka!" Sabi ko.

Ngumisi ulit siya, "Sige ka. Di ka papayag magsisigaw ako dito! Tsaka, bawal mag mura ha. Yung bibig mo!"

Inirapan ko ulit siya, "Bakit? Ikaw!? Nagmumura ka rin ah!"

Ngumisi pa siya lalo at humalukipkip na pinagmasdan ako.

"Ano na naman? May dumi na naman ba ako sa mukha?"

"Wala. Naisip ko lang na kahit di ka papayag na manligaw ako sayo, liligawan parin talaga kita."

Uminit ang pisngi ko. Sige. Sige pa, Hector. Mambola ka pa! Tignan talaga natin kung kaya mo ang Chesca'ng ito. Mag da-duck walk ka pag di ko gusto ang mga ginagawa mo. Gagawin kitang alipin at papatayin kita sa utos hanggang sa marealize mong hindi worth it ang limang ektarya para pag aksayahan ng panahon.

"B-Bakit?"

Mas lalo siyang ngumiti. Kinilabutan ako. "Kasi sa bawat pag irap mo, pag tataray mo at pag iinarte mo, mas lalo akong nahuhumaling sayo, Francesca. Paano pa kaya kung maglambing ka na sakin?" Tumaas ang kilay niya at umiling.

Naghintay ako sa idudugtong niya nang namimilog ang mga mata. Tinalikuran niya ako bago nagsalita...

"Baka di ko na mabitiwan ang kamay mo."

Napalunok ako. Ilang sandali pa bago ako nakabalik sa huwisyo ko.

Hanggang sa mga sumunod na klase ay iyon ang iniisip ko. Hindi iyon ang dapat kong isipin, eh. Dapat... yung iniisip ko dito ay kung paano ko siya aalipinin? Kaya lang, hindi ako makapag concentrate. Palagi kong naaalala ang labi niyang mapupula at ang panga niyang sobrang nakakakilig pag nag iigting. SHIT! CHESCA! TUMIGIL KA NA AH!?

Kaya hayun at nang nagsimula na kaming mag practice para sa cheering sa Business Administration. Naiirita ako kasi mukhang noong isang buwan pa nagpapractice ang mga Agri Business kasi ang gagaling na nilang mag helicopter move sa ere.

Kami dito kahit simpleng routine ay namumura na ng bading na trainor namin.

"Kayo ang kulelat! Jusko ang gaganda niyo pa naman pero para kayong mga kawayan. Kumembot naman kayo. Susmaryosep! Maawa naman kayo sa beauty ko!"

Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang medyo hawig sa tikbalang na trainor namin. Magaling siyang mag train. Magaling sa choreography at choice ng music. Halatang siya ang nag edit ng lahat. Hindi tulad sa kabilang course na parang nasa youtube lang at nidownload.

"Ikaw!" Sabay turo sa akin ng medyo naiiritang trainor namin.

"Po?"

"Ikaw nga dito sa harapan!"

Napatingin ako sa napatawang si Jobel at sa napangiwing ibang babae sa paligid ko. Tumango ako at humakbang papunta sa harapan.

"Ayan! Siguro sayo lang titingin ang judges. Iksian pa dapat ang palda mo para mas lalong mawindang ang judges!"

"Po? Hindi na uso yung palda, ah?" Biglaang sabi ko.

Napatingin siya sakin, "Gaspang ng tabas ng dila mo, neng. Maganda yung palda na gusto ko kaya chill lang kayo at makisama sakin."

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Where stories live. Discover now