Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Kathy. Nagtakip pa ito ng nakangangang bibig sa sobrang gulat.

Tumawa ito pero bakas sa pagtawa niya ang panginginig ng boses. "A-Ano ba, Hector! Wala lang iyon!" Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok niya sa tainga at mas lalong pumula ang pisngi niya habang tinititigan ni Hector.

Maganda si Kathy. Lagi pa siyang pinapaligiran din ng mga magaganda at mapuputing chinita na kaibigan niya kaya mas lalong umaangat silang tatlo sa ibang mga grupo dito. Kaya lang, napansin kong mukhang may pagnanasa si Reese (isa sa dalawang chinita) kay Hector. Mas lalong tumingkad ang maputing balat ni Kathy dahil sa pamumula ng kanyang pisngi. Manipis ang kanyang labi at tama lang, hindi tulad nang saking manipis pero madalas pouty. Itim na itim din ang kanyang buhok, di tulad ng saking natural na may pagka brown. At ang kanyang mga mata ay slightly doe, hindi tulad nang saking malalim. She's over all okay, maganda. Kung nasa Manila siya, papasa siya sa panlasa ng scout ko bilang modelo.

Bumaling si Hector sakin kaya napatalon ako. Nakita ko ang lalaking may malalim ding mga mata at perpekto ang mukha. Hindi ko alam hanggang ngayon kung bakit di parin siya nadidiskubre ng scout sa Star Circle. He'll make girls moan just by staring at them. Ipinilig ko ang ulo ko. Ang gaga mo, Francesca Alde! What happened?

"Tapos na." Aniya saka tumaas ang kilay.

Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin.

"Right!"

Oo nga pala. Iyon ang hamon ko sa kanya kaya niya iyon ginawa. Diretso akong lumabas sa classroom. Matulin ang lakad ko. Pero agad niya akong naabutan.

"Tapos na kaya pwede na akong manligaw?" Seryoso ang boses niya habang sinusundan ako sa next class kong hindi naman kami magkaklase.

Nilingon ko siya at tinapunan ng madilim na tingin.

"Ano, Chesca? Magkaroon ka naman ng palabra de honor! Kung anong sinabi mo, tutuparin mo!"

Halos matawa ako sa term niyang palabra de honor! "Nag sorry ka lang naman dahil iyon ang gusto ko." Inirapan ko siya.

"Buti alam mo."

"WHAT?" Hinampas ko siya at iniwan sa paglalakad.

"Yun naman ang totoo ah!" Naabutan niya rin ako.

Ang kapal din naman ng mukha nitong balasubas na ito.

"Whatever, Hector." Inirapan ko ulit siya.

Ngumisi siya sakin. Hindi ako makatingin ng diretso. Bakit gwapo siya kapag ngumingisi at natutuwa at gwapo din siya pag galit at badtrip?

"Sige na, pasok na ako sa klase." Iniwan ko siya.

"Yung panliligaw ko?" May bahid na desperation sa boses niya habang sinasabi iyon.

Kumaway lang ako ng patalikod.

"FRANCESCA ALDE! MANLILIGAW SABI AKO-"

Mabilis akong tumakbo sa kanya para sapakin siya. Bahagyang napatingin ang mga lalaking papuntang CR at nakarinig sa sigaw niya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon