Pero nabigo ako. Wala nga palang tatalo sa pagiging inosente nito.

"Kuya ako po si Ysa. Hindi po Miss. Huwag niyo po akong tawaging Miss kasi si Bev ko lang ang may karapatan na tawagin akong ganon. At siya naman po si Nike." sabi pa ni Ysa. Napatakip naman ako sa mukha ko.

Hindi na ako nagtataka bakit ganun si Nike. Aba dahil pareho pala sila nung Ysa. Matiim ulit akong nakikinig sa usapan nila. At ang ending? Ayun. Nganga yung mga lalaking nang-iistorbo kanina. Semplang sila sa ugali nung dalawa. Nakita ko na palabas na sila kaya nagmadali ako na mag-iwan ng pambayad at agad na lumabas. Kasasakay lang nila at nagmamadali na tumawag ng taxi. Pagsakay ko ay agad na nagulat ako.

"Ikaw na naman Manong driver?"

"Oh ikaw na naman Miss na nakahinto na nagpara pa!" gulat na sabi nung driver. Pinaikot ko ang mga mata ko.

"Manong pakisundan yung sasakyan na yun."

"Alin dyan?"

"Yung black car. Ayun." at tinuro ko pa talaga. Tumango naman ito at sumunod kami. 




NAPANSIN ko na sa may Manila Bay sila huminto. Nagpark muna si Nike at bumaba na kasama si Ysa.

"Manong, ito na ulit ang bayad ko." sabi ko at inabot ang bayad dito habang nakatingin pa din sa kanila.

"Thanks Miss." pagkakuha nito ay bumaba na ako. Dahan-dahan naman na sumunod ako sa kanila. Pinagtitinginan man ako ng mga tao ay wala akong paki.

Kasi dyosa ako kaya pagtitinginan nila ako.

Nakita ko naman na parang umalis yung si Ysa. Tumango naman si Nike at naiwan mag-isa ito.

Ha! Moment ko na! Makikita mong beast ka---

"Sino ka Miss?" biglang sa likod ko at pagkaharap ko ay nagulat ako sa nakita ko.

Paanong napunta sa likod ko si Ysa?

"Uhmm... ano..." hindi ko alam ang sasabihin ko. Kanina lang nasa harap ko siya... ngayon nasa likod ko na siya.

"May kailangan ka ba sa akin? O kaya kay Nike?" tanong pa nito.

Naging mailap naman ang mata ko. "Paano mo naman nasabi yan?"

"Kasi sa Pizza Home pa lang nandoon ka na eh. Tapos pati dito sa bay sinundan mo kami." sukat sa sinabi nito at nanlaki ang mga mata ko na napatingin dito. Tinignan kong maigi ito. Sobrang inosente ng mukha nito. Wala akong makitang bakas ng kahit ano. Nagtatanong lang talaga ito.

May something sa Ysa na to.

"Ano kasi..." tumikhim naman ako. "Kaibigan ako ni Nike." sabi ko. Tumango naman ito. 

"Kung kaibigan ka niya... bakit ka nagtatago?" tanong pa nito.

"Ano eh..."

"Alam ko na!" biglang sabi nito. Ohh my gosh! Baka isipin niyang stalker ako ni Nike. Sa ganda kong to. Hindi... hindi ako stalker---

"Gusto mo din ng pizza noh?" ngiting-ngiti na sabi nito. Tinitigan ko ito. Masyadong inosente ang mukha nito. Hinawakan ako nito sa braso. "Tara sabihin natin kay Nikey baby yan!" masayang sabi nito at hinatak na ako. Hahablutin ko na sana ang braso ko pero di ko magawa. Napakunot ang noo ko. Sa payat nito, iba ang pwersa nito.

"Teka! Sandali! Ano kasi---"

"Ohh Ysa baby saan ka ba nanggaling?" tanong agad ni Nike. Agad naman na tumalikod ako.

Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Where stories live. Discover now