KN.09

184 17 24
                                    

Chapter 9


MABILIS na sinundan ko si Nike ng pumasok ito sa isang pizza parlor. Nang pumasok ako ay todo iwas ako at takip sa mukha ko. Umupo ako sa medyo malapit sa kanila dahil baka makahalata pag malapit lang ako.

"Good morning Maam. Welcome to Pizza Home. Here's our menu." magalang bati sa akin ng isang crew at binigay ang menu. Pero dahil medyo busog pa ako dahil galing din naman ako sa handaan, dessert na lang ang inorder ko.

"Uhhmm... brownies and lemon iced tea, please. Thank you." nakangiting sabi ko at pagkaalis nito ay agad na tumingin ako kina Nike at sa kasama nito pero laking gulat ko ng makita ko na umiiyak yung babaeng kasama nito. At dahil mas malapit sa akin ang mga kasama nito ay rinig ko ang usapan nila.

"Tignan mo oh. Pinapaiyak ng panget na mama iyong magandang babae." bulong ng isa. Ayy naku. Makita niyo pa lang si Nike, maiiyak ka na.

"Oo nga. Ano kaya iyan pinipilit iyong babae na makipagrelasyon sa kanya?" bulong pa ng kasama nito. Tumingin ako dun sa babae. Infairness kay Beast, maganda nga. Pero parang bata naman. 

Oh my gosh! Di kaya craddle snatcher tong si Beast? Mukhang estudyante pa yun ha!

Napakunot ang noo ko. Parang wala lang kina Nike at sa kasama nito ang naririnig nila. Saglit lang ay napatampal ako sa noo ko.

Si Nike nga pala ang usapan  dito. Malamang na hindi pa nito alam na siya ang pinag-uusapan.

Pag-angat ko naman ng tingin sa kanila ay nanlaki ang mga mata ko. Iniabot ni Nike dito ang mga regalo na binili niya last time!

"Ang kyut-kyut Nikey baby. Waaa thank you!" masayang sabi nung babae.

"Wait wait wait. N-nikey b-baby?" mahinang sabi ko. At sunod naman nitong binuksan yung maliit na kahon at inilaylay ang kwintas.

"Ang ganda-ganda. Thanks talaga Nikey baby." sabi nito at humalik pa sa pisngi ni Nike!

"Juice colored! Sana hindi nagasgasan ang labi. Pero sabagay mukhang makinis naman ang balat ni Nike. Pero waiiiiittt... hina... hinalikan niya?" nanlaki ang mga mata ko sa huli kong sinabi. My goodness! Sino ka? Sino kang babaita ka? Pero siya pinagbigyan. Di kaya siya si---

"Welcome Ysa baby. Akina isusuot ko." sabi ni Nike at kinuha ang kwintas at isinuot pa dito. Dumausdos ako ng upo. Hindi makapaniwala sa mga nakita at narinig.

All along... akala ko bata ang reregaluhan niya. Pero mali! Malayo sa pagiging bata at napakagandang babae pa! At may baby baby pa na tawagan!

"Naku Beast makakatikim ka sa akin." nanggigil na bulong ko.

"Maam? Ito na po ang orders niyo." biglang sabi ng crew at napatuwid naman ako ng upo. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko.

"Thank you." sabi ko at ng makaalis ito ay agad kong nilantakan ang brownies na inorder ko.

So siya pala si Ysa. Ang baby ni Nike.

Sukat sa huli kong naisip ay marahas na tinusok ko ng tinidor ang brownies ko.

Hype ka Beast. Hype ka talaga.

Naiiritang ningunguya ko ang huling piraso ng brownies ng paglingon ko ay may dalawang lalaki na nasa may lamesa ng mga ito. Mukhang pinipilit ng mga ito na sumama sa kanila yung babae. Pero ang siste! Parehong inosente ang dalawa!

"Wala kaming pakialam sa'yo Panget at si Miss na maganda ang kailangan namin." direktang sabi nito kay Nike. Napanganga naman ako. 

Finally! Finally may nagsabi na kay Nike nun!

Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Where stories live. Discover now