Chapter 10 - Ekang

Start from the beginning
                                    

Mabilis na pinagana ang isip..

          "W-wala po kaming pasok ngayon.. " pagsisinungaling nya.

 Nagtaka ang kasambahay..

          "H-ha ?.. Di nga ?.. Ows ?.. " biro nito..

Natawa si Ekang..

           "Nanganak po yung Adviser namin.. Wala pa pong napiling papalit.. " bigla biglang pagsisinungaling nya..

Tumango tango si Aling Miding..

           "Ah ganun ba ?.. Oh sige magpahinga ka na lang muna dyan.. Sasabihin ko na lang sa Mama mo kapag nagtanong.. " sabi nito..

Nanlaki ang mga mata ni Ekang..

           "Ah wag na po .. Pwede po bang wag nyo na lang sabihin na di ako pumasok now ?.. " pacute na request nya..

Nagtaka ang kasambahay..

Pero napangiti sya ng mag beautiful eyes si Dannica..
 

          "Kita mo tong batang to.. Nag pacute pa.. Hala sige.. Di ko na lang sasabihin na di ka pumasok kasi nanganak yung bakla nyong adviser. " kumindat pa si ALing Miding..

Napanganga si Ekang..

..

Oo nga pala..

Lalaki ang adviser nila..

Kasama nga pala si Aling Miding nung nagpa enroll sya kaya alam nitong bakla ang kanyang guro..

Napangiwi si Dannica..

Pero tinapik sya ni ALing Miding sa balikat..

          "Tinatamad ka lang no ?.. O baka may iba ka pang problema iha ?.. Nandito lang ako kung kailangan mo ng mapagsasabihan .. " wika nito..

Natouch si Ekang..

Napangiti sya..

Wala sa loob na niyakap nya ang matandang katiwala..

          "Mula sanggol ka pa.. Ako na ang nag - alaga sayo.. " sabi nito..

Tumango si Ekang..

           "Kaya kahit papaano.. ALam ko na may nililihim ka.. Pero alam ko na wala akong karapatan na pang himasukan ka dahil amo kita samantalang katulong lang ninyo ako.. " sabi pa nito..

Napailing si Ekang.

Nilayo nya ang matanda at pinakatitigan..

           "Hindi ko po kayo tinuring na iba Yaya.. Sa katunayan.. Para ko na po kayong lola.. " buong pagpapakumbabang sambit nya..

Napangiti ng matamis si Aling Miding at tumango ..

           "Salamat naman kung ganon.. Talagang di ka na papasok ?.. Kukunin ko na yung mga labahan mo dyan.." sabi nito sabay dire diretsong pumasok sa kwarto..

Nataranta si Ekang..

Humarang sya sa daraanan ng matanda..

Nagtaka si Aling Miding sa inakto ng dalagita..

          "Aba't bakit ba ?.. Ang gulo mo ngayong araw ha.. " sabi nya..

Napangiti ng pilit si Ekang..

          "A-ako na po ang magbababa.. " sabi nya..

Napakunot ang noo ng matanda..

          "Hmm.. Sige na nga.. Lilinisin ko na lang itong kwarto mo.. " sabi nya.

Pero mabilis na umiling si Dannica..

          "Ako na po.. Para naman po matuto ako.. " sabi nya sabay ngiti..

 Napangiti ang matanda..

Tumango sya at akmang lalabas ng may mahagip ang mga mata nya..

Nilapitan nya ito at dinampot..

          "Bago cellphone mo iha ?.. " tanong ni ALing Miding.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang..

Mabilis syang tumakbo palapit sa kasambahay at inagaw ang cellphone..

          "Ahaha.. Si Yaya.. Nakalimutan nyo na po ba yung CP Model ko ?.. " halos masamid samid na pagdadahilan nya..

Lalong kumunot ang noo ng matanda..

          "Yan ba yon ?.. Parang mas malaki yan iha ?.. Tsaka di ba pink yun ?.. " tanong pa nito..

 Umiling iling si Ekang..

..

Pero pareho silang natigilan ng makarinig ng pagbahing mula sa banyo.

Nanlaki ang mga mata ni Aling Miding.

          "S-sino yon ?.. " tanong nito..

Mabilis na kumilos si Ekang at humarang sa pinto ng banyo.

          "W-wala po .. Ako po yon.. Haching !.. " pilit syang bumahing para pagtakpan ang narinig nito..

 Pero napailing si ALing Miding..

          "Dannica iha, mukhang may tinatago ka ha.. " sabi nya..

Nagpanic si Ekang ng unti unting lumapit ang kasambahay..

           "W-wag po.. " sabi nya..

Natawa si Aling Miding..

          "Wala akong ginagawa sayo iha.. " natatawang sabi nito..



Pero parehas silang natigilan ng bumukas ang pinto..

           "Wala na ba Ekang ?... Nagugutom na naman ako eh.." tanong ni Darius..

 Napanganga si ALing Miding...

Si Ekang ay napatakip ng kamay sa kanyang mukha..

 Natigilan din si Darius ng makita ang matanda..

          "Ay sorry.. Isipin nyo na lang na di nyo ko nakita.. " sabi nya sabay muling sara ng pinto..

 Sinulyapan ni Aling Miding si Ekang nakatakip ang mukha..

          "S-sorry po.. " sabi ni Dannica..

Pero imbes na magalit..

Natawa na lang si Aling Miding...

 ..

Kwadro Alas - Ace of DiamondsWhere stories live. Discover now