RAIN (One Shot)

14 3 0
                                        


Ayaw na ayaw ko ng ulan. Yung ingay ng pagpatak nito, yung lamig, yung bigla ka na lang mababasa ng wala sa oras. LAHAT!

Sino ba namang matutuwa ay perwisyo sa byahe, sa tuwing may lakad. Baliw na lang siguro ang tuwang tuwa kapag umuulan. Kahit ambon pa man yan, na bubwisit na agad ako.

Pero lahat ay nagbago..

September 23, 2016

07:54 PM

Uwian na noon. Paglabas ko pa lamang ng school ay umaambon na.

At kung minamalas nga naman ako, hindi ko nadala ang payong ko.

Pero dahil ambon lang naman, nagpatuloy na lang akong maglakad papunta sa sakayan.

As usual, siksikan at punong puno ang jeep na nasakyan ko. Nasa kanan ko ang isang matandang babae, at sa kaliwa ko naman ang isang lalaking estudyante na busy sa cellphone nya.

Pag ikaw na snatch-an tatawanan talaga kita.

Isinalpak ko na lamang ang earphones ko sa magkabilaan kong tenga at nakinig ng music. Ano pa nga bang pakikinggan di ba?

Almost 15 minutes na byahe at medyo traffic pa. Malapit na ako sa aking bababaan ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan.

Napamura na lamang ako sa aking isipan.

"Shit. Wala kong payong."
Sambit ko sa aking sarili.

Dahil no choice naman ako, napag isipan ko na lamang na magpakabasa sa ulan.

Papara na sana ako ng maunahan ako ng lalaking katabi ko. Nauna syang bumaba at binuksan ang payong nya. Sumunod na rin naman ako pero bago pa man ako makababa..

"Miss, makipayong ka na lang muna sakin."
Sambit nya habang pinapayungan ako pagbaba.

Tumango na lamang ako at hindi na tumanggi pa.

Mag iinarte pa ba ko?!

Patawid na kami ng kalsada nang bigla nya akong higitin sa kamay pabalik dahil sa may dumaang mabilis na motor.

Nagulat ako at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil sa pagkagulat.

Ramdam na ramdam ko ang malambot nyang kamay na nakahawak sa kamay ko. Tila tumigil ang oras at nagliliparan ang mga paru-paro sa aking tyan.

Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng kalsada.. umuulan at  nakasukob sa iisang payong.

Feeling k-drama lang?!

Tumawid na kami ng kalsada habang hawak nya parin ang kamay ko. Para akong tangang nagpapahila na lang sa kanya.

Ok lang malambot naman ang kamay niya.

Pagkadating namin sa kabilang kalsada ay ikinalas ko na ang pagkakahawak nya sa aking kamay at sumilong sa isang tindahan.

"Dito na ko. Thank you." Walang emosyon kong sambit.

Tinitigan nya lamang ako ng ilang segundo.

"Di ba sasakay ka pa ng tricycle?" Tanong nya sa akin na labis kong ikinagulat.

Stalker ko ba to?

"Hindi. Dito na lang ako."
Pagtanggi ko.

"Sige."
Sagot naman nya at agad na umalis.

Nag antay muna ako ng ilang minuto bago sumakay ng tricycle.

Habang nasa byahe ay napasilip ako sa labas ng tricycle ng makita ko syang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Tama nga ako. Taga dito din sya.

Lalong lumawak ang ngiti sa aking labi at hindi ko mapigilang kiligin.

Ngayo'y alam ko na kung bakit may mga taong gustong gusto ang ulan. Dahil di lang naman tubig at lamig ang dala nito.

Kung minsa'y pag ibig. Pag ibig na di mo inaasahang darating at bubuhos.

Hindi na rin masama ang gustuhin ang ulan.

Lalo na't ng dahil sa ulan ay nakasukob kita sa iisang payong.

Pero gaya nga ng ulan, lahat ng bagay ay may hangganan.. tumitila.. Gaya ng paglisan mo kasama ang iilang minutong nakilala kita at nakasama.

Sana'y magkasalubong muli ang ating landas at magkita.

Umuulan pa man.. o hindi.


Rain (One Shot)Where stories live. Discover now