Chapter 17

6.7K 33 1
                                    

Chapter 17

Unti unting bumukas ang mga mata ni Yui.

Nakaramdam siya ng sakit ng ulo nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw na sumisingit mula sa mga pulang kurtina.

Pula?

She grimaced. This is not her room.

Unti unti niyang iginalaw ang kanyang ulo at inobserbahan ang mga pulang kurtinang nakakabit sa dulo ng bawat gintong pole sa bawat sulok ng malaprinsesang kama na nagmistulang haligi ng bubong ng kaniyang hinihigaan.

Nasaan siya?

Anong nangyari?

Ang huli niyang naaalala ay ang pagbigkas sa dalawang salita sa asul na papel.

"Crescent moon"

Her eyes travelled to her feet.

Kumunot ang noo niya nang makita ang mga kuko niya sa kaliwang paa.

Tatlo sa mga ito ay napinturahan ng pulang nail polish.

Hindi niya pinipinturahan ang kuko niya sa paa. Noon pa ma'y kahit sa hindi malamang kadahilanan ay hindi na siya komportable kapag nakukulayan ito.

"Amber?"

Napapitlag si Yui sa nagsalita. Naramdaman niya ang pagbilis ng kaniyang puso.

The voice was so familiar.

Isang lalakeng nakapulang v-neck ang nakasilip sa kaniyang kama.

Mapupungay ang mga mata at mapula ang mga labi nito.

Hindi alam ni Yui kung anong gagawin sapagkat nakatitig ang lalake sakaniya. Hindi ito nakangiti at halata sakaniyang mga mata na nag-aalala ito.

Kinakabahan siya.

What am I doing here?

And... Amber?

"Mabuti't nagising ka na." He said with a smile.

Bahagya niyang itinaas ang kaniyang kamay na nakahawak sa isang pulang nail polish na para bang nakikipagtoast.

Umupo siya sa harap ni Yui at hinimas ang kaliwa niyang paa.

Tumaas ang balahibo ni Yui sa hawak nito. Napakalamig niya.

"I missed you." He said as he uncapped the nail polish.

And then he started painting her nails.

Napansin niyang iba rin ang pakiramdam ng damit niya.

Nang kaniyang silipin ay saka niya napansing nakasuot siya ng isang silk lingerie na kulay pula.

What the fck.

When she unvoluntarily tugged her hands, that's when she realized that something is preventing it to move.

Nanlaki ang mga mata niya.

Nakagapos siya sa kama.

Her hands are extended and tied above her head.

What's happening?!

She whimpered.

Napatigil ang lalake at napatingin sakaniya.

"What's wrong?"

What's wrong?!

I'm cuffed on a bed wearing red lingerie infront of an unknown guy who's painting my nails in an unknown place!

The NymphomaniacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon