8TH BLOOD: "AFTER"

1.4K 51 9
                                    

A/N: Holllaaaaa! I'm baaaaack! Hihi! Updates will be every week depending on my schedule. Syempre kapag maluwag, alams na. Hahahahaha. Pag tight, edi tight. XD Sorry sa matagal na delay. Hopefully hindi na ulit ako sumabit sa paga-update. Baka kasi iwan n'yo na ako, eh. Joke! XDD Anyway, here's Spade and Crissa! Enjoy, guys! <3

Tell me what y'all think sa pasabog guesting today. VOTE. COMMENT. Stay happy, be happy. Mwa!

-HR <3



8TH BLOOD: "AFTER"

"MINSAN talaga hindi ko alam kung kaibigan ba ang turing sa akin ni Aniyah o alila. Nakikita mo ba kung gaano kakapal itong mga papel na ito? She does this to me—every single time!"

Pumailanlang sa kanyang opisina ang malakas na pagtawa ni Honey Cherise sa kabilang linya. "Almost a hundred years pero hanggang ngayon inirereklamo mo pa rin 'yan. Para kang bago ng bago, eh. Hindi ba pwedeng tumingin ka na lang sa brighter side?"

Umarko ang kilay ni Crissa. "And that happens to be...?"

"She trusts you! Duhhh? Isa pa, sa ating tatlo ikaw lang ang may angking katalinuhan na papasa sa standard niya para bigyan ka niya ng ganyang gawain."

"Ay letseng katalinuhan 'yan!"

Muling tumawa si Honey. Crissa didn't feel like laughing at all dahil sa dami ng ita-type niya. Bilang nasuspinde ang mga High Queens ay sa kanya ipinasalo ang paperworks. First day on the job at halos pasan na niya ang buong mundo. Pambihirang buhay ito.

"Nga pala, Crissa, naalala mo 'yong pabor na hiningi mo sa 'kin? Tungkol sa pag-aampon ng ulilang bata?" Natigil si Crissa sa pagtatype at nabaling ang buong atensyon sa kaibigan. "May sanggol na iniwan sa labas ng gate ng Kagawaran ng Alipin noong isang linggo. Bampira. Natagpuan nila ang mga magulang ng sanggol 'di kalayuan sa gate na nakahandusay at wala nang hininga. Pansamantala siyang nasa pangangalaga ng mga social worker sa Calipto. Ni-recommend kita sa mga 'yon, ang sabi ko naghahanap 'yong kaibigan mo r'yan ng aampunin. They told me they needed to know kung qualified ang mga kaibigan mo para maging magulang."

Kumunot ang noo ni Crissa, napangiwi habang sinusubukang i-visualize kung paanong mapapatunayan nina Courtney at Kill na qualified silang maging mga magulang eh iyong galit nga nila kay Spade ay hindi nila kayang mapigilan. Kailangan yatang sumalang sa anger management therapy ang dalawang iyon bago sila makita't makausap ng social workers mula sa Calipto.

"I-forward mo sa akin ang mga form na dapat nilang pirmahan at i-fill up. Ibibigay ko sa kanila kapag nagkita kami ulit."

"But hey... hindi ba sila 'yong mga kaibigan no'ng mate mo ngayon?"

Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling hininaan ang volume ng kanyang tablet. Napatingin siya sa pintuan, pinakiramdaman ang labas. Pigil ang kanyang hininga dahil sa takot na baka narinig ni Spade ang sinabi ni Honey. Itong opisinang ginagamit niya ngayon ay ang opisinang kadugtong lamang ng kanyang silid. Wala naman siyang problema sa seguridad ng kwarto niya kung hindi lamang niya iniwan si Spade na nahihimbing sa kama sa labas.

"Gaga ka talaga, Cherise!" inis baling niya sa nasa kabilang linya na humagikhik sa amusement. "H'wag kang magbabanggit ng tungkol sa mga 'yon kapag nandito sa kwarto si Spade! Mayayari ako nito, eh!"

"Now we're talking! So you guys mated?"

"Letse ka, iyon lang naman pala talaga ang intensyon mo. Bakit hindi mo na lang ako dineretso?" pabuntong hiningang sumandal siya sa swivel chair then flashed her middle finger at Honey na tinawanan lamang naman nito.

Black Blood Academy: Spade ArdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon