UNO

8.3K 165 43
                                    

This is a work of fiction. The characters and events portrayed here are fictitious or used fictitiously. Any similarity to real persons, living or dead, is purely coincidental and not intended by the author.

WARNING: Mature content. This book contains adult language and contents. It is not suitable for anyone under the age of 18. If not comfortable, please do not continue reading. View at your discretion.
______________

"Ma, aalis na po ako." Sabi ko bago tumayo mula sa upuan ko at naglakad papunta kay Mama na nasa sala para humalik sa pisngi niya.

"Oh, ang aga mo naman ata, anak?" Tanong niya nang makahalik na ako.

"Dalawang araw na po kasi akong late, babawi lang ako." Sabi ko.

"Hay, nako. Ayan kasi, laging late nagigising." Tumawa ng mahina si Mama bago nilipat ang channel sa isang cooking show.

"Wag mo na akong sermonan, Ma." Biro ko.

"Batang to talaga," Napailing siya. "nilinis mo na ba ang kwarto mo?"

"Ah, mamaya na po pag-uwi ko."

"Hay, ako na nga lang ang maglilinis." Sabi niya sabay patay ng tv at tumayo pero pinigilan ko siya at pinaupo ulit.

"Wag na, Ma. Ako na po, uuwi ako ng agad mamaya." Sabi ko sabay on muli sa tv.

"Oh sya, sige na. Mag-iingat ka, ah?" Sabi niya sabay ayos nung shirt kong medyo nagusot. "love you, nak."

"Love you too, Ma." Nagmano ako bago lumabas sa bahay.

Kinapa ko ang bulsa ko at naramdaman ang matigas na bagay na siniksik ko diyan kanina bago ako lumabas sa kwarto ko.

Kinuha ko yun, susi yun ng kwarto ko. Tiningnan ko na muna yung bago pinasok sa bag ko.

Sorry, Ma. Off limits ang kwarto ko.

-----

"Mr. Navarro, you're late again. Pang-ilang late mo na ba to?" Tanong ni Prof sa kanya.

Palihim akong umirap, nakakairita din kasi tong lalaking to. Palaging late kaya naiistorbo ang class ni Prof kaya nag-oovertime siya.

"Pang-anim na po, Prof," Bahagya siyang ngumiti. "pasensiya na po, di na po mauulit."

Lagi niya nalang sinasabi yan. Tsk.

"Tsk," Umiling si Prof. "take your seat, Mr. Navarro."

"Thank you, Prof." Sabi niya bago naglakad papunta sa upuan niya at umupo.

Pagkaupo niya ay agad ko siyang pinakitaan ng pokerface ko para mafeel niya na naiirita ako sa kanya. Nasa gilid ko lang kasi yung seat niya.

Yung inosente niyang tingin ang binalik niya sakin, hindi niya ata gets. Ugh, slow! Matalino naman to ah.

"Okay, class. Get one whole sheet of yellow paper, magssurprise quiz tayo." Sabi ni Prof bago kinuha ang chalk niya.

Maraming nagviolent reaction at kabilang na ako don. Pucha talaga, konte lang ang alam ko sa current topic namin.

"Liana, pengeng papel!"

"Liana, ganda natin, noh? Penge naman ako ng papel mo."

"Uy, diba bessy tayo? Share mo naman ang blessings mo."

Lumingon ako sa likod ko kung nasan nanggagaling yung ingay. Maraming nagkumpulan sa upuan ni Revilla dahil may papel siya.

Ayokong humingi diyan, ayokong makipagsiksikan. Liningon ko si Navarro at nakitang may papel pa siya.

Forbidden | #KNLabyrinthWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon