CHAPTER THIRTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinignan ko ang relo ko. Hala, baka nga tulog na sila, 10: 13PM na pala. Ang bagal kasi ni Oliver magdrive. Tsss.


" Ms, two rooms for us. "-sabi ni Oliver sa babaeng cashier. Natagalan pang magsalita yung babae kasi titig na titig kay Oliver tsaka nakatingin dun sa ano ni Oliver--dun sa ano--yung sa ano nya-- sa MATA. [Oy, grabi sila oh.]


" Sir, I'm sorry to say pero iisa na lang po ang vacant room. Natake off na po nung mga vacationist kanina. "-Ha? Ano?


" Miss, paki-check naman kung meron pa oh. Baka may nalilikdangan ka lang. Tignan mo ng mabute. "-sabi ko dun sa babae.

Binuklat nya ulit yung notebook.

" Sorry Ma'am, loaded po talaga lahat ng rooms e, pero kung gusto nyo naman po, pupwede po na may isa sa inyo na makikisama dun sa isang guest, 2 bed rooms in one room, magkahiwalay po yung kwarto. "


Bigla namang nag-abot ng pera si Oliver.

" No. Hindi na. Kukunin na namin yung last room. Hindi sya makikisama sa ibang rooms. Give me the key."

" Teka! Si-sigurado ka ba Oliver!? --Ayokong may katabi ako pagtulog. "-hinawakan ko sa damit si Oliver para pigilan syang maglakad.

"Eh anong gusto mo, may kasamang stranger sa iisang room? Tsaka hindi naman ako tatabi sayo e, sa sahig ka, sa kama ako! "


" Sabagay, may point ka."-napatango tango pa ako. Pero teka? Parang may mali. " Sandali nga? Tama ba yung narinig ko? Sa sahig ako tapos sa kama ka? "-hinampas ko sya sa braso. " Ang daya mo ah! "


" Wag ka ng maarte, pasalamat ka pa nga makakasama mo ko sa iisan kwarto. "-nginitian nya ko ng nakakaasar na ngiti tapos tinaas taas pa ang kilay, aba't naglip bite pa e! Ogag to.


" Tse! Asa ka namang matutulog ako sa sahig. Di ko feel,ikamamatay ko kapag walang kama! "

Nagpatiuna ako sa paglalakad sa kanya. Nanguna ako para ako yung mauna sa kama pero napag-isip isip ko na nasa kanya nga pala yung susi, paano ako makakapasok. Badtrip naman oh.


**

Nasa loob na kami. Wow, ang ganda ng room namin. Kita ko pa rin yung kabilang isla mula sa bintana.

" Hoy, mag-ayos ka na ng hihigaan mo! "

Bigla namang nasira yung paghanga ko sa isla, epal kasi si Oliver, hagisan daw ba ako ng unan. Tsk.


" Sa kama nga ako! "Tinignan ko sya ng masama.

" Ako ang nagbayad kaya akin ang kama. "-humiga na agad sya sa kama at sinakop ang lahat ng space gamit ang binti at braso nya.

Aba't ayaw magpatalo ah.


" Ako nga sa kama! Dun ka sa sahig! "-tumalon din ako sa kama.


" Ayoko nga. Mas hindi ako sanay matulog sa sahig. "-itinulak nya ako papalayo.


Nakakainis ka! Di ka man lang magparaya sa babae! Tsk!


Hindi ko na lang sya kinulit, bahala sya, napaka-ungentleman nya! Turn Off! -_-

**

Kinuha ko na yung comforter dun sa cabinet, meron naman pala dito e. Psh. Pagkatapos nun ay inayos ko na, inaantok na ko e.

Kinuha ko din yung bag ko dun sa tabi tapos kinuha ko si spongebob, hindi din ako makakatulog kapag di ko sya kayakap.

Hanggang sa maayos na ang lahat at kumpleto na ang hihigaan ko, humiga na ako at nagsimulang matulog. Ayss, nakakapagod.

Ilang minuto na rin siguro akong nakapikit. Ays, hindi ako makatulog, hindi din kasi ako kumportable sa hinihigaan ko e. Bwisit na Oliver yan.

Bumango ako saglit at kinuha ko yung cellphone ko tapos tinignan ko ang oras. 11:37PM . Syet, patulugin nyo na ko please. Sinilip ko naman saglit si Oliver, ayss, buti pa sya, harok na ang tumbong! Pero yung saglit lang dapat na silip ay parang titig na din, -- ang amo nya pag tulog, sana lagi na lang syang tulog.

"Ang gwapo mo sana kung hindi ka lang mayabang! "-mahina lang yon para di nya rinig. Hays! Kakainggit yung feeling ng pagtulog nya! Bwisit ka kase! Nakakainis ka! Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang biglang may magsalita.

"Tumabi ka na kasi sakin." What the pusang kinalbo! Gising ba sya? Kanina pa ba sya gising? Narinig nya kaya yung sinabi ko? O to the M to the G! Wag naman sana! "Tatabi ka ba o hindi?"

Napalunok naman ako. Nilingon ko ang pwesto nya. "Ka-kanina ka pa ba gising? "-tanong ko.

Pagkatanong ko non, nagmulat naman yung dalawa nyang mata! Hala, gising na gising nga sya. Pero bakit naharok na sya kanina? Waaaa.

" Yah, and I heard what you said. " Napapalo naman ako sa mukha ko.

"At naniniwala ka naman na gwapo ka! Oy joke lang yon ha! Asa ka pa. "-tumalikod ako sa kanya. Nakakahiya! Bistado na ko!

"Ikaw ang bahala. –Ano? Tatabi ka ba sakin o hindi? "

" Hindi! Goodnight! "-pagkasabi ko non, nagtalukbong ako ng kumot.

**

Nagising ako sa sinag ng araw. Grabe, ang liwanag agad. Kinusot ko ang mata ko, napansin kong wala na si Oliver! Hays, mang-iiwan. Nag-inat muna ako. " Good morning Batangas!"

Pagkatapos non ay tumayo na ako at niligpit na yung hinigaan ko, nakakahiya naman kay Oliver.

Bago ako magpunta sa CR, inihanda ko muna ang susuotin kong white short at hanging na long back white dress. Pinaghandaan ko talaga to.

Tumapat ako sa salamin para tignan ang sarili ko. Tang!na! Anong nangyare sa mukha ko?

" Waaaaaaaa!—Oliver! "

Nakakainis si Oliver! Gawin ba daw pusa ang mukha ko! Nakakainis! Para akong pusa na naging si Naruto! Nakakainis! Mukha bang papel ang mukha ko! Humanda ka Oliver pag nakita kita!

Nakailang oras tuloy ako bago ko maalis yung dinrowing nya sa mukha ko. Psh! Gaganti ako!

**

Dinalian kong maligo para mahanap ko na agad si Oliver. Humanda talaga sya sakin!

Pagkalabas ko ng room naming ni Oliver, nahiya naman ako sa suot ko. Bat ganon? Ang gaganda ng katawan ng mga babaeng nakikita ko, shet, kung ganyan lang siguro ang katawan ko, hindi na ko magbe-betting suit. Char! Joke lang! Pero hindi sa biro, nahiya talaga ako sa suot ko, nakabetting suit kasi sila, tas ako short na maikli na half lang ng hita tapos nakalong back pa. Okay na kaya to?

Lumabas ako sa pinakahotel, hinanap ko yung place namin. Si Oliver naman kase, iniwan ako! Psh! Habang naglalakad ako sa beach na to, biglang nagring yung phone ko.

*Unknown number* Sino naman kaya to? Psh?

"Hello?"

["Asan ka na?"] Huh? Pa-pa-pano nya nalaman ang number ko?

" Oliver? San mo kinuha ang number ko? Bakit alam mo? "


[ " Psh! Kinuha ko kagabi! Ano na? Nasan ka na nga? Naglalaro na kami dito! "]

Kinuha nya? Kagabi? Tsk, so hawak nya pala cellphone ko habang natutulog ako! Bwisit! Teka, nasan nga ba ako?

[ " Hoy Ash! Nasan ka ba?"]

" Teka, wait—hindi ko alam kung nasaan ako. Ikaw kasi, iniwan mo ko! "

[ " Tumingin ka nga sa paligid mo! Sabihin mo sakin kung nasaang part ka. "]

Hmmm, nasan nga ba ko. Ahhh, alam ko na.

" Ah—eh—may dagat! May white sand! May puno ng niyog tsaka—"

[" Hindi ko sinabing ibigay mo ang buong details. Tsk, I mean, tignan mo baka may pangalan ng store or bar dyan. Hay nako. "]

"Oo na, sandal lang. Ahmmm—Puerto's Jar of Bars? "


[ " Ahh, osige!—Dyan ka lang ha!—Susunduin kita dyan. "]

a


Hi Chat Love On - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon