Math Camp #6 - The five leaders

Beginne am Anfang
                                    

“There are five leaders. Yung mga leaders are yung mga iba ang kulay ng uniform. I think dalawang leader nalang ang natitira. Without the leader, magiging weak ang CLOFAS at mawawalan ng unity. After killing the remaining leaders, pwede nanatin patayin ang big boss.Paliwanag sa akin ni Yvonne habang naglalakad. Big boss? May leader na nga may boss pa. Sheez.

 

“Paano natin mapapatay ang mga remaining leaders?” Tanong ko habang naglalakad pero napatigil ako sa paglalakad nung hinarangan ako ng braso ni Yvonne.

 

“Watch and see.” Sabi nito at nagtago kami sa likod ng pintuan ng pinaka malapit na kwarto. Ito ay ang CR ng boys. Hinintay ko lang ung sinabi ni Yvonne. May dalawang CLOFAS member na lumagpas sa amin. Agad itong pinutahan ni Yvonne. Kinuha niya ang baril nung isang CLOFAS member at binaril yung kasama niya. Bago pa man maka-galaw yung isang CLOFAS member, pinukpok na ni Yvonne ang ulo niya gamit ang baril na nakuha niya. Kinuha niya ung mga bala sa bulsa nito at sininyales ako na puntahan siya. “Suotin mo ang suot nila.” Sabi ni Yvonne sakin. Binigyan ko naman siya ng nakapagtataka look. Sa totoo lang, ayoko. Hindi natin alam kung anong meron itong powers na taglay, malay mo may putok, BO o di kaya skin disease. Baka mahawa pa ako at mamatay ako sa hiya. “Wag ka na maarte, Ellipse. Ako rin naman magsusuot at may plano ako kaya please maki-join ka nalang.” Sabi niya.

 

“Siguraduhin mong effective dahil kung hindi ikaw ang sasagot ng tawas ko.”Sabi ko. Huhubaran ko na sana yung CLOFAS member kaso nagaalin-langan ako kung ano ang kasarian niya. Baka kasi lalaki, virgin pa naman mata ko. Kinapa ko ung dibdib niya. May palobo. Hindi kaya bukol lang ito? Kinalabit ako ni Yvonne at binigyan ng Wag-ka-na-maarte-look. Tss. Bahala na nga. Tinanggal ko ang zipper ng costume niya este uniform pala. Babae siya, Malaki ang hinaharap eh. Tinignan ko yung sa akin. Puta, bakit hindi ako tulad mo. Hindi naman ako flat, sadyang 50% lang ang ipinagpala sakin hindi tulad niya 100%. Shit, na-insecure naman ako agad. Tinanong ko si Yvonne. “Yvonne, mayaman ka naman di’ba? Ipa-breast transplant mo nga ako pag naka-ligtas tayo. Promise?” Sabi ko.

 

“Jusko! Bilisan mo nga ang pagpalit mo! Kung ano ang pinagiisip mo dyan eh!” Sabi ni Yvonne. Tss. Suplada as always. Pumasok ako sa cubicle at nagpalit na. Pagkatapos magpalit lumabas na ako at laking gulat nang nakita na si Yvonne na nakabihis na ng CLOFAS member outfit. CLOFAS leader outfit kasi yung kanina. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Gosh! Ang sexy ko! Gosh! Ang feeler ko! Tss.. Moodswings.

Lumabas na kami ni Yvonne sa CR at naglakad. Teka, di’ba leader din si Yvonne. Eh di dapat patayin ko rin siya?

 

“Yvonne, leader ka rin di’ba?” Tanong ko kay Yvonne.

 

“Yup. Pero nag-quit na nga ako. Hindi na nga ako CLOFAS member eh. Ikinakahiya ko na nagging member ako.” Sabi niya.

 

“Pero bakit ka sumali ng CLOFAS at the first place?” Tanong ko. Curiousity on.

 

“Kilala mo naman si Beatriz Yagan di’ba?” Tanong niya at tumango naman ako. Sikat siya dahil model din siya ng Penshoppe tulad ni Yvonne. “Well she’s stealing my spotlight kaya sumali ako sa walang kwenta na uprising na ito. Pero huli na nung na-realize ko na  bakit ako mangdadamay ng inosenteng tao kung pwede ko naman siya ipa-ambush. “ Sabi niya. Disididong patayin talaga si Beatriz eh. “Oh, by the way! Pag may nakita kang gold plate sa kanang bahagi ng uniform ng isang CLOFAS member, wag mong kalimutan sumaludo dahil isa silang GOLDEN-CLOFAS. Very old members of CLOFAS. At wag mo rin kalimutan na dapat nakasuot ang mga nametag natin. Hindi naman real names ang mga nasa nametag mga usernames lang naman yun. Tignan mo sa akin oh. Ako si Rainbow_Rose.” Sabi niya habang hawak ang nametag. Tinignan ko naman yung akin, Lady Rebellious. Gusto ko ang username niya. Hindi ko pala gusto, mahal ko pala.

 

“Saan pala tayo pupunta?” Tanong ko kay Yvonne. Napatigil siya sa paglalakad at sinabing.

 

“Area 21. Nandun ang isa sa mga leader, Roel Sy.”

Roel Sy? Pamilyar ang pangalan niya. Loading.. *ting* Naalala ko na, siya ang favorite basketball player ko..

At crush ko rin.

Gosh, paano ko toh magagawa ng matagumpay kung ang papaslangin ko ay isa sa mga hinahangaan ko?

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Vote, Comment, Share and Support

Math CampWo Geschichten leben. Entdecke jetzt